"Kaarawan/Birthday"

4 43
Avatar for irene
Written by
4 years ago

Ang Kaarawan o Birthday ay isang beses lamang sa isang taon,kaya naman ang iba ay talagang nagcecelebrate nito. Hindi para magyabang na kaya nilang maghanda,kung hindi para magpakita kung gaano sila nagpapasalamat na nabigyan pa sila ng isa pang taon sa kanilang buhay. Batid naman natin na ang ating mga buhay ay sadyang hiram lamang sa panginoon,kaya sobra tayong nagpapasalamat kapag nadudugtungan pa ang ating taon sa mundo.Kaya para sakin ang pagahahanda ng kaarawan o birthday ay nagpapakita na pagpapasalamat sa isa pang taon ng buhay na binigay sayo.

Pero aminin natin na may nga taong yabang lang ang tingin dito. Ang mga taong ganun ang pagiisip ay hindi na dapat bigyan pansin at halaga.

Kaya ko pala natopic ang Kaarawan ay dahil ngayong araw ay nagdiriwang ang aking bunsong anak ng kanyang ikalawang kaarawan. Siyempre dahil may pandemya,simpleng handa lang ang ginawa namin. Ang mahalaga ay naicelebrate namin ang kaarawan ng aking anak na malusog at masigla siya. Kaya lubos ang pagpapasalamat ko sa panginoon dahil hindi niya pinapabayaan ang aking mga anak. Bukod pa dun nagpapasalamat din ako dahil ibinigay siya sa akin,kaya naman talagang pinaghandaan ko ang araw ng kanyang kaarawan. Nagipon talaga ako para lang kahit papaano ay maipaghanda namin siya.

Pero meron din nmang nagdiriwang ng kaarawan niya o birthday sa pamamagitan ng pagsimba. Dahil tulad nga ng sinabi ko,ang ating mga buhay ay hiram lamang sa panginoon kaya naman laking pasasalamat na natin kung madurugtungan pa ito. At pasasalamat narin sa isang taon na hindi ka niya pinabayaan lalo na sa panahon na ito.

May mga tao din na nagsisimba tapos kain sa labas kasama ang pamilya. Wala na kasing mas sasaya kung sa pagdiriwang ng iyong kaarawan ay kasama mo at buo kayong magdiriwang nito. Ang buo at masayang pamilya ang isa sa napakasayang regalo na matatanggap mo sa iyong kaarawan o Birthday.

Kayo ba? anong pagdiriwang o ginagawa niyo sa inyong espesyal na araw?

simpleng handa para sa kaarawan ng aking bunso..
ang sama ng tingin sa ate niya..

Sa lahat ng magdiriwang ng kaarawan sa buwan ng Nobyembre, Happy birthday sa inyong lahat and be safe always.. Godbless!

2
$ 1.27
$ 1.25 from @TheRandomRewarder
$ 0.02 from @Ruffa
Avatar for irene
Written by
4 years ago

Comments

Yayy, Happy 2nd Birthday to your baby. Sayang saya sa cake ang bata batuta ee, napaka cute naman talaga. Ay pero ang sama ng tinngin sa ate, ika siguro ay, bat nakikidutdot din sa cake haha, kacute.

$ 0.00
4 years ago

oo sis..salamat😊sayang saya talaga siya kahapon nakakatuwa na makita na masaya siya kahit simpleng pagdiriwang lang..

$ 0.00
4 years ago

Naku simple lang yan sa iba peri doon sa hinandaan sobrang sobra na yaan. Lalo na pag baby pa, madali sila maka appreciate basta may cake hehe

$ 0.00
4 years ago

korak..lalo na kapag blowing of candle..😊

$ 0.00
4 years ago