Door Lock produce by South Korean noong 2018,may genre ito na thriller drama film. Kwento ito ng isang babaeng nagtatrabaho sa isang banko at naninirahan mag-isa sa isang unit sa isang gusali. Para sakin napaka ganda ng palabas na ito at may aral kang matutunan,lalo na yung mga single na babae na mag-isang namumuhay na kailangan nilang magingat at maging mapanuri sa lahat ng nangyayari at bagay sa paligid niya.
Ang pangalan ng bidang babae dito ay Cho Kyung Min(Gong Hyo Jin). Si Cho Kyung Min ay nagtatrabaho sa isang banko,pero sa kasamaang palad contractual pa lamang siya dito. Kaya kailangan talaga niyang magsikap sa kanyang trabaho upang madungtungan pa ang contrata niya,kahit na sa tuwing gigising siya sa umaga ay lagi siyang nahihilo o masama ang kanyang pakiramdam kailangan niya parin talagang pumasok sa trabaho. At isang araw paggising niya may napansin siyang kakaiba sa "Door Lock" niya na may mga bakas ng finger print,kaya naman dinoble check niya at binago ulit ang pin code nito bago umalis papuntang trabaho. At pagkatapos ng kanyang trabaho ay umuwi na siya sa kanyang tinitirhan pero may napansin nanamn siya sa Door Lock niya pero binalewala niya ito atpumasok na sa loob ng unit. Ngunit ng sumapit ang gabi nagulat siya at nagising sa ingay na naggagaling sa kanyang pintuan,may taong pilit na binubuksan ang pinto. Tumayo siya para tingnan kung sino ang tao sa likod ng pinto ngunit wala na ito. Ang nakita na lamang niya ay isang upos ng sigarilyo at bakas ng finger prints sa Door Lock niya. Agad naman siyang tumawag ng pulis ngunit hindi talaga siya mapaniwalaan ng mga ito dahil sa makailang ulit narin siyang nagrereport sa mga ito,subalit wala kasi siyang matibay na ebedensiya upang mapatunayan nga na may pumapsok o gustong pumasok sa kanyang unit.
Sa pangyayaring yun lalo siyang naging alerto at nagibg mapanuri sa mga bagay bagay. Kaya naman nung minsan ay nagtanong siya sa isa sa mga tao ng nasabing gusali upang makita ang CCTV footage ng araw na yun,ngunit dahil narin sa kakapusan ng oras ay hindi niya ito nakita at sinabi niya sa tao na sa susunod na lamang niya titingnan.
Habang siya ay nagtatrabhao sa banko may isang lalaki dun na may numerong 119,balak sana ng isa sa kanyang katrabaho na agawin ang lalaki (yung katrabaho niyang yun ay ganun lagi ang ginagawa sa kanya,lagi siyang inaagawan ng client) ngunit talagang nagmatigas na si Cho Kyung Min at pinagdidikan ang numero 119. Kaya naman na mis interpret it yun ng lalaki,akala niya ay piniflirt siya nito. Kaya naman matapos ang paguusap about sa trabaho ay niyaya niya itong magkape sa labas ngunit ayaw ni Cho Kyung Min kaya nagalit ang lalaki,Buti na lamang nandun ang supervisor nilang si Mr. Kim at pinangtanggol siya nito. Ganun pa man ay nagbanta ang lalaki kay Cho Kyung Min ng mga sandaling yun. Nang umuwi na si Cho Kyung Min may package siyang kinuha,binigay ito nung lalaki na nagtatrabaho sa unit. Yung lalaking yun ay feeling close sa kanya pero syempre likas na kay Cho Kyung Min na hindi maging malapit sa kahit na sinong lalaki,kinakausap niya lamang ang mga ito kapag may kailangan siyang itanong o ipatingin tungkol sa unit na tinitirhan niya. Sa labas ng pinto nakita nanaman niya na bukas ang Door Lock ng pinto niya,at napansin niya ang note na iniwan ng kanyang ina roon. Kaya naman agad nuyang tinawagan ang ina at sinabihan na kapag pupunta doon ay magsasabi upang hindi masayang ang biniyahe niya,tiannong niya rin kung iniwang bukas ang door lock ngunit hindi naman pinakealaman ng ina ang door lock ng pinto.
Batid naman ni Cho Kyung Min na may kakaibang nangyayari sa kanya,ngunit hindi niya talaga maunawaan kung ano nga ba iyun. Ngunit sa tuwing sasapit kasi ang gabi,may isang lalaking nakakapasok sa loob nv kanyang unit. Nakikiligo at nakikitulig pa ito sa kanya ng walang saplot na nakayakap pa sa kanya. Sa tuwing mangyayari yun may pinapaamoy ang lalaki kay Cho Kyung Min kaya naman mahimbing na mahimbing ang kanyang tulog. Inaayos din nung lalaki ang lahat ng pinaggamitan niya,at unang nagigising kay Cho Kyung Min upang hindi siya mabisto nito.
Isang araw nahulibg umuwi galing trabaho si Cho Kyung Min,at nung papauwi na siya'y may nakaabang pala sa kanya. Yun yung lalaki na nagyaya sa kanya magkape,buti na lamang ay nandun ulit si Mr. Kim para tulungan siya at ihatid sa kanyang apartment. Ngunit nagulat si Cho Kyjng Min ng may kumakatok sa labas ng unit niya kaya naman hindi niya agad ito pinapasok at siniguro kung sino yung nasa labas. Nung sinabi ni Mr. Kim na siya yun at nalimutan niya yung Wallet niya sa sasakyan at pinagbukasan niya na ito. Ngunit talagang nagtataka siya bakit nalaman ni Mr. Kim ang numero ng Unit niya gayung hindi niya ito sinasabi dito,yun ang nga nasa isip ni Cho Kyung Min ng mga sandaling yun. Kaya naman inalok niya ng kape ito,at nagsabing aalis upang bumili ng kape. Subalit hindi kape ang kanyang kinuha bagkus ay nagreport uli siya sa pulis. Kaya lang pagdating nila sa unit niya,laking gulat nila ng makitang wala ng buhay si Mr. Kim sa loob ng unit niya at nakasabit pa ito sa Door knob ng pinto.
Sa pangyayaring yun,naging suspect si Cho Kyung Min,ngunit pinakawalan din siya dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya laban sa kanya. Dahil nga lagi rin siyang nagrereport nun sa mga pulis na may nais pumasok sa loob ng unit niya. Ganun pa man sa tingin ng mga katrabaho niya ay suspect na siya,naging dahilan tuloy ito upang mawalan siya ng trabaho. Ngunit meron siyang matalik na kaibigan roon si Oh Hyo Joo,at ito lang ang tanging naniniwala na wala siyang kasalanan.
Kaya naman nung umuwi si Cho Kyung Min upang magkinis na sa kanyang unit dahil nagkaroon nga ng pagtatalo roon ay may nakita siyang mallit na bagay na kung saan maaring makapag open ng pinto ng sino man ang nagmamay ari noon. Agad niya itong tinesting sa lahat ng pinto roon at nagulat siya na nabukasan niya ang isang unit number 701 ito ay nasa taas ng kanyang unit. Kinilala niya rin kung sino ang nagmamay ari ng unit at ito ay si Kang Seung Hye.
Sa tulong ng kaibigan ay nalaman nila ang lahat ng ginagawa nito,kaya naman inabangan nila ito sa convenience store dahil thwing sasapit ang 1pm ay may binibili itong halagang 3.20$ kaya naman nung may nakita silanv babae na bumili ng same amout at exact time sinundan nila ito.
Ang hindi nila alam mas malala pa pala ang matatagpuan nila sa ginawa nila. Sa pagsunod dun sa babae ay naghiwalay ang magkaibigan,napunta si Cho Kyung Min sa isang bahay,at sa bahay na yun ang door lock ay same sa Door lock pin ng kanyang unit. Pagpasok niya roon nakita niya ang isang babae at ang babaeng yun ay si Kang Seung Hye,ngunit ang babae ay nanghihina na at may ilang hiwa sa parte ng mga nito. Ang babae ay nakatali rin ang mga kamay at paa,nagulat siya sa lunos lunos na itsura ng babae. Habang pinagmamasdan niya ito,nagukat siya na may pumasok kaya agad siyang nagtago sa ilalim ng kama. Narinig niya ang mga sinabi nubg lalaki,na mayroon na raw siyang next target kaya naman ididispatcha na niya ito,sinabi rin nung lalaki na ang next target niya ay katapat ng unit nito. Kaya anamn nung umalis yung lalaki nakakuha siya ng tsempo para makalabas pero kitang kita niya ang ginagawa nung lalaki na pag saw sa kamay ng babae. Kaya nagmadali siyang makaalis ngunit nahuli siya ng lalaki,buti nalang ay agad siyang nakatakbo palabas,at hinabol siya ng lalaki. Takot na takot siya noon,lalo na nung nacorner siya nito buti na lang ay dumating ang kanyang kaibigan si Oh Hyo Joo at binalya niya ito ng cart,swerte rin na may rumoronda na mga pulis kaya agad silang natulungan. At nireport nila ang pangyayari pati yung bahay,sa una ay walang natagpuan ang mga pulis ngunit ng nagsiyasat sila ay nakita nilang ang wala ng buhay at putol putol na parte ng kamay ni Kang Seung sa labas ng bahay. Kaya nman sa pangyayaring yun ay naniwala na ang detective na si Mr. Lee sa kanya.Subalit hindi niya talaga matandaan ang igsura ng lalaki,kaya ang naging main suspect nila ay yung lalaki na nasa banko na nagyaya sa kanyang magkape si Mr. Kim Gi Jeong isang karpentero.
To make it short..
Nagalit si Mr. Kim Gi Jeong bukod sa tinanggihan at iniiwasan siya ni Cho Kyung Min,siya pa ang naging main suspect sa lahat ng nagyayari sa dalaga kaya naman labis labis ang galit niya rito.Kaya naman simula noon ay lagi niya na itong sinusundan,isang araw may nagpadala ng package kay Cho Kyung Min ito yung cellphone niya na nalaglag nung nasa bahay siya nung kriminal kung san sinagawa ang pagkulong at pagpatay sa ka unit niya noon. Isang tawag ang gumulat sa kanya at sa tawag na yun nakita ang bahay at ang matalik niyang kaibigan. Kaya naman ay agad agad siyang tumakbo papunta dito,hindi niya akalain na may sumusunod sa kanya at ito nga si Mr. Kim Gi Jeong at talaga namang pilit siyang hinihila,samantalang siya ay pilit niyang gustong buksan ang pinto dahil nagaalala siya sa matalik niyang kaibigan na kasama ang suspect. Buti na lamang ay dumating din si Detective Lee,sinundan nila pala si Mr. Kim dahil alam nila ang gagawin nito. Hinuli nila si Mr. Kim at binuksan naman ni Cho Kyung Min ang Pinto para makita ang kaibigan at nagulat siya sa nangyari at agad dinala ang kaibigan sa Hospital upang maagapan ang ginawa ng criminal dahil sa konsensiya at pagaalala hindi siya umalis sa tabi ng kaibigan.
Ngunit hindi niya aasahan ang mangayyari sa paguwi niya,dahil nalaman ng suspect ang kanyang bagong tinitirhan. Bago rin yun nakatakas din si Mr. Kim na talagang gustong maghiganti kay Cho Kyung Min. After ng surgery sa kaibigan pansamantala siyang umuwi,at dumaan muna sa convenience store. Sa convenience store nakita niya yung dating tauhan dun sa apartment niya noon,nagkaroon agad siya ng kutob lalo na nung nakita niya kung ano ang binili nito at kung ano2 ang sinabi nito sa kanya. Kaya naman nagmamadali siyang umuwi sa kanyang unit,paguwi niya makanreceive siya ng tawag kay detective lee upang ipaalam na magiingat siya dahil si Mr. Kim Gi Jeong ay natagpuang patay sa tinitirhan nito. After ng paguusap na yun chineck niya ang CCTV na bin8gay ni Detective Lee nagulat siya sa nalaman niya,may lalaki kasing nasa ilalim ng higaan niya at ito ay walang iba kung hindi yung janitor guard sa dati niyang apartment.
Nung una ay hindi siya makagalaw sa takot,pero naisip niya rin na tumakbo na papalabas ngunit naabutan siya nito at tuluyang nakuha. Dinala siya nito sa isang tagong gusali at binataan siya na gagawin niya rin ang ginawa niya dun sa nauna kung susubok siyang tumakas,dahil kapag nahuli siya ay hindi ito magdadalawang isip na putulin ang mga paa at braso niya.
Ngunti talagang palaban si Cho Kyung Min kaya naman tumakas talaga siya,at hinanap din siya ni Detective Lee. Sa pagtakas niya ay nagtago siya sa isang kwarto muntik na siyang makuha ulit buti dumatjng si Detective Lee at nagpambuno ang dalawa. Sa pagpapambhno nito ay natalo si Detective Lee at nagwagi ang suspect na si Han Doong hoon. Hopeless na si Cho Kyung Min noon lalo nat wala na ang nagiisang tutulong sa kanya,dagdag pa roon ay nakulong sila sa isang aparador na napakalaki. Pero hindi talaga nagpatalo si Cho Kyung Min at lumaban talaga siya at hindi naglaon ay napatay niya ito,dahil sa pagkakauntog nito sa nakalihis na pako.
Lesson: Ang aral na matutunan dito ay hindi ka dapat maging mabait o komportable sa lahat ng tao,maging mapagmasid at kilalanin ang mga taong dumidikit sayo kasi hindi mo anmamalayan na may iba palanv intensyon ito. At laging magiingat lalo na kung nagiisa ka lang,always check everything na nasa paligid mo.Hindi masama ang magdoble ingat kaya lagi itong gagawin upang malayo sa kapahamakan.
I think may napanuod na akong clip nito sa fb, papanuoding ko nga ito omo mukhang maganda ,😱