"Liham para sa aking butihing mga Magulang"

0 9
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Pinakamamahal kong mga magulang; momsie at popsie maraming salamat sa lahat ng ibinibigay niyo,hindi para sa ngayon kung hindi sa bawat pinapadala niyo samin ng mga anak ko. Salamat kasi kahit na may asawa na ko,nandiyan parin kayo para samin,para sakin. Hindi matatawaran ang mga ginagawa niyo para samin,na dapat kami ang gumagawa noon sa inyo. Salamat at kayo ang naging magulang ko,hinding hindi niyo kami pinababayaan ng mga kapatid ko kahit na may mga sarili sarili na kaming pamilya. Imbis na yung pera na kinikita niyo ay para sa inyo na lang dahil matatanda na kayo, na dapat kami ang magbibigay pero nagkabaliktad. Kayo pa ang nagbibigay samin, lubos akong nagpapasalamat na kayo ang naging magulang ko. Napakaswerte namin dahil kayo ang naging magulang namin,hindi man tayo mayaman pero mayaman kami sa pagmamahal niyo.

Maraming salamat,lagi kong ipagdarasal na bigyan kayo ng ating panginoon ng malakas na pangangatawan at huwag magkakasakit. Mahal na mahal ko po kayo,lagi kayong magiingat.

Makakabawi rin ako sa lahat ng pagsasakripisyo niyo..

Nagmamahal ang inyong anak;

Irene

1
$ 0.06
$ 0.06 from @TheRandomRewarder
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Comments