Katulad ko rin ba kayona nalinlang nitong magaganda at mababangong kisses na ito..?
Yung tipong dito nauubos ang baon mo kasi naniniwala ka na nganganak at dumadami ito..๐๐๐
binabalot ko pa ito noon ng bulak sabay lagay sa kahon ng sigarilyo na walang laman,sa paniniwala na dadami siya. Pero dumadami nga ba?hahha hindi ko na matandaan,pero biruin niyo pati palang ang artista na si Nadine Lustre ay nagtinda nito sa paaralan nila. Hindi lang yun naniwala din siya na dumadami at nagiging pokemon pa raw๐๐๐
Grabe talaga noon noh,kubg iisipin talaga napaka daling mauto at mapaniwala ang mga kabataan noon at syempre sa mga simpleng bagay na yan sumasaya na ang mga kabataan noong 90's kabilang na ko dun..๐๐
Hindi tulad ngayon mga kabataan more on gadget na,oo nga't hindi na sila naniniwala ng ganun kadali ngunit ang mga bagay noong 90's ay walang tatalo lalo na tong kisses na ito..
Nakakatuwang maalala na minsan kang naloko ng maliliit na bagay na ito..
Yun lamang po sana ay natuwa kayo sa artikulo ko..hanggang sa muli ka readcash๐๏ธ๐๏ธ๐๏ธ
Is this the one that expands whenever it is placed in the water? Cool