"My Childhood Friends😭💔"

0 7
Avatar for irene
Written by
4 years ago

Mayroon akong dalawang matalik na kaibigan noon,siguro 15 na kami nung talagang maging close na close sa isa't isa. Kasi nung talagang mga bata bata pa kami ay hindi gaano kami nagkakasama,palibhasa ay mga abala sa pagaaral at sabado at linggo lang ang pinaka bonding.

Kahit nung naghigh school kami hindi rin kami nagkakasama dahil iba iba ng section, sa bahay nalang talaga kami nagkikita kita. Kaya naman tuwing summer doon namin sinusulit ang mga panahon.

Nung bata pa kami natatandaan ko naglalaro pa kami ng manika manikaan na papel,kanya kanyang gawa ng bahay. Meron yung gawa sa lupa at mga bato na may hugis ang mga magiging gamit. Yung iba naman yung Kahon ng sapatos tsaka puro mga gawa sa kahon ang gamit.

ito yung trend na manika manikaang papel,meron ding sailor moon at kung ano2 pang manikang papel na gawa sa mga cartoons noon.

Nandiyan din yung maglalaro kami ng holen,tapos pagaling sa pagsapol at pagpuntirya ng isa pang holen. Pagalingan din magsargo ng taya sa gitna.

from Google..

Sipa is the Philippines' traditional native sport which predates Spanish rule. The game is related to Sepak Takraw. Similar games include Footbag net, Footvolley, Bossaball and Jianzi. The game is both played by two teams, indoors or outdoors, on a court that is about the size of a tennis court.

Naglalaro din kami ng sipa,kung saan yung bitsingko ay bubutasan namin tapos lalagyan namin ng balat ng candy sa butas. Pagalingan pa nga kami kaso lagi akong natatalo kasi ang hirap talaga makarami hanggang 5 lang kaya ko hahaha😂😂

Tumbang preso, also known as tumba lata or bato lata, is a traditional Filipino children's game. It is usually played in backyards, parks, or in streets when there is little traffic in an area.

Naglalaro din kami ng tumbang preso,kung saan papatumbahin mo yung lata sa papamagitan ng tsinalas tapos kapag natumba na ito kailangan hindi ka matataya kasi kung hindi ikaw ang next na taya.

Hide-and-seek (Tagu-taguan)GameHide-and-seek is a popular children's game in which at least two players conceal themselves in a set environment, to be found by one or more seekers. The game is played by one player chosen closing their eyes and counting to a predetermined number while the other players hide.

Naglalaro din kami ng tagu taguan(hide en seek) pagdating diyan naku walang makatalo sakin,dahil sa maiitim ako dun talaga ako nagtatago sa pinaka madilim na sulok tapos inaantay ko na umalis yung kaibigan ko na siyang taya para makaisave ko ang sarili ko.

Napakarami naming laro noon,at sobrang saya namin. Panangalanan pa nga namin ang aming grupo. ION na ang ibig sabihin ay....

I - Irene

O- Ompong

N- Nene

Napakasaya ng aming teenage life,nandiyan yung tatakas namin yung mga bike nila ompong para makapag bike sa gabi. Tapos yung mga taong makakita samin ay tatawagin kaming bikers😁😁nakakamis..

Nangarap din kami na magkaroon ng isang bahay na malaki kung saan doon kami titirang tatlo. At kung sino man ang unang magasawa siyang magpapatayo ng bahay. Kasamaan palad na una nga akong makapag asawa sa kanilang dalawa ngunit ang dating masasayang childhood and teenage friends ay nagbago na.

Si Ompong ay naging busy sa pagaaral,hanggang siya ay maging isang guro na,ngunit kalaunan ay maaga din kaming iniwan.

Si Nene naman ay nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng dahil sa textmate pa noon,yung katext niya kasi noon ay naging katext ko. Tapos pareho pala kaming nililigawan,ngunit hindi ko type yung lalaki at talaga namang sinabi ko na sa kanya yun una palang,ngunit nagkaroon pala ng ibang ibigsabihin ito kay nene kaya naging malabo ang aming pagkakaibigan.

Si Ompong

Si Irene(Me)

Ang dating masayang pagkakaibigan ay nauwi sa parang hindi na magkakakilala although kami ni Ompong nung nabubuhay pa siya ay naguusap at nagkikita parin kami naging ninong pa nga siya ng aking panganay na anak,one time nga niyaya pa niya ako sa school reunion namin,kaso hindi ako nakapunta dahil sa strict ang asawa ko sa mga ganyan ganyan.

Ngunit si Nene ay hindi na,pero nitong nagkaasawa narin siya medyo nagkakakibuan pero hindi na tulad ng dati.

Kung ibabalik ko lang sana ang panahon na kung saan ay masaya kami at nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ni nene,gagawin ko ang lahat upang hindi na namin makilala yung taong naging dahilan ng pagkakasira ng aming samahan.

Grabe ang naging luha ko noon nung nalaman ko na ayaw na ko makasama ni nene sa lahat ng bagay,iniisip niya kasi na aagawin ko lahat ng atensyon na siya anmang sinabi rin na dahilan ni Ompong sakin noon kaya ayaw na daw akong isama ni Nene sa lahat ng lakad.

Simula nung mangyari yun naging taong bahay nalang ako,lagi nalang akong nasa loob ng bahay at lalabas lamang kapag bibili ng mga kailangan,wala ng kinaibigan pa. May mga naging kaibigan man pero hindi na best friend ang turing ko. Natakot na kasi akong muling masaktan ng mga kaibigan na ituturing ko ngunit karibal pala ang turing sakin.

Pero sa pangyayaring yun naging matatag ako,kaya nagpapasalamat parin ako sa kanila lalo na kay Ompong na talaga namang naging tunay parin akong kaibigan,sa kabila ng pagsama niya kay nene noon..

Salamat Ompong sana ay masaya kana kung nasaan ka man naroroon,ang mga masasayang araw na kasama kita ay matataling masaya sa puso't isipan ko.

Kayo anong kwento ng childhood friend niyo..?

Ang ibang picture na ginamit ay nakuha lamang sa Google.. Wala pa kasing camera noon kaya hindi kami nakapagpapicture..✌️😊😉

1
$ 0.02
$ 0.02 from @TheRandomRewarder
Avatar for irene
Written by
4 years ago

Comments