Crush Ako ng Crush Ko? (5)

0 25
Avatar for honeybhabe02
3 years ago

5 -

πŸ¦‹ MESSENGER MODE πŸ¦‹

[DALE VILLANUEVA]

Letty:

Hi Crush!

Sorry pinag-alala kita.

Umuwi kasi ako sa probinsya naming eh.

Niyaya ako ni mama na mag-outing daw muna kahit may klase.

Yun pala hiling ng lolo namin na magkakasama kami sa mga huling araw nya.

Nakakasad nga eh.

Kamusta kana dyan?

Namiss mo ako?

Mukha nga, ang dami mong message eh.

Ganun mo ako namiss?

Namiss mo kakulitan ko?

🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺

[LETTY YADAP]

Letty:

Namiss din kita.

Alam mo ba sa tuwing may madadaanan akong computer shop, gustong gusto kong gumamit pero pinagbawalan kami, walang time at wag daw magwaldas ng pera.

Kaya ayun tiis tiis nalang muna. Kahit miss na miss na kita.

Sorry ha, hindi ako nakapagpaalam sayo.

Dale:

Bwisit ka alam mo yun?

Nag-alala ako sayo. Namiss kita. Bakit ganun?

Bakit kita namimiss? Eh hindi ko pa nga alam ang pangalan mo.

Bakit ka ba attach na sakin?

Letty:

Ang sakit mo magsalita crush ah.

Pero ganyan nga talaga. Pag namimiss mo ang isang tao.

Kahit na masakit ang mga salita mo, tatanggapin ko dahil crush kita.

Pero tigil tigilan mo ako sa mga kagaganyan mo ha.

Alam mo namiss din kita.

Kaya wag kang umasta na ikaw lang ang nakamiss sating dalawa. TSE!

Dale:

Oo na po. Sabihin mo na kase pangalan mo.

Pambawi mo man lang sa mga kasalanan mo.

Sa mga panahong wala ka.

Nalungkot ako noh.

Letty:

Okay sasabihin ko na.

AKO SI ..

KRISSY CONCEPCION.

Dale:

Oh?! Ikaw yan?

TALAGA? Hindi mo ako binobola lang?

Hindi mo ako pinaglalaruan lang?

SERYOSO KABA?!

Letty:

Wow ha. Gulat na gulat ka ah.

Bakit? Sinungaling na ba ako ngayon?

Dale:

Well! Gumamit ka ng ibang pangalan eh.

Malay ko ba kung talagang ikaw yan.

Send ka nga picture na ikaw yan? Or better yet video call tayo.

Letty:

Sige GAME!

CALLING ...

CALLING …

CALLING …

Hindi mo naman sinasagot eh.

Dale:

EH?? (O.O)

Ikaw nga!

Hi CRUSH KO!

Simula pa nung bata tayo CRUSH na kita!

Letty:

WOW! TALAGA?! (O.O)

Akala ko ako lang may crush sayo.

Pero crush mo din ako?

Ang epic naman.

SALAMAT!

Dale:

So ano crush. Tayo na?

Letty:

Tayo na saan?

Dale:

As in TAYO NA! Mag-SERIOUS RELASYON na tayo?

Letty:

Wow agad agad?

Nalaman lang na ako yung crush mo tayo agad?

Instant lang?

Dale:

CRUSH MO DIN AKO DB?

Ano pang hinihintay natin?

Pasko?

Letty:

Pwede din new year.

Dale:

Ang tagal naman crush.

Wag naman. Dapat bukas na hahalikan na agad kita.

Letty:

Hahahaha! Patawa ka tol!

Huwag naman ganun. PDA ka masyado.

Dale:

Ah basta. GIRLFRIEND na kita simula ngayon.

AT simula ngayon BOYFRIEND mo na ako.

Letty:

DEMANDING MUCH.

AYOKO NA PALA.

Hindi na pala kita crush.

Dale:

Walang bawian.

CRUSH MO AKO. CRUSH KITA.

GIRLFRIEND KITA. BOYFRIEND MO AKO.

TAPOS. SEALED AND TAYO NA.

Letty:

Wow grabe lang ha.

Ikaw na talaga.

Ikaw na ang demanding na CRUSH.

Ikaw na din ang demanding na BOYFRIEND.

Sabi mo eh.

Dale:

Napilitan ka lang?

Letty:

Hindi naman. Masaya nga ako eh.

1
$ 0.00
Avatar for honeybhabe02
3 years ago

Comments