This is movie is all about a girl who has a baby by the wedlock, in tagalog nagkaroon ng anak ng hindi kasal or mas madaling sabi is naanakan.
Kaya naman itinakwil siya ng kanyang sariling mga magulang,maging ang mga tao sa kanilang lugar ay ganun din ang ginawa sa kanya. Kaya naman sa sobrang depresyon na kanyang naramdaman,maging ang sarili niyang anak ay kinitlan niya ng sariling buhay. Pagkatapos nito ay siya naman ang sumunod,nagpakamatay siya gamit ang suklay nanpagmamayari niya. Itinutok niya ito sa kanyang pulso at sinimulang hiwain hanggang sa siya ay mamatay.
Siguro nagtataka kayo kung bakit siya namatay gamit ang suklay,yung suklay niya kasi is metal yung pinaka panuklay.Kaya kung susumaan eh kung ididiin mo ito maari talagang makagawa ng sugat, yung sugat niya na kung saan nanalantay yung dugo niya. Alam naman natin na kapag naubusan ka ng dugo ay maari mo rin itong ikamatay.
Sa kabilang dako ay mayroong magasawa na,naghihintay ng kanilang magigibg supling. Magsisilang noon si Ita (pangalan ng babae sa palabas) ngunit sa kanyang pagsilang ay nakasama na pala nila si Asih ( ang multong hindi matahimik).
Hindi naglaon naisilang na nga ni Ita si Amelia(pangalan nung bata) ngunit kulang ito sa buwan kaya kailangan ng matinding pagaalga dito. Doon narin nagsimula ang panggugulo ni Asih sa buong angkan. Nung una sa biyenan lang ni Ita ito nagpaparamdam,hanggang sa unti unti narin itong nagparamdam kay Ita. Hanggang sa takaga namang guluhin na sila nito maging ang kanyang anak na si Amelia.
Hindi lang pala sa Pilipinas maraming superstitious belief maging sa thailand,naniniwala rin sila na kailangan mong ibaon ang placenta ng sanggol upang magkaroon ito ng magandang kalusugan at hinaharap. Ang ama ni Amelia na asawa ni Ita ay ibinaon ang placenta sa may likuran ng kanilang bahay,ng mga araw na yun kasalukuyang may sakit si Amelia kaya napilitan ang ama nito na ibaon iyon.
Hindi naglaon naging mas grabe ang pagpaparamdam ni Asih sa kanilang pamilya,hindi na lamang kay Ita at sa biyenan ito nagpapakita maging sa asawa narin nito na si Andi. Kaya naman napaniwala niya rin ito na may hindi magandang nangyayari sa kanilang bahay. Nung una kasi inisip ni Andi na napaparanoid lamang si Ita at baka dala lamang ito ng kanyang Postpartum ngunit ng masaksihan din ni Andi ang nangyari sa placenta ng kanyang anak at makuta si Asih dun lamang niya nasabi na totoo nga ang sinasabi ni Ita.
Hanggang sa lumakas ng lumakas ang espirito nitoat magibg si Amelia ay nakuha nito. Laging sinasabi ni Asih na anak niya si Amelia,dahil ang kanyang anak noon ay isa ring sanggol na babae. Ngunit dahil nga sa depression ay napatay niya ito,na akala niya ay lagi niyang dala dala.
Nung makuha ni Asih si Amelia tsaka sila humingi ng yulong sa isang lalaki,na nakakaalam ng lahat patungkol kay Asih(albularyo sa pilipinas). Nagtagumpay naman sila ngunit si Ita naman ang sinapian ni Asih at talagang iginigiit na anak niya si Amelia,kung ano ang ginawa niya sa kanyang anak ganun din sana ang balak niyang gawin kay Amelia( lunurin ang sanggol sa isang punong batya) ngunit malakas si Ita at maging ang pananampalataya ng albularyo at ng biyenan at asawa niya kaya nagtagumpay sila laban sa pananakop ni Asih sa katawan ni Ita, nailigtas nga nila ang sanggol na si Amelia.
Lesson for me:
Kung sana ay tinanggap na lamang siguro nila si Asih ay hindi ito mangyayari sa magina, ang matinding kalungkutan ay nauuwi sa hindi magandang pangyayari. Katulad ng nangyari kay Asih itinakwil siya ng dahil sa nagkaroon lamang siya ng anak na hindi pa naikakasal,kaya humatong sa kamatayan ng bata at ni Asih.
Yung panahon pala nila is panahon pa ng 1980 kung saan kahigpitan talaga patungkol sa pagkakaroon ng anak. Si Asih ay pinagsamantalahan ng kanyang naging amo ng nga panahon na yun.
Now:
Maswerte pa talaga sa panahon ngayon,kasi kahit na nagkaroon ka na ng anak kahit hindi kapa kasal hindi ka itatakwil o mamaltratuhin ng hindi maganda. Salamat at hindi ako namulat ng mga panahon na kahigpitan tulad noon.