Sa naganap na SONA ni Pangulong Duterte nitong nakaraang araw ay maraming tinalakay na problema at mga plano para sa bansa.
At sa araw rin na yun ay naglabasan din ang mga nagpoprotista at mga bumabatikos sa kanyang pamamahala.
Thirty years na kong nabubuhay sa bansang ito pero sa tanang buhay ko,parang wala pang Pangulo ang hindi binabatikos at walang nagpoprotista
Opo nasa Demokrasiya tayong Bansa kaya maari natin sabihin at ipabatid ang ating mga saloobin natin,pero mukhang nagiging masiyado na ang mga pangbabatikos ngayon sa ating Pangulo.
Hindi ako pumapanig sa ating Pangulo pero hindi rin ako sumasalungat, hindi rin ako sumasalungat sa mga nagwewelga o nagpoprotista.
Ngunit isipin niyo bakit ba? sa tuwing may SONA na lamang ang ating mga naging Pangulo ay hindi nawawalan ng mga nagpoprotista?
Ang nais ko lang naman sabihin ay tao lamang ang ating Pangulo,hindi naman niya magagawang solusyunan ng agad agad ang lahat ng problema ng bansa.
Ikaw man ang lumagay sa sitwasyon niya,makakaya mo ba? lalo na kung matitigas ang ulo ng iyong pinamumunuan?
Hindi naman din tama na lahat na lamang ay isisi sa ating Pangulo, pati ba naman pagkakaroon ng covid19 isisisi.
Tao lamang ang Pangulo may pagkakataon na magkamali siya,pero gingawa naman niya ang lahat ng alam niyang paraan para masolusyunan ang problema ng bansa.
Nasa tao,nasa sayo ,nasa sa kanya,nasa sa atin!!!
Sabi nga ni Michael V. sana imbis na magsisihan ay magtulungan.
San ka nakakita ng ginagawang bahay, na iisa lang ang gumagawa? Diba wala? ganun din po sa isang bansa. Hindi lang ang Pangulo ang dapat may gawin para maayos at masolusyunan ang mga problema ng Bansa.
Imbis na sisihin at batikusin siya dapat siyang tulungan, at sa panahon ngayon ang tanging simpleng magagawa natin ay makinig sa mga dapat gawin.
Bawal lumabas kung hindi naman kinakailangan,magsuot ng face mask or face shield kung lalabas yan ang mga simpleng bagay na magagawa natin para makatulong sa lumalaking kaso ng covid19 sa ating bansa.
Pagtutulungan ang solusyon sa problema hindi ang sisihan.
Sa ginawa nilang pagpoprotista dinadagdagan lamang nila ang magiging kaso pa ng covid19 sa ating bansa, imbis na masolusyonan at matapos na at tuluyan ng mawala ng kusa ang virus natutuwa pa ito.
Sabi nga ng mga eksperto ang virus daw ay kusang mawawala yan lalo na kung wala siyang makakapitan.
Simpleng pagbabawal na paglabas kung hindi naman kinakailangan ay hindi na masunod,tapos kung makapagbatikos sa ating Pangulo animo may nagagawang mabuti ang kanilang mga ginagawa.
Walang taong perpekto,sa dami ng problema ng bansa ay hindi kayang masolusyonan yun ng agaran. At hindi pwede na agad agad ay masosolusyunan, siguro maraming kailangan isa alang alang kaya hindi agad agad nagagawa ng paraan.