Kapag nakakabasa ako ng mga babae na nagtaksil sa kanilang asawa tapos nakarma,ewan ko ba parang tama lng yun sa kanila!!at talagang nageexcist ang salitang karma!!Pero minsan naaawa din ako lalo na kung hindi siya naging masaya sa ginawa niya
Masama naba ako?!
May grupo kasi akong sinalihan sa facebook na puro kami mga ina, ang mga topic namin dun ay abot sa mga pamilya namin. Lalo na sa mga first time palang magiging ina, Nagtatanong sila dun kung ano dapat gawin sa mga lo nila,kung normal lang yung mga nangyayari sa lo nila, mga nangyayari sa loob ng bahay nila espesyali sa mga pakikitungo ng mga biyenan nila,hipag,bilas bayaw mga ganun..
In short chismisan online hahhaha Meeon din dun topic tungkol sa mga nanay na nawawalan ng konpjnyansa sa sarili mula ng nanganak, tapos yung mga member binibigyan ng advice yung ibang nanay.
Alam naman kasi natin na hindi maiiwasan magkaron ng postpartum depression ang mga bagong panganak kaya yun.
Yun ang kagandahan sa grupo na yun,yung magbibugay ka ng advice lalo na sa mga nangangailangan. Espesyali sa mga bagong ina na hindi pa gaano marunong magaalaga ng mga anak nila at wala sa puder o walang katuuang na matanda.
Kaso minsan maiinis ka dun sa ibang nagpopost ,yung tipong ikaw alam mo sa sarili mo na hindi na kailangan pang sabihin o ibahagi yun kasi kaairaan mo din yun. Pero yung iba sige ang share,pero naisip ko din naman na baka wala na talaga silang masabihan ng sama ng loob kaya dun nalang nila nilalabas.
Pero mali kasi talaga lalo na social media yun,hindi naman kasi lahat ng babae maiintindihan yung ginawa mo eh kaya ang mangyayari magiging masama talaga tingin nila sayo.
At yun na nga may nagshare dun abot sa pagtataksil miya sa asawa niya. Yung asawa niya na ang bait sa kanya,malaya siyang gawin ang mga gusto niyang gawin tapos ang bisyo lang daw ng asawa niya ay manigarilyo at hindi pa madalas ah.
So ayun na nga,nalaman ng asawa niya kaya ang ginawa nung unang asawa niya binigay nalang yung gusto niya. Pinaubaya nalang siya dun sa lalaki,takenote ah may tatlo silang anak.
Oh diba nakakasad,balit nagagawa yun ng ibang babae. Minsan tuloy may mga lalaki na ganun ang nagiging tingin sa ibang babae dahil sa ginagawa ng ibang babae.
Tsaka pano nagagagwa ng babae yun alam naman niya na may tatlong anak siyang masasaktan. Hays para sakin talaga maling mali yun, Ito pa yung pinagpalit niya dun sa asawa niya bukod sa iresponsable gabi gabi siyang umiiyak at wala daw araw na hindi ganun ang nagyayari sa kanya. Kaya ang sabi nalang nung iba sa kanya ay Karma niya yun,baka daw ganun yung naramdaman nung lalaki noong ginagawa niya yung kataksilan niya sa una niyang asawa.
Hindi po ako tsismosa guzto ko lang din naman magsabi ng saloobin ko,ayoko kasi dun maglabas ng aking opinyon dahil kapwa ko siya babae. Pero sa tingin ko kasi talaga mali yun eh lalo na at social media yun maraming makakalam na ganun pala siya.
Kaya payo ko lang sa mga babae katulad ko sana bago kayo magloko isipin niyo muna kung gaano kayo kaswerte sa napili niyo kung swerte namn kayo or isipin niyo nalang mga anak niyo kung meron din. Sila kasi ang magdadala niyan, natural lang naman kasi sa magasawa ng dumaan sa mga pagsubok.
Diyan kasi makikita yung tibay niyo sa relasyon niyo. Maling idahilan na maluwag ang asawa mo sayo kaya tamang gawin mo lang mga gusto mo,or yung nahirapan ka sa asawa mo kasi ganito o ganyan siya.
Kaya sinabing magasawa kayo para magtulungan kayo sa hirap at ginhawa,iaangat niyo ang bawat isa. Hindi yung mangiiwan kayo sa ere, pero ibang usapan kung may thirdwheel(kung nambabae o nanlalaki ang asawa niyo) Para sakin malaking kasalanan talaga yun. Lalo't nasusulat yun sa bibliya ( ika anim na utos: Huwag kang makikiapid)
Kaya sana bago tayo magdesisyon tingnan muna ang good and bad na effect nito hindi lang para sating sarili kung hindi para sa mga anak na masasaktan mo.
At ito lamang po ang akinv maigsing payo o artikulo sa araw na ito. Hindi masamang maging masaya ang masama ay kung sa papano mo ito ginagawa.😊🖐️
Sana ay may napulot kayong aral o tsismis sa akunv artikulo na pinamagatang " Ika- Anim na Utos".