" Decera Case "

0 21
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Ang tagal din inabot ng usapin tungkol sa kaso ng isang dalagang flight attendant na si Cristine Dacera, 23 years old. Sino ba naman kasi ang hindi rin magugulantang dito,isang dalagang nag happy happy kasama ang mga kaibigan tapos bigla nalang matatagpuan na patay sa bathtub ng isang hotel. At syempre ang mga kasama ay puro's lalaki na bading(hindi ako against sa mga bakla).

Kaya naman talagang iniisip din ng iba na baka may ginawa yung (11) labing isang bakla na kasama niya nung araw na yun. Pero sinabi na nga ng ilang nahuli na wala silang ginawa sa dalaga, nakasaad din sa medicolegal na aerotic aneurysm ang ikinamatay ng dalaga.

Ano ba ang aerotic aneurysm,ito yung may pumutok na ugat sa body parts mo. Pero hindi naniwala ang kampo ng dalaga,lalo na ang kanyang ina kaya naman pinaulit nila ang autopsy dito.

At dahil narin may mga nakitang bruise's sa ilang parte ng katawan ng dalaga,kaya naman hinihila talaga na may ginawa ang mga kasamahan niya nung gabing yun.

Wala ako sa pangyayari pero hindi rin ako naniniwala na magagawa yun nung mga friend's niyang bakla. Marahil yung ibang nakasama niya na friend lang ng friend niya,pero yung mga friend niya i don't think so.

Pero sana naman kung may ginawa man sila o yung ibang nakasama ni Dacera ay sana mailabas na ang katotohanan. At mahuli kung sino ang may sala,pero kung dahil nga sa aerotic aneurysm,sana matanggap narin ng nanay ng biktima ang nangyari.

Kaya sa mga kadalagahan maging aral sana ang nangyari kay Dacera upang mas lalong maging maingat. Dahil nga hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong pagkatiwalaan ang ibang tao,mas mabuti parin na kilatisin at mabuting pagiingat upang hindi na mangyari pa ang ganitong mga pangyayari.

Yun lamang mga karead.cash,hindi ko na tinalakay gaano dahil nasa proseso parin naman ang krimen na ito. Ayokong magkalat ng chismis mahirap na..😁😁

2
$ 0.00

Comments