Magandang gabi, kumusta ang inyong sabado. Wala akong maisip na isulat para sa aking article at kanina ay nanood akong mga reviews sa youtube about sa mga budget phone at sana kung magkaipon ako ay itong mga nasa listahan ko na super sulit talaga under 7k hanep na sa specification ang gaganda lahat.
Bago tayo magsimula disclaimer lang po ay ito lang ay aking mga nagustohan under 7k at wala akong ibang intensyon para sa mga magagaling kumilatis ng phone jan ay ito lang ay yung mga alam kung deserving makabilang sa top 5 best selling ngayong 2021.
1.Infinix Hot 10s
Best ito for me dahil meron itong malaking screen display pahaba siya, bihira lang yun sa ibang entry level phone na may ganun display, 6.82 inches HD+ 90hz ultra smooth display.
Para sa akin best entry level phone na siya and powered pa siya ng processor na Mediatek Helio G85,
Maganda din talaga siya para sa mga gaming at malaki na din ang kanyang storage 4GB Ram/ 64GBRom, malaki na din ang kaniyang battery 6000mah Battery
Tapos 48mp rear camera , Android 11 na din siya para sa akin good na good na yun para sa halagang 64Gb=5990php and 128gb=6990php. Best budget phone talaga no wonder na top selling siya this year.
2.Samsung M12
Napili ko siya one of the best budget phone kasi 90hz screen display na din siya at para sa akin malaking factor na yun pagdating sa display ng phone. Lalo na kung mahilig ka manood ng movies sa youtube and netflix. Android 11 na din siya at meron na din siyang sariling chipset Exyno 850 processor at subok na magandang chipset na din yun.
Aside from that 64GB Rom/ 4GB Ram na din siya ang battery niya ay 6000mah battery at ang maganda pa sa kanya ay ang kanyang fingerprint scanner noya nasa side lang madaling madali lang gamitin. 48mp rare camera, playable din siya sa mga mobile games like mobile legends and COD at ang price niya ay 6990php only pasok na pasok siya sa 7k budget phones.
3.Techno Spark 7pro
Naamazed ako sa phone na ito nong napanood ko yung review sa kanya.Ang laki ng kanyang screen display 6.6 inches 90Hz IPS Display
Isa talaga sa magandang factor sa isang phone ay ang malaking screen maeenjoy mo ang magandang view sa panonood at paglalaro. Gaming processor na din siya powered by Mediatek Helio G80. Ang mga G series na mga processor ay talgang bongga na yun sa mga gaming. Nagustohan ko din sa kanya kasi 64GB Rom/ 4GB ram na din siya pero yung kanyang battery ay 5000mah battery lamang mababa kumpara sa ibang phone. Pero hindi siya mabilis magkunsomo ng battery matagal ang kanyang battery life. 48mp rare camera na din siya best budget phone talaga under 7k saan ka pa.
4.Nokia G10
Ang next naman sa aking listahan na nagustohan ko ay ang nokia g10 nagustohan ko sa phone na ito kasi nag improve na ang nokia yung dating basic lang hanggang sa ganito na. Ang ganda na din ng specification niya, maganda din siya sa games,high ghrapic na din siya, Android 11 na din. Mediatek Helio G25 na din ang kanyang processor 64GBRom/4GBRam na din ang kanyang storage, at maganda ang kanyang design camera isa din siya sa best selling budget phone ngayong taon.
5.Realme Narzo 30A
Alam naman natin na ang realme ay palaban din pag dating sa specification.Meron siyang 16.5cm mini drop fullscreen, gaming processor din siya. Mediatek Helio G85,kaya sa games super ganda niya,64GBRom/4GbRam na din ang kanyang storage, 6000mah battery and maganda na din ang kanyang camera 48mp rare camera,hindi siya mabilis malowbat ok din ng kanyang charging mabilis. Android 11 na din siya.
Para sa mga naghahanap ng mura at super ang specification na phone ayan guys try niyong panoorin ang review nila sa youtube. Kasi ako kung sakaling makaipon isa sa mga yan ang gusto kong bilhin bukod sa mura na ay talaga naman na magaganda sulit na sulit ang pera mo..
I hope guys nagustohan niyo po ang aking article ngayon, salamat sa walang sawang naguupvotes sa akin at sa aking mababait na sponsors maraming salamat sainyo..
All of these phones are amazing. They have good quality and very affordable. We just have to choose wisely and take good care of them.