Water is Life

5 26

Naranasan niyo na po bang mawalan ng tubig ng mahigit isang buwan? Isa sa pinakaimportante sa buhay ay ang tubig, sabi nga mabubuhay ka kahit tubig lang ang dala mo. Pero pano kung bigla itong mawala sayo, biglang magkaproblema yung supply na pinagkukuhanan mo ng tubig.

Ano ang iyong gagawin?

Naranasan ko ito noong nasa Mandaluyong pa kami, andon pa kami nakatira dahil gusto din makasama ng tatay ng anak ko ang mga anak niya. Kaya pinagbigyan ko ito, subalit sa hindi inaasahan ay nagkaproblema yung pinagkukuhanan ng supply ng tubig sa manila.

Nagkataon pang summer noon, sa manila hindi uso ang "poso" kaya ang talagang main source ng tubig ay yung gripo. Isang araw nagising akong walang tubig tapos ang akala ko noon ay isang araw lang mawawalan kaya hindi ako nangamba. Pero makalipas ang isang araw ay hindi parin bumabalik ang supply ng tubig.

Nanood kami ng balita noon at sinabing may problema ang "Manila water" kaya mawawalan ng tubig ang buong kamanilaan. Isa ako sa mahihirapan ng time n yun kasi tatlo anak ko lahat dumidede pa at lahat ng dede nila ay kilangan ng tubig, sterilize ko pa para siguradong malinis.

Panligo,panlaba at panlinis sa banyo. Sa bahay ng asawa ko ay ialang pamilya kami siguro apat hangang 3rd floor bahay nila may sari sariling kwarto. Kaya talagang nahirapan kami, tapos nong nagtry kaming bumili ng mga galon at drum para pangimbakan ng tubig ay doble yung presyo grabe talaga ang mga negosyante.

Nagkaroon lang ng tubig noon kapag bandang madaling araw pero sobrang hina lang talaga. Puyat at pagod ang inaabot ko noon dahil magiimbak magaantay ng pagdating nito. Pati sa mga supermarket yung mineral water ay nagkakaubusan na din at medyo nagmahal din. Hindi pwede mawalan ng mineral dahil yung mga bata. Nong time talaga noon na walang wala ng ilalabas na tubig yung gripo ay every afternoon ay may mga bombero na naglilibot at binibigyan kami ng tubig. Yang pila na yan sa picture ay pila yan namin sa bombero. At isang beses ka lang dapat pumila para mabigyan ang lahat. Kaya ang gingawa namin lahat ng balde,galon,at drum nilalabas namin tapos saka nalang namin bubuhatin isa isa.

Sobrang hirap ng sitwasyon namin noon lalo na sa akin na may tatlong anak at maliliit pa. Alam niyo bang sa sobrang pagtitipid namin sa tubig noon ay kapag naliligo kamo ay nakatayo kami sa palangana para hindi matapon yung tubig at yung pinagliguan namin ay magamit pang panglinis ng cr. At isang timba sa tatlong bata,ako nman mapreskohan lang ok na. Gustong gusto ko ng umuwi noon kaso wala kaming ipon pa, kaya nagtiis ako nagsakripisyo ako mapagbgyan lang gusto ng aswa ko na doon tumira. Alam niyo yung pakiramdam na hindi kana makahinga sa sitwasyon niyo? Sasabyan pa ng pamilya niya na walang pakialam sa amin. Pinipilit na ako ng magulang kong umuwi noon dahil sa bicol sagana sa tubig, at sobrang kawawa ng mga bata. Nagkaroon din ng sakit mga bata noon sa skin dahil nga mga gamit namin noon hindi na nalalabhan ng maayos dahil sobrang tipid sa tubig. Pero kinaya ko nagpakatatag ako para sa mga bata kahit na sobrang hirap na hirap nako...

Sponsors of ibelieveistorya
empty
empty
empty

Thank you always to my generous sponsors who always makes me inspired to write everyday..

Thank you for reading....

For those who do not understand my article because I used tagalog. Please click the translation there at the up the globe icon thank you

Final thoughts

Lesson learned siguro sa nangyari, wag tayong pakampante na lahat ng bagay ay anjan parati sa atin katulad ng nangyari sa amin sobrang hirap mawalan ng tubig lalo pat nasa lugar ka na walang mapagkukunan nito ay talagang dapat wais ka sa mga mangyayari. Salamat nalang talaga sa mga bombero noon na tumulong sa pag supply ng tubig sa amin. Kahit hindi namin alam kung saan galing yung tubig.

Date Published

October 25,2021

@ibelieveistorya

4
$ 0.05
$ 0.05 from @Sweetiepie

Comments

Danas ko yan sissy ng iigib kami sa kabilang kanto ng mawalan kami ng tubig hahaha, gumawa kami ng malaking cariton kc mga drum sinasakay namin haha, naging parang laro narin samin nakakaloka hahaha na post ko dati sa fb hehe, paakyat pa naman ung samin kaya andamj namin ngtutulak tawa kami ng tawa hahaha wayback 2019 😂😂

$ 0.00
3 years ago

Heheh hirap talaga kpag tubig ang nawala no sis..

$ 0.00
3 years ago

Mas mahirap yata ung mahal ang mawala hahaha mahal ang tubig ayiee

$ 0.00
3 years ago

Hahahahha ayun talaga naman ang mahirap sa lahat sis masakit pa hahah

$ 0.00
3 years ago

Kaya damihan ang ipon n tubig hahaha

$ 0.00
3 years ago