Minsan ba ay nagkakaroon kayo ng mala baliw na pagiisip? naransan niyo naba ito? yung tipong sa isip niyo kaya niyo ng pumatay ng tao? kaya niyo rin manakit pero sa isip niyo lang? yung tipong naiisip niyo narin magpakamatay?
Ako kasi oo, hindi naman ako ganito noon pero iba pala talaga kapag nagkaasawa kana. Yung ikaw na nagiisip ng lahat ng gagawin at mga kailangan,lalo na pagdating sa mga anak.
Pakiramdam ko nagiisa lang akong nagaalaga at nagaasikaso sa lahat ng gawaing bahay which is yun naman talaga ang nangyayari. Yung ama kasi ng mga anak ko,trabaho lang ang ginagawa take note hindi po mabigat ang trabaho niya. Na kung gusto niya ay pwedeng pwede niya naman akong tulungan,peeo sa tingin ko ay ayaw niyang gawin.
Ang hirap kapag ikaw lang ng ikaw ang gumagawa ng lahat,nakapisan pa kami sa pamilya niya. Wala pa kaming sariling bahay,kaya kailangan talagang makisama ka. Kahit na nga isang linggo lang ang nakakalipas noon nung mananak ako sa bunso ko kumikilos na ko,naglalaba,nagluluto at lumalabas na ko ng bahay kahit umulan para lang bumili ng kakainin namin. Na kung tutuusin ay hindi pa dapat dahil baka mabinat ako,pero sa awa ng diyos hindi niya kami pinapabayaan lalo na ko nung mga panahon na yun.
Ngayon ganun parin,kaya naiisip ko ng iwanan na sila at lumayas nalang dito,at umuwi na samin ( bahay ng magulang ko) Napapagod na kasi ako yung tipong hindi niya ko maintindihan na tao lang din naman ako may kapaguran din.
Ganito kasi yun nagtalo kami sa isang bagay na gamit naman ng anak namin. Nakalimutan konkasing itapon at naiwan sa loob ng C.R pero hindi naman intensyon na kalimutan yun. Twice na kaming nagtalo ng dahil doon pero ito nabtalaga yung tipong suko na ko. Nasabi ko sa sarili ko talaga na suko na ko.! Habang nagprepare ako ng makakain namin,sinesermunan niya ko na ito nanaman daw ako iniwan ko annaman ang pinaggamitan ng anak namin sa C.R napaka baboy daw ng ganung paguugali. Syempre ako hindi naman ako pumayag at nagpantig yung tenga ko sa salitangsinabi niya kaya sumagot ako.!
Maayos ang pagkakalagay ko nun sa C.R hindi nakatiwang wang,balak ko talagang balikan yun pero dahil sa kailangan ko ng magluto kaya nakalimutan ko pero hindi ko sinasadyang makalimutan yun,talagang may mga abagay akong nakakalimutan. Siguro dahil narin sa gamit kong contraceptive kaya nagiging malilimutin ako. Simula nun lagi ng magulo utak ko,gusto ko na siyang layasan kaso pano mga anak ko. Ayoko naman na maiwan sila kasama yung papa nila na sa tingin ko ay hindi rin niya kayang alagaan. Minsan naman naiisip ko magpakamatay nalang dahil sa hirap ng kalooban na nararamadaman ko,hirap na nga yung pisikal ko pati emosyonal hirap narin.
Kaya ito sa tibgin ko nababaliw na ko,may times na nasasaktan ko na nga yung anak kong panganay pero kapag nagyayari yun parang gusto ko ng magpakamatay dahil wala akong silbing ina tapos sinasaktan ko pa anak ko. Ang hirap ang gulo ng utak ko,ang dami kong naiisip na mga bagay. Feeling ko masisiraan na ko ng ulo..😢😢😢
May times na kinakausap ko na nga ang sarili ko,minsan naman bigla nalang akong tatawa tapos ang bilis kong magalit. Wala rin akong mapagsabihan ng mga sama ng loob ko kasi alam ko huhusgahan ka ng tao. Minsan napapaiyak nalang ako at tutulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan. Ang hirap minsan naiisip ko sana bata nalang ulit ako atbumalik ako sa panahon kung saan masaya lang akong naglalaro at walang iniisip na mga problema. Ang hirap pala maging matanda,nung bata ako gusto kong tumanda para magawa ko yung mga ginagawa nila. Yun pala ang hirap maging matanda,kailangan lahat ng problema na darating sayo kaya mong lagpasan.
Minsan din napapatanong ako kay Lord bakit ganito nangyayari sakin,?pero minsan ako din sumasagot. sinasabi ko na yan kasi nagaaral ka inuna pa lumandi kala mo masarap😢😥puro hirap lang pala. Oo masarap kapg may anak ka,sila yung magiging happiness at stress mo rin minsan pero grabe din ang saya mararamdaman kapag nakikita mong masaya at malulusog ang mga anak mo. Pero yung magkaroon ka ng partner na makasarili yun ang napakahirap,yung tipong nakikita niya lang yung ginagawa niya pero hindi yubg ginagawa mo.
Akala niya kasi porket nasa bahay lang ako wala na kong ginagawa,hindi ako nagtatrabaho. Pero mas grabe pa nga yung mga trabaho ko kesa sa kanya. Akala mo ang laki ng perang binibigay pero sa pagkain lang naman napupunta lahat,wala naman akong napapala sa sarili ko. Kaya nga napapabayaan ko na sarili ko,my times na gusto kong magdiet pero hindi ko magawa kasi nanghibinayang ako sa natitirang pagkain baka masayang lang buti kung may refrigerator eh wala naman.
Kaya minsan naiisip ko sana magpalit kami ng katauhan eh,ng malaman niya hirap na ginagawa ko. Hanggang ngayon hindi ko talaga siya kinikibo,at buo na talaga sa isip ko na layasan siya at isama yung mga bata. Kaso may covid19 pa ngayon kaya hanggang kaya pa ng utak ko at ng isip ko makisama sa kanya gagawin ko. Sana lang hindi ako magkaroon ng lakas ng loob na gawin ang mga naiisip ko. Ayoko din naman iwanan mga anak ko,dahil kahit napapalo ko man sila at napapagalitan mahal na mahal ko ang mga anak ko.
No to bash po sana,and sana ay walang lumabas nito dahil dito lang ako nakakapaglabas ng mga sama ng loob ko. Ilang araw narin kasi nangyari yung pagattalo na yun at hanggang ngayon hindi ako okay kaya sinulat ko nalang siya para naman kahit papano maibsan yung lungkot at kabaliwan ng utak ko.
Salamat readcash kasi ng dahil sayo nagkaroon ako ng kaibigan na masasabihan ng problema at sama ng loob kahit papano sa pamamagitan ng pagsusulat nalalabas ko yung emotion ko na tinatago ko sa iba. Pangiti ngiti lang ako pero malungkot ako sa loob,patawa tawa ako pero umiiyak pala ang kalooban ko.
Minsan naiisp ko baka may bi polar na ko,kasi ang bilis magbago ng moods ko. At sobrang hindi na tama yung mga nasa isip ko,kaya sana walang mangbash sa halip ay ihug at comfort po ang kailangan ko.
Maraming salamat..!!!