"4th Day of New Normal Class"

0 6
Avatar for irene
Written by
3 years ago

Its been a 4th day since nagstart ang class 2020-2021 this year. Grabe ang hirap pala maging teacher talaga,kahit na teacher ang course ko nung nagaaral ako pero hindi ko akalain na ganito siya kahirap,lalo na sarili kong anak ang tinuturuan ko.

Kailangan ko talaga ng mahabang pasensiya para lang matapos niya lahat ng kailangan matapos sa araw na yun. Tapos sabayan pa ng mga malalalim na salita na nakalagay sa activity sheet,mapakamot eh at ilang ulit mong uulitin kung ano ba yung sinasabi ng panuto.๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

Sabayan pa ng isa pang makulit na bata na sasabay kapag nagsasagot na kayo ng activity. Hindi lang pasensiya ang kailangan talaga sa panahon ngayon kung hindi mahabang pangunawa. Dahil kapag wala itong dalawa sayo naku,takbo sa labas ang abot.๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜…

Pero laban lang kayo ko to! kaya namin to ng anak ko. Sana lang maging maayos na ang lahat bago matuyo utak ko.๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

Ilang taon din akong hindi nakahawak ng mga activity na yan,ang lagi kong hawak,sandok,kawali,walis tambo at nga labahin. Kaya sobrang challenge talaga ito,para sa mga ina na katulad ko.

Goodnight na,maaga pa kami bukas dahil magflag ceremony pa kami๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

1
$ 0.02
$ 0.02 from @TheRandomRewarder

Comments