"Fantasy Island"

0 4
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Pang number 3 sa Netflix ang movie na ito,this movie is all about the revenge of one person. This person was bullied in her high school life,kaya naman na niniwala siya na walang lalaki o sino man ang maaring magmahal sa kanya. Until he met Nick,

What does bully bully mean?

1a : a blustering, browbeating person especially : one who is habitually cruel, insulting, or threatening to others who are weaker, smaller, or in some way vulnerable tormented by the neighborhood bully. b : pimp. 2 : a hired ruffian. 3 archaic

What are the effects of bullying essay?

Bullying can lead to such psychological effects as low self-esteem, loneliness, and increased potential to lapse into illness. These issues may persist into adulthood. It should be recognized that these mental impacts do not stop at the bullied, they also extended to the bullies.

Pero nung araw na dapat ay magkikita sila ni Nick,ay hindi ito sumipot. Hanggang sa nabalitaan niya na may nangyaring sunog sa hotel na tinitirhan nito, at ito ay nasawi sa pangyayaring iyon.

Later on nakilala niya ang mga taong inaakala niya na may kagagawan sa nangyari kay Nick. Ito yung mga kapit bahay niya o kalapit sa unit na tinitirhan nito.

Hanggang sa nakabuo siya ng plano, nagawa niyang pagsama samahin ang mga ito sa iisang lugar, at ito nga ang " Fantasy Island".

Fantasy Island 🏝️

Ang tawag sa isla dahil maaring matupad ang ninanais mong mangyri,sa paanong paraan yung namamahala lang ang nakakaalam.😁😁

Nung araw ding iyon,pagkalapag na pagkalapag ng eroplanong kanilang sinasakayan ay sinalubong sila ng staff ng isla.

Fast forward...

Hanggang sa nagsimula na ang kani kanilang fantasy,

Si Brax at J.D ay magkapatid na happy go lucky,ngunit hindi mo sila mapagkakamalang magkapatid dahil sa pagkakaiba ng itsura nito. Kaya ang kanilang fantasy at patungkol sa kasiyahan,walang sawang kasiyahan.

Si Gwen naman ay magkaroon ng anak na babae,ngunit hindi pa talaga siya sigurado kung ano ba talaga ang gusto niya,kaya naman tinulukan na siya ni Mr.Roarke. Ibinalik siya sa isang scenario na kung saan nagpropose ang kanyang kasintahan ngunit "nung unang mangyari ito ay humindi siya" kaya naman ibinalik ulit ang pangyayari at sa pangalawa ay umoo na siya. Ngunit napaka bilis ng pangyayari kasi kinaumagahan ay bigla nalang may batang babae na sumulpot at ito nga ang kanilang anak. Kaya naman si Gwen ay bumalik kay Mr. Roarke upang palitan ang kanyang Fantasy ngunit may rule ang Fantasy Island na isang fantasy lamang sa kada isang tao,kaya hindi ito napagbigyan sa simula ni Mr. Roarke ngunit kalaunan ay napapayag din ito. Bumalik si Gwen kung saan nasusunog ang kanyang unit hanggang sa nadamay ang katabing unit. Nagsimula ito dahil sa nakalimutang tsaa,na kanyang pinakukuluaan hanggang sa nagsimula ng apoy. Kalaunan ay kumalat na sa kalapit na unit niya, Sa kalapit na unit nandun si Nick at si Nick ang naging biktima ng sunog na yun. Nais sanang iligtas ni Gwen si Nick ngunit hindi na talaga kinaya,sa pagbalik niya nakita niya sina brax,J.d at patrick. Humingi pa siya ng tulong kay Patrick ngunit hindi siya nito tinulungan dahil sa delikado narin ang sitwasyon,kaya naman pumasok ulit si Gwen para sagipin si Nick ngunit wala talaga masiyado ng malaki ang apoy. Muntik na siyang masama sa sunog na yun buti nalang at niligtas siya ng isa sa staff ni mr. roarke,kaya siya nakalabas sa fantasy na yun.

Si Melanie ang kanyang Fantasy ay magrevenge sa isang babae si sloane ito yung babaeng nagpahirap sa kanya at nangbully sa kanya nung high school,kaya naman nais niya itong pag higantihan. Ngunit sa kalagitnaan ng mga pangyayari ay naawa siya kay sloane kaya tinulungan niya ito bandang huli. At pareho silang umalis sa kwarto na yun,nagtaka si sloane kay melanie bakit sila nandun hanggang sa sinabi rin ni melanie na kinidnap din daw siya kaya sila pareho nandun. Sa paglalakad ng dalawa nakilala nila nag isang matanda na naging biktima rin ng isla at dinala sila kung saan ang pinanggagalingan ng hiwaga ng isla. Ngunit paglabas nila dito hindi parin sila tinantanan ni mr. Devil face kung saan ito yung magsasagawa ng pagtotorture kay sloane buti nalang kasama nila si Damon yung matanda na nakakalam ng mg pangyayari sa isla,ngunit sa kasawiang palad ay pumanaw din ito para mailigtas ang dalawang babae mula kay devil face.

Si Patrick ang kanyang fantasy ay bumalik sa panahon kung saan naging bayani ang kanyang ama,ang ama niya ay nasawi sa kabayanihan noon at hindi niya ito nakasama,kaya naman yun ang kanyang fantasy ang makasama ang kanyang iniidolong ama sa kabayanihan nito. Sa una ay inakala nilang spy si patrick kaya nakatali ito nung una hanggang sa napagalaman na hindi kaya naman tinanggal din nila ang pagkakatali dito. Balak na rin sana siyang iuwi ng kanyang ama noon " pero hindi nito alam pa na si patrick pala ang batang naiwan niya" ngunit hindi pumayag si patrick dahil mauuwi sa wala yung pagiging bayani ng kanyang ama na yun naman ang totoong pangyayari kaya hindi niya ito pinyagan umuwi. Nagtalo sila,nagpambuno hanggang sa nakuha ni patrick ang baril at tinutok sa kanyang ama, at sinabi na paano ang mga kasamahan niya na iniwan kung aalis siya,sino ang magliligtas sa kanila. Di naglaon ay napabalik din ni Patrick ang ama,at nagsimula na sila sa kanilng mission. Sa kanilang mission ay maililigtas nila ang dalawang magkapatid sina jd at brax,na noo'y hawak ng mga armadong tao. Ngunit ng akala nila ay ligtas na ang lahat,ang mga armadong lalaki ay muling nabuhay sa pagkakamatay. Dahil nga nasa fantasy island sila kaya lahat ay maaring mangyari,magibg ang pagkabuhay ng mga kalaban nila. Sa inkwentro yun ay nasawi si jd ang ama ni patrick at ang mga kasamahan nilang sundalo.

Sa hindi sinasadya ay nagkita sina sloane,melanie Patrick at brax sa fantasy ni melanie. At sabay sabay silang umalis sa kwarto para hanapin ang iba,sa pagbabalik nila si gwen naman ang nakita nila hanggang sa magsama sama na sila.Tinanong nila si mr. roarke kung ano ang magiging ending ng fantasy na yun,ngunit hindi ito sumagot ng diretso hanggang sa nagtakbuhan sila palabas. Akala nila ay ligtas na sila dahil sa eroplano na tutulong sana sa kanila,ang eroplano na yun ay nahingan nila ng tulong sa tulong ng asawa ni sloane na nakontak nila at ni mr. damon ito sana ang tatawagan ni mr. damon para makaalis sa isla ngunit hindi niya magawang makakonek sa labas ng isla. Ngunit ang eroplano ay pinasabog ng mga armadong tao,kaya naman isa isa silang nagtakbuhan.

Nakaisip ng paraan si melanie at ikinuwento ang tungkol sa puso ng isla kung saan makikita mo ang iyong fantasy. Kailangan nilang pasabog yun upang matapos na ang nangyayari ngunit isang sikreto ang hindi nila alam at lalantad sa kung sino ang may fantasy para ubusin sila.

Akala nila nung una ay yung assistant ni mr. roarke ang may fantasy ngunit sabi ni gwen ay nilagtas siya nito,kaya sino ang gagawa sa kanila. Hindi naglaon ang lumalabas na may kagagawan ng lahat ay si melanie,siya ang nagplano ng lahat upang ipaghiganti ang nangyari kay Nick sa apartment kung saan naninirahan din ang tatlo at si Patrick bilang pulis na nagrespunde ngunit walang ginawa. Nung una magtatagumpay na si melanie ngunit,bumalik si mr. roarke at pinaalala na ang lahat ay pwedeng magkaroon ng fantasy. Si sloane lamang ang hindi pa nagkakaroon ng kanyang fantasy kaya naman ang kanyang fantasy ay magkasama si Nick at melanie at yun nga ang nagyari.

Natapos ang Fantasy na paghihiganti ni melanie,ngunit ang bomba na dapat ipapasabog nila sa puso ng isla ay nakawala sa kamay ni melanie at ito ay tinalunan ni patrick upang mailigtas ang lahat. Kaya naman si patrick ay isa naring hero para sa kanila katulad ng kanyang ama.

Pauwi na sila sloane,gwen at brax ngunit nagpaiwan si brax dahil gusto niyang buhayin ang kanyang kapatid na si J.D para mangyari yun ay kailangan niyang manatili sa isla. Upang habang buhay niyang makakasama ang kanyang kapatid,magtatrabaho siya dito bilang si mr. tattoo..

The End...

Kayo ano ang inyong Fantasy sa buhay..comment down below malay niyo may isla rin dito sa Pilipinas na tutupad ng ating Fantasy..👇👇👇👇

1
$ 0.22
$ 0.22 from @TheRandomRewarder
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Comments