So ito na nga ang aking unang topic ngayong araw,paanonga ba gumawa ng isang article?. Syempre bago ka makagawa ng isang article,kailangan may topic kang tatalakayin. Kasi paano ka gagawa kong wala kang topic diba!? ang topic naman ay madali lang hanapin,maari kasing mga pangyayari ito sa lugar,bagay o sayo. Pwede rin namang mga napapanahon o (trending na issue),pwede ring sarili mong kwento, experience o mga karanasan ng nasa paligid mo. Maraming topic na pwedeng gawin,sa pagdedeliver lang talaga nito ang mahirap.
Syempre kapag may topic kana,need mo namang gawan ng Title ( Pamagat). Sa paggawa ng pamagat o title dapat ay tugma sa topic na gagawin mo. Hindi pwedeng basta title lang,tsaka dapat yung nakakaakit basahin. Yung tipong pamagat pa lang nakakaexcite ng basahin😁😁.
Kapag may topic at pamagat (title) kana diyan na papasok yung paano mo siya sisimulan?. Kala niyo madali no!, yan ang unang nagpapahirap sakin sa paggawa ng article yung introduction 😂😂. Pero base naman sa mga nakikita ko,yung iba may pagbati sa unang talata, yung iba naman sinisimulan sa tanong at yung iba direct na sa topic. Bahala kayo kung saan kayo komportable at kung ano sa tingin niyong ikakaganda ng simula niyo.
Kapag may topic,title at intro kana sa tingin ko tuloy tuloy na ang topic mo. Basta huwag ka lang maliligaw sa mismong topic at title para hindi malito yung nagbabasa. Syempre need din pala ng mga facts o yung mga bagay na may matutunan yung tagabasa mo. Mahirap kasi yung wala silang matutunan,hindi na sila uulit magbasa ng article mo😂😂(parang mga article ko lang,ayaw nilang basahin😅😅).
Lastly is paano mo siya tatapusin,kala ng iba ay madali ang parteng ito,kasi patapos na nagkakamali sila. Kasi yung katapusan ng kwento o artikulo yan ang mahirap gawin para sakin syempre. Peroparasa iba siguro hindi,sa katapusan ng article kasi need mong ipakita dun yung kabuuan ng topic mo. At hindi dapat mawala yung pinaka essence nung tinatalakay mo.
Oh diba madali lang gumawa ng article, topic,title,intro,content and last but not the list is yung end remark ng article na gagawin mo.
Hindi ko alam kung nakatulong yung mga sinasabi ko,pero sana oo.😅✌️Sa paggawa din pala ng article hindi kailangan ng emoji tanging ako lang ang gumagawa niyan. Pero sa totoo hindi dapat talaga,kaya siguro maliit lang tip ko.
Sa paggawa rin ng article hindi naman kinakailangan English,kung saan ka komportable yun ang gawin mo. Kasi mas maipapaliwanag mo at maeexpress mo lahat ng gustom9ng sabihin.
Malaki lang talaga ang naitutulong kung English ang article kasi mas marami ang makakaintindi lalo na kung may mga ibang lahi ang magbabasa nito. Pero kung Pilipino lang din naman ang target viewer's mo pwede namang tagalog,para mas maraming pilipino ang makaintindi nito.
Yun lamang at mabuhay ang lahat ng miyembro ng read.cash nawa'y lahat tayo ay mabigyan ng masaganang tip..
Maghirao mag isip ng topic sis pano yon 🤧🤧