"American Murder Family"

0 14
Avatar for irene
Written by
3 years ago
Larawan ng isang masayang pamilya,sino nga ba ang makakapagsabi na ang isang masayang pamilya ay maaring humatong sa karumaldumal na krimen..photo not mine

Sa palagay ko alam niyo na yan,pero syempre dahil wala akong topic siya ang itotopic ko.

Number one siya sa Netflix ngayon na talagang pinanonod ng nakakarami. Bakit kaya? kasi ito lang naman ay isang tungkol sa isang pamilya na kung saan ay yung padre de pamilya mismo ang pumatay. You hear it right,mismong tatay ang pumaslang sa apat na miyembro ng pamilya niya kasama ang batang nasa sinapupunan ng kanyang asawa na papangalanan sana na nico. Pero hindi na niya masisilayan ang mundo,dahil sa sakim na pagiisip ng kanyang sariling ama.

Marahil kaya siya naginv number one kasi naintriga silang lahat,matagal ko narin kasing napanood ito at talagang sinubaybayan ko ang mga pangyayari. Para sa isang katulad ko na pamilyadong tao narin kaya naman yung mga ganitong pangyayari o mga palabas ay talagang hindi ko pinalalagpas.

Kaya naman ikwekwento ko na sa inyo,ang mga ilang nalalaman ko about sa istorya na ito. Sorry talaga wala kasi akong maitocpic kaya naman ito ang napili kong artikulo ✌️✌️ peace po sa mga gustong mateaser ng palabas na ito.

American Murder Family

Ang name ng family na ito ay Watts Family,nakatira sila sa Colorado U.S.A..May dalawa silang anak sina Bella Watts at Cece Watts,by the way magiging tatlo na sana kasi pinagbubuntis ni Shannan Watts ang ikatlo nilang anak na papangalanan sanang Nico Watts.

Maligaya naman ang kanilang pagsasama bago nangyari ang krimen.

Ikinukwento ni Shannan kung paano dumating sa buhay niya si Chris Watts, at bless daw siya sa pagdating nito sa kanyang buhay. Batid din ni Chris na may sakit si Shannan na Lupus kaya naman doon palang ay talaga naman bless siya kasi tanggap siya nito. Ano ba ang lupus?

Lupus is a systemic autoimmune disease that occurs when your body's immune system attacks your own tissues and organs. Inflammation caused by lupus can affect many different body systems including your joints, skin, kidneys, blood cells, brain, heart and lungs.

How serious is lupus?

In severe cases, organs damage and failure can occur. Over 90 percent of people with lupus are women between the ages of 15 and 45. Historically, lupus caused people to die young, primarily from kidney failure. Today, with careful treatment, 80 to 90 percent of people with lupus can expect to live a normal lifespan.

Ikinisal sila noong 2012 if I'm not mistaken,Sa kinasal na nangyari wala doon ang pamilya ng lalaki. Bakit nanaman? Kasi base sa mga ito at sa panayam kay Chris, ayaw daw ng mga ito kay Shannan dahil ilalayo nito si Chris sa kanila.

Para sakin kung ako yun napakasakit diba,,?ikakasal sa lalaking mahal mo pero againts yung parents niya,what the heck😢😡

Balik tayo sa kwento so ayun na nga nagbunga ang kanilang pagsasama,sina Bella Watts ang panganay at Cece Watts ang bunso.

Si Shannan ay isa rin vlogger sa tingin ko kasi naman lahat ng pangayyari sa life nila o mga gingawa niya pinopost at kinukunan niya ng video which is siguro para narin sa memories nila. Nagpopost siya sa Social Media kaya naman talagang kilala din ito doon.

Base sa mga video masaya at talagang namang masasabing husband material talaga si Chris. Hindi mo aakalain na magagawa niya sa pamilya niya ang ganung klaseng karahasan. Demonyo o Monster lang makakagawa nun.

Bakit nga ba humantong sa ganun?

Si Chris Watts ay meron palang Girlfriend ang name is Nickol. Si Nickol ay katrabaho nito at kaibigan daw noong una hanggang sa nagkadevelopan.

Habang nagbabakasyon pala sila Shannan kasama ang kanilang anak sa North America ng ilang linggo,may iba na palang tinatrabaho si Chris nv mga panahon na yun. Or maybe hindi lang ng mga panahon na wala sila Shannan. Nagbakasyon pala sila sa magulang ni Chris. Yun nga lang something happen na ikinagalit ni Shannan sa in laws dahil pinakain si Cece ng Ice cream which is may allergy pala ang bata. Sa galit ni Shannan nagtalo sila ng kanyang inlaws at sinabi niya ito kay Chris peeo itong si Chrsi ay hindi pala nasasabi na may allergy si Cece sa Ice cream na dapat naman bilang magulang ay alam mo at dapat sabihin mo rin sa angkan mo upang maiwasan ang pagtatalo tama diba.?

Kaya umalis sila Shannan dun at dun nalang pumanta sa pamilya niya sa North America parin.Bawat pangayayri ay may video,ultimo yung pagsunod ni Chris sa kanila nung last of july 2018. Ngunit batid narin ni Shannan na may pagbabago na kay Chris! pero laging sinasabi ni Chris na wala yun ayos lang. Pero syempre ang nga babae malakas talaga ang instinct niyan,(kutob) at lahat naman ng kutob kadalasan ay totoo lalo na kung talagang may makikita kang kakaiba na hindi naman niya ginagawa noon. Biruin niyo ah, limang linggong hindi sila nagkitang magasawa at walang ano(alam niyo na yun) pero that night wala talaga as in naligo na nga si Shannan na alam naman daw ni Chris ano ibigsabihin nun pero walang ganap Teh.. Syempre para sa mga babae masakit yun,at talaga naman kukutuban ka nun lalo na kung hindi naman ugali ng asawa mo na hindi ka sipingan diba.? Kaya naisip talaga ni Shannan na may kakaiba kasi hindi ganun si Chris, at napapaiyak nalang siya sa isang sulok sa mga pangyayari an yun. Lahat ng yan ay aniksekwento niya sa kanyang Best friend na siya rin ang dahilan kung bakit agaran na nabalita ang pagkawala ng magiina.

Past forward na tayo

Galing si Shannan Watts sa isang training kasama ang kanyang Best friend,hinatid pa siya nito bangdang 1 am in the morning not exactly nakalimutan ko yung exact time basta 1am yun noong Aug. 13 2018. Nang araw na yun pala at ng mga oras narin na yun ang huling pagsasama ng magkaibigan.

Panay text ng best friend ni Shannan sa kanya pero walang message back man lang kaya naman nagaalala na siya para sa kaibagan na may appointment that time sa doctor ng 9am kaya naman agad tumawag ng tulong ang kaibigan sa mga pulis. Ngunit dahil wala ngang consent ng may ari sinabihan niya ang kaibagan ni Shanan na huwag pwersahin buksan ang bahay at hintayin nalamang ang kanilang pagdating.

So ayun na nga dumating na ang mga pulis,at kinatok ng makaialang ulit ang bahay ngunit walang sign na may tao doon. Kaya naman tinawagan narin nila si Chris Watts para mabukasan ang pinto. Habang nagsesearch sila sa bahay wala naman something different nangyari walang sign of na may pumasok at nanggulo doon dahil ang linis at nakaayos ang mga gamit sa bahay.Nandun din ang mga personal na gamit ni Shanan,cellphone bag at yunv gamot nito ang tanging nawawala ay yung blanket ng mga bata. Lalong kinabahan ang kaibigan ni Shannan dahil hindi naman daw ganun ang ugali ni Shanan na basta basta nalang aalis na walang sinasabihan at iiwanan pa yung gamot niya.

Tiannong din ng mga pulis si Chris ngunit ang sabi lang nito ay umalis raw siya ng umaga para pumunta sa trabhao at iniwanan niya ang magiina sa bahay kaya wala daw siyang idea kung saan pupunta o kung nasaan man ang mga ito. Ngunit sabi nga nila walang sikreto ang hindi nabubunyag.

Sa kabilang kapitbahay nakunan ng kanilang CCTV ang isang sasakyan,sasakyan pala ito ni Chris. Nang sa mga panahon na yun ay sinsabi niya na niallagay daw niya yung mga gamit niya sa trabaho niya,yun pala sina Shanan at yung dalawang anak niya na pala ang nakasakay doon.

Habang pinapanood niya ito,balisa na siya na naging dahilan para maghinala ang kanyang kapitbahay. Lalo na nung umalis siya na paika ika ang lakad. Sabi ng kapitbahay sa mga pulis kakaiba nga daw ang kinikilos ni Chris at muling ipinanood ang CCTV sa mga ito na kung saan wala silang nakita na naglagay nga ng gamit si Chris sa likod ng truck. Huli!!🙄🙄

Kaya naman base sa sinabi ng kapitbahay ay inanyayahan si Chris Watts na sumailalim sa Lie detector test para malaman kung nagsasabi nga ba siya ng totoo. At Boom nasiwalat na nga na hindi dahil bumagsak siya test. Kaya naman muli siyang kinausap ng imbestigador kung nasaan ang magiina. Ngunit panay parin siya palusot na hindi niya daw alam blahblah.... Pero sa huli siguro ay nakonsensiya na siya kaya naman pinatawag niya ang kanyang ama si Ronnie Watts kung saan dito siya nagsabi ng mga nangyari. Ang sabi niya napatay niya si Shannan dahil pinatay daw ni Shannan ang kanilang mga anak kaya nagawa niya rin ito sa asawa which is alam naman niya na buntis. (double kill) kawawa naman si Nico Watts😥😢

Nung umamin na siya,tsaka naman tinanong ng mga nagiimbistiga kung nasaan ang katawan ng mga ito. At yun nga ang dalawang bata ay inilagay niya sa tank oil at si Shannan ay inilibing niya malapit din sa site kung saan siya nagtatrabaho.

Dahil sa pahayag ni Chris na si Shannan ang pumatay sa mga bata,kaya naman ang mga tao na nakakapanood ng post niya ay masama ang turing na sa kanya bilang isang ina,maging ang pamilya ni Shannan ay iniintriga na ng mga ito. Kaya naman nagpainteview ang ama ni Shannan at tigilan na sana sila at asikasuhin nalang ang mga sarili nilang buhay.

Ngunit may mga tao parin na nanniniwala kay Shannan isa na yung best Friend niya. Alam niya na hindi magagawa ito ni Shannan sa mga bata dahil sobra niyang mahal ang mga ito. Kaya sa muling pagiimbistiga sumambulat ang kagimbal gimbal na nangyari sa dalawang bata.

*Ang tunay na pangyayari ng araw na yun.

Nang madaling araw na iyun paguwi ni Shannan galing sa training,may nangyari sa kanilang dalawa syempre magasawa sila kaya natural lang pero dun narin sinabi ni Chris na gusto na niya ng divorce kaya naman nagtalo sila. Ang gulo diba? may nangyari tapos biglang makikipaghiwalay,syempre ayaw pumayag ni Shanan kaya naman sinabihan niya si Chris na hindi na nito makikita ang dalawang bata. Kaya the next happen is yun na nasakal niya si Shannan at saktobg pumunta si Bella,tinanong pa niya ang ama kung ano daw nangyari sa mommy niya? kung okay lang ba ito. Ang sumunod na nangyari ay sinakay na ni Chris sina Bella Watts Cece Watts at Shannan Watts sa kanyang sasakyan kung saan nagtanong ulit ang bata kung okay lang daw ba ang mommy niya? ang sagot ulit ni Chris mommy is gonna be okay!. Nung nandun na sila sa site tsaka niya ginawa ang hindi mo maiimagine na magagawa ng isang tunay na ama sa kanyang anak. Inuna niya si Cece tinakluban niya ito ng blanket sa ulo at yun na, nakita ito ni bella kaya nagtanong siya kung yung nangyari kay cece ay gagawin din ba sa kanya? kaya naman sabi niya daddy no hanggang sa wala na..hinulog na sila sa loob ng isang tangke ng langis. May nagsasabi na buhay pa raw yung mga bata nubg hinagis siguro oo pero pwede ring hindi dahil kapag ang bata ay sinaluban mo ng blanket tapos talagang yung tipong hindi na sila makakahinga malamang patay na yun,plus hinagis pa sa tangke ng langis. Napaka walang puso ng gagawa nun.

Nalaman din ng pulis na kinausap na pala ni Chris ang school ng mga bata na hindi na sila mageenrol pati naghanap na siya ng bibili ng bahay. Kaya masasabing talagang planado ni Chris ang gagawin,gusto niya ng bagong buhay kasama ang kanyang new girlfriend at para masakatuparan ito kailangan mawala ang kanyang old life which is yung magiina niya.

Naging sikat ito sa America at takagang pinaguusapan,dahil sa kagimbal gimbal na ginawa ng isang padre de pamilya sa sarili niyang pamilya. Sa ngayon ay nakakulong na si Chris Watts at pinagbabayaran ang kanyang ginawa sa kanyang magiina nag panghabang buhag na pagkakakulong( life imprisonment)

Tama lang yun kung ako nga baka bitay pa pinataw kung parusa, kakaloka sana dinivorce niya nalang at hindi niya ginawa yun dinamay pa niya yung mga batang walang kamuang muang. At kahit na wala ka nang nararamadaman na (spark)sa pagsasama niyong magasawa wala kang karapatan para kitlin ang buhay nito. Nasasabi lang naman ng mga tao ang wala ng spark sa isang relasyon kapag may iba na silang nilalandi or may kalandian na sila..

Para sakin hindi deserve sa magiina ang nangyari sa kanila,nakakalungkot kasi may mga batang nadamay maging yung batang nasa sinapupunan niya.😢😥

Kayo anong reaction niyo dito?Comment down below especially yung mga pamilyadong tao katulad ko? Dapat bang Life imprisonment lang ang pinataw sa kanya? Diba dapat kapag buahy ang inutang buhay din ang kapalit?

1
$ 0.15
$ 0.15 from @TheRandomRewarder
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Comments