Natutuwa ako sa kinalabasan ng paghihirap ko nitong nagdaang linggo. Kala ko hindi ko magagawa na pababain ulit yung timbang ko,pero naging success siya. Sa totoo lang talaga kung hindi pa ko sabihan ng ang laki mo,ang bigat mo naku hindi nanaman sasagi sa isip ko ang magbawas ng timbang.
Bago maglockdown nasa 68kg nalang talaga ako kasi nagdiet talaga ako nun. Dahil narin sa asaran na ang laki laki ko na,totoo naman malaki din kasi akong babae.
Kaso nung naglockdown ayun sige ang kain ko nanaman hanggang nung pumunta ako sa center dito malapit samin para magpainject,syempre bago ka turukan icheck muna yung timbang at blood pressure mo. So ayun na nga naging 80kg ako sinabihan nanaman ako nung staff sa center na ay ang bigat ko raw. 😂😅 Kaya nahiya nanaman ako sa sarili ko nun after nun sabi ko magdiet ulit ako kasi hindi pwede na ganun nanaman timbang ko.
Pero nito lang ako nakapagbawas ng timbang, yung dalawang linggo kong pinaghirapan yun ang naging dahilan para bumababa ulit ang aking timbang. Kaya nung pagpunta ko sa center ulit nitong miyerkules para magpainject ulit,nagulat yung staff ng center ang laki daw ng binababa ng timbang ko.😂😅 So si ako proud naman ako kasi nagawa ko nanaman,kaya ngayon yung goal ko na pababain pa yubg timbang ko na maging 55kg nalang which is normal weight ko dapat dahil 5'5" ang height ko.
Super happy ako sa kinalabasan,huwag niyo ng tanungin kong ano po ginawa ko kasi isusulat ko po yun dito..hahha para naman may maisulat ulit ako. Sa mga matataba na katulad ko kung nakaya ko,kaya niyo rin yan. Gawin niyong motivation yung mga masasakit na naririnig niyo. At ipakita niyo na kaya niyo rin pumayat!. Kung nung mataba ka maganda ka ano pa kapag sumeksi ka😂😂just kidding..
Bye bye na po🖐️sa next article ko nalang ilalagay mga ginawa ko para maachieve ko yung 9kg na bawas in just two weeks..😲😊
Share mo samin ginawa mo sis ha, aasahan ko yan, baka pumayat pa ako ee, haha char, pweo sana all, ako diko na alam timbang ko ee 🤔 ang alam ko lang, bilbilin na ako 😂