kamusta mga ka read.cash gusto ko lang ibahagi ang isang atraksyon dito sa amin sa nueva ecija.lugar na maituturing mo na isang paraiso sa ganda na ngayon ay nagiging isang tourist spot destination na sa pilipinas
ito ay ang minalungao national park na matatagpuan sa bayan ng General tinio nueva ecija.
marami ang dumadayo sa lugar na ito na taga ibat ibang panig ng pilipinas at kung minsan ay dinarayo rin ng ibang lahi.nakakarelax ang lugar na ito dahil sa malamig ang tubig at sariwa ang simoy ng hangin at sa magagandang tanawin,
isa sa malimit puntahan sa lugar na ito ay ang malaking cross sa itaas ng bundok at bago mo mapuntahan ang cross na iyon ay kailangan mong akyatin ang 1000 steps na hagdanan.
minsan ko narin na sinubok na akyatin ang cross na iyon nakakapagod at parang bibigay ang tuhod mo sa sobrang taas ng akyatin pero pagdating mo sa lugar na iyon ay mapapawi ang lahat ng pagod mo sa ganda ng lugar.
mayroon din dito sa minalungao na resort kung saan may mahaba na slide.kuweba na pwede pasyalan at zipline.
sana ay na enjoy niyo ang sulat kong ito dahil intensyon ko na palawigin ang turismo sa aming lugar.maraming salamat.
oo paps madalas kami mag bike riding sa lugar na yan nakakarelax dahil malamig ang tubig galing bundok