Sigurado ako kakaunti lang makakarelate nito kasi iilan lang ata kaming magulang na rito. Ang mga gawain ng isang ay hindi madali at walang katapusan. Bakit ka niyo? habang ang iba ay nagpapahinga na ang ina ay sinisigurado muna na malinis at maayos na ang lahat. Kaya ko nasabing mahirap ang gawain ng isang ina ay ganito yun,
Ang isang Ina ay magsisimula ang araw niyan ng maaga,nandiyan yung ipaghahanda niya ng almusal ang asawang lalaki na papasok sa trabaho maging ang mga anak nito na papasok rin sa eskwela. Kahit na antok na antok pa yan kailangan niya talagang gumising ng umaga para gawin ang mga gawaing nakasanayan na.
Pagkatapos niyan,nandiyan pa yung maglilinis ng bahay,maghuhugas ng pinggan at magaalaga ng bata kapag may maliit pa.
Kailangan din niyang paliguan ang mga batang anak na hindi pa kayang maligo ng maayos ng sa sarili nila,may mga bata kasi na ginagawang palaruan pa ang pagliligo at nagsasayang na ng tubig.
Hindi lang yan,magaasikaso pa yan ng mga pinagbihisan at ibibihis,may nga anak at asawa kasi na minsan sige lang ang bihis tapos yung pinagbihisan kung san san lang nilalagay. Ina parin ang magaayos nun.
Bago magtanghalian mamimili pa yan sa palengke para lang may ilutong pang tanghalian at hapunan narin. Kapag uwi pa niyan galing sa palengke kailangan pang magasikaso ng paglalaba, Ang paglalaba ay minsan pwedeng pang isang linggo pero sa iba na maraming miyembro ng pamilya kailangang araw araw para hindi matambakan lalo na kung walang washing machine na magagamit at pakusot lang ang gagawin. Kapag katapos ng labahain nandiyan yung magsasampay pa ng mga nilabhan na damit.
Kailangan din bago makapag laba ay magluluto muna yan ng pananghalian ng mga anak niya,tapos yung mga anak na gakibg sa eskwela may mga assignment o homework pa yan. Syempre bilang ina kailangan gabayan at subaybayan din ang mga ginagawa ng anak sa mga homework. May mga bata na sa nanay ipapagawa at talagang magpapatulong pa. Minsan hindi pa maasikaso ng ina agad kaya sa gabi na niya ito nagagawa na dapat ay pahinga narin niya.
Sa hapon naman nandiyan yung maglilinis at maghuhugas ka ulit ng nga pinagkainan,symlempre dahil maggagabi na kailangan mo nanaman magisip ng ilulutong ulam para sa pang hapunan.
Sa Gabi nandiyan yung maghahain ka pa,darating ang asawang lalaki at aasikasuhin mo pa ito. Pagkatapos yung mga anak mo rin, ay kailangan asikasuhin bago matulog. Dahil bilang ina ayaw mo rin na matulog ang mga anak mo ng marumi nandiyan yung lilinisan mo pa sila bago matulog,ililigpit ang mga kinalat na laruan,titingnan ang mga home work kung tama.
Ang ina rin ang taga budget ng sahod ng asawang lalaki,kung kulang man ang ibibigay nito ina parin ang gagawa ng paraan para magkasiya at mapunan ang kulang.
Kaya napaka hirap maging isang ina,swerte ng mga babae na makakapagasawa ng mayaman o maganda ang trabaho ng asawa. Pero para sa ibang sumasahod ng minimum lang hindi kayang kumuha ng katulong, Ina talaga ang gagawa ng gawain lahat.
Ang masayang parte lang ng pagiging ina ay makikita mo na yung mga anak mo ay lumalakibg maayos,malusog at masasayahing bata.
Kaya naman sa mga babae na katulad ko, magisip ng mabuti bago pasukin ang pagaasawa. Hindi lang dapat pagmamahal ang pairalin kailangan din ng utak bago magdesisyon na pasukin ito. Dahil hindi ito isang kanin na pwede mong iluwa kapaga napaso ka.!😁👍
Ang article na ito ay hindi panakot sa mga kababaihan sadyang ito lang ang realidad bilang isang babae,bilang isang ina na magsisilbing ilaw ng tahanan.
Kaya saludo ako sa mga ina na kayang gawin ang lahat para sa kanilang pamilya,lalo na sa nanay ko rin na tiniis ang lahat para saming pito niyang mga anak para lang mapalaki ng maayos. Yung ultimong kakainin nalang niya ay ibibigay pa niya sa amin.
Kaya dapat mahalin at igalang ang lahat ng ina sa mundo dahil hindi biro ang kanilang mga gawain para lang masiguradong maayos ang lahat ng miyembro ng pamilya at maasikaso niya lahat ng ito.
Proud to be mom of two..👍😊
Mahihirapan pero hindi susuko!!!