"My First Pay after the points was totally gone"

2 4
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Masaya lang akong ibahagi yung maliit na kita ko dito sa readcash kasi alam ko naman na malalaki na ang kita ng iba sa inyo,pero ako kasi masaya na ko kahit maliit lang ang mahalaga lang sakin ay kumikita ako pandagdag sa iniipon kong pera para pangregalo sa mudra ko.

0.75$ alam ko maliit kumpara sa mga tip na nakukuha ng iba sa ngayon,pero thankful parin ako sa kita kong ito kasi alam kong pinaghirapan ko itong makuha. Nagpapasalamat din ako kay therandomrewarder sa pagbibigay niya ng tip sakin.

Maraming maraming salamat therandomrewarder hindi mo alam na malaking tulong sakin ang mga tip na binibigay mo kay super thankful po ako. Higit sa lahat isang araw ko lang nakuha yan,dati kasi nung point system mga 1 week bago ako makakuha ng ganyan dahil nga sa wala akong gaanong viewer at subcriber. Kaya ang liit talaga ng mga points ko noon,kaya thank you talaga at nakikita mo po ang mga ginagawa kong pagsisikap na magkaroon ng artikulo. Kaya sana sa iba na nagsasabi na bakit si ganyan ang laki ng ganito,bakit ako wala ganyan.

Lahat po tayo na gumagawa ng artikulo dito ay deserving naman magkaroon ng tip,dahil lahat tayo ay naghihirap na gumawa ng article. Kaya huwag niyo po sanang pintasan ang gawa ng iba,maling mali po yun. Magpasalamat nalang kung may tip kung wala thank you parin,.

Tulad nitong gawa ko simple lang at walang mga facts at wala kayong matutunan pero sigurado akong gawa ko ito at galing sakin ito😁😁Tagalog lang talaga ang ginagawa ko kasi ayokong mag mukhang tanga kakatry magenglish. Kahinaan ko yun,hindi kasi ako magaling sa english pero nakakaintindi naman ako. Ewan ko ba bakit hindi ko maexplain o maipaliwanag ang guzto kong sabihin kapag sa english. Sa tagalog kasi kampante ako na alam ko mga sinasabi ko😅😂

Kaya muli salamat readcash sa pagasa at sa kita na binibigay ng site na ito hangad ko na mas lumago at mas tumagal pa itong site na ito dahil marami kayong natutulungan😉😊

TheRandomRewarder..Thankyou very much😘😊

2
$ 0.01
$ 0.01 from @TheRandomRewarder
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Comments

Yes naman, maliit lan pag pinagsama sama yaang maliliit na yaan malaki pa din 👏👏

$ 0.00
3 years ago

oo nga sis😅😅naiipon lang siya sa coins ko..hindi ko pa winiwitdraw natutuwa lang ako na makita siya sa BCH ko😂😂😂

$ 0.00
3 years ago