"ATM"

0 11
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Bago ko simulan ang topic kung ito pagusapan muna natin ang ibigsabihin at ATM at sino ba ang naginvento nito.

automated teller machine (ATM)

An automated teller machine (ATM) is an electronic banking outlet that allows customers to complete basic transactions without the aid of a branch representative or teller. Anyone with a credit card or debit card can access cash at most ATMs.

Who invented ATM?

John Shepherd-Barron

Donald Wetzel

Do Duc Cuong

Automated teller machine/Inventors

Sina John Shepherd- Barron, Donald Wetzel at Do Duc Cuong pala ang mga nagimbento ng ATM.

Kaya ko pala naisipan ito talakayin kasi kanina inutusan lang naman ako ng asawa kong magaling magwithdraw,so ayun ang lola niyo pumunta ako sa isa sa malapit na ATM dito samin.

Pero grabe ang haba ng pila,para kang pumipila ng NFA na bigas😂😂 nagtataka lang ako bakit yung iba napaka tagal magwithdraw o magpindot sa ATM?🙄Hindi ba nila alam na may mga kasunod sila,at yung mga kasunod nila eh may mga oras din namang binabantayan.

Kanina maikwento ko lang ah,hindi sa tsismosa ako peeo ichichika ko narin. Yung kasunod ko sa ATM is almost 15mins to 20 mins ata siya bago natapos, napaka laking oras na nasayang gayong ang dami naming nakapila. Alam ko sasabihin ng iba baka maraming atm card na dala pero kahit na ganun,hindi naman siguro tatagal ng ganun hindi ba?

Ang ATM ginawa yan para sa mga taong nagmamadali,kasi kapag nga naman nasa bank kapa at haharap sa teller para kumuha ng pera,marami pang hanes( process) kaya nagimbento ng ATM para sa mga nagmamadali na makakuha ng pera,easy to cash out. Pero bakit yung iba is tumatagal ng ilang minuto na kung tutuusin is saglitan lang naman.

Hindi ko naman nilalahat yung mga gumagamit ng atm ah,pero kunding konsidera rin sana sa oras ng iba. Okay lang magdouble check if tama or maghintay ng cash,pero hindi din naman matagal lumabas ang cash ang magwithdraw ka. wala pang 5mins lumalabas naman na ang cash pwera nalang kung sira yung machine at nagloloko.

Yun lamang hahaha😂😂peace po sa mga nag ATM pero true po talaga,minsan nakakainis yung mga taong sobrang tagal matapos sa ATM. Kung hindi marunong pwede naman humingi ng tulong basta huwag mong ibibigay yung password ng atm card mo,kung marami namang chinicheck dahil yayamanin okay lang din pero sana isipin mo na may naghihintay din. Hindi mo pagaari ang atm para tambayan ng napaka tagal.

Lagi kasi akong nakakatsempo ng mga ganyang tao,isa lang ang atm card,marunong din naman pero napaka tagal. Parang walang naghihintay sa likod niya,kung tutuusin ginawa na ngang madali yan eh pero bakit ganun.

Hindi ko ginawa ang article na ito para magpatama,kung may tinamaan sorry..!!Pero im telling the truth sabi nga nila time is gold so sana kung para sayo ay mahalga ang oras mo ganun din sa ibang tao.

Hindi lang ikaw ang gagamit ng ATM so please lang kung tapos na tapos na. kung may tanong sa bank na mismo ng atm card magtanong kasi hindi naman yan masasagot ng ATM Machine.

Thank you..🙄✌️

2
$ 0.02
$ 0.02 from @TheRandomRewarder
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Comments