B.F. Chapter 2

0 16
Avatar for honeybhabe02
3 years ago

Chapter 2

"Mitsu, nandyan kana pala!" sabi ng officemate kong sobrang kulit.

"Yes po! Kararating ko lang po" sabi ko at nagmamadali na sa aking pwesto.

"Oh! Thank God andyan kana, alam mo ba si Ma'am ay kanina pa nagwawala kasi hindi nya mahanap yung kelangan nyang report! Eh hindi ko din naman alam kasi hawak mo naman lahat ng reports and papers na kailangan namin" mahabang pahayag nito.

"Oh sige puntahan ko lang si Ma'am at itanong kung alin dun ang hinahanap nya" sabi ko. 'Yun lang pala hindi pa ako dineretso' naisip isip ko.

Habang pinupuntahan ko ang office ni Ma'am ay naririnig ko syang sumisigaw at naghihysterical na sa kakahanap at kakaiyak kung saan na nya hahalughugin ang kanyang report.

Kumatok muna ako at baka lamunin ako ng buhay ng aking boss. "Ma'am!" sabi ko.

"ANO YUN?" sigaw nito.

"Ma'am si Mitsu ho ito. May nakapagsabi kasi sakin na may hinahanap daw po kayong report?" malumanay kong sabi.

"AHHH!" sigaw nito at binuksan ang pinto at hinatak ako pagkatapos ay sinarado agad ang pinto.

"Ma'am?" tanong ko ulit. Sobrang kalat ng office nito, siguro sa kakahanap at kakabuklat ng kung ano ano.

"Mitsu, alam mo ba kung nasan yung weekly progress report ko?" tanong nito. "Ikaw nalang ang inaasahan kong makakahanap nun since ikaw lang naman taga kopya ng reports," sabi nitong medyo kalmado na.

"May kopya po ata ako sa flash drive ko ma'am kung wala dyan sa drawer mo. Alam ko nilagay ko yun sa drawer mo bago ako umalis kahapon" sabi ko.

Tinignan nito ang drawer na tinuro ko kasi mukhang hindi pa man yun nabubuksan at sobrang laki ng ngiti nito ng makita nito ang kanina pa ata hinahanap na report. "THANK YOU SO MUCH MITSU! SAVIOR KA TALAGA NG LAHAT!" sabi nito at niyakap pa ako.

"Thank you din ma'am pero linisin na muna natin ang kalat sa office mo at linisin mo nadin ang mukha mo ma'am nagkalat na make up nyo" pabiro kong sabi.

"HAHAHAHAHA! Loko ka talagang bata ka pero thank you ulit!" sabi nito.

"You're always welcome ma'am, kung gusto nyo pwede kong ibigay cellphone number ko sa inyo para kung may ganito ulit na pangyayari, sana naman wala na, ay matatawagan nyo agad ako para hindi na umabot sa ganitong kinakalat nyo office nyo, haha" sabi ko.

"Sige mamaya bigay mo sakin ha! Thank you talaga!" sabi nito.

"Yes po ma'am! Thank you din sa pagbibigay sakin ng trabaho!" pasasalamat ko ng sobra dito.

"Hindi ako nagsisi sa paghire sayo!" sabi nito.

'Ay music to my ears' naisip ko at laki ng ngiti ko sa sobrang tuwa.

Pagkatapos naming ayusin ang office ni ma'am ay bumalik na ako sa station ko. Marami pa akong kailangan isort at idistribute na papers and reports. Pagkabalik ko palang sa station ko ay nandito nanaman ang makulit kong officemate na walang iba kundi si CHISMOSANG CHESTER MIGUEL! You read that right. Chikboy po ang chismosong officemate ko, pwede sa Chicks pwede sa Boys, hahahaha!

"HOY MITSU, ANO NG NANGYARI KAY MA'AM? OKAY NABA SYA? NAHANAP NABA NYA YUNG REPORT NYA? HINDI NA BA SYA NANGANGAIN NG BUHAY?" sunod sunod na pasigaw na tanong nito.

"EXCUSE ME CHISMOSANG CHESTER MIGUELITO FROGLET! BAKA GUSTO MONG HINAAN ANG BOSES MO AT PAG NARINIG NI MA'AM NA PINAGUUSAPAN NATIN SYA MASISANTE TAYO!!!" pasigaw kong sagot dito.

"Aray ko naman Mitsu! Okay na sana yung chismosa eh kaso nilagyan mo pa ng whole name at froglet sa dulo. Sakit mo talaga magsalita" sabi nitong parang binuhusan ng malamig na tubig.

"Excuse me din pero kasi nandito tayo para magtrabaho at hindi para ichismis kung ano ang mga nangyayari sa office" sabi ko.

"Sorry na po! Pero okay naba si Ma'am?" tanong nito.

"Yes! Okay na okay na sya. Nahanap at nalinis na namin ang kanyang office" sabi ko.

"Hay buti naman! Grabe kasi kanina eh" sabi nito.

"Hep hep! Tama na magtrabaho kana dyan" sabi ko dito kasi hahaba nanaman po ang pagchichismis ng chismosang to.

"Ok! Thank you! Balik na ako sa station ko" sabi nito.

"Hay! Buti naman kung ganun, Babush!" pagtataboy ko.

CHESTER MIGUEL ang chismosa ng office na pinagtatrabahuan nina Mitsu. Sya lang naman ang dahilan kung bakit kumakalat ang mga chismis sa loob ng office kaya kung may naririnig man kayo tungkol sa mga kaofficemate or kay ma'am ay galing ito sa kanya. Pero sya ang kauna unahang naging kaibigan, kasama, kausap, at kadaldalan ko sa office. He thought me everything that I need to know and where to find sa office. Kung saan ang station ni ganito, san makikita ang mga supplies and everything. So thank you parin sa kanya. He is twenty seven years old na. He likes to daldal everytime but kung may problema naman ito ay sobrang tahimik nito kaya ako ang dumadaldal dito to cheer him up.

Ma'am Cheska Miranda ang aming Leader sa office kung saan kami nagtatrabaho! Mabait naman si ma'am pag nasa mood sya and pag maganda ang progress ng office namin, kaya todo work together kami para laging good vibes si ma'am. Yes! Hindi sya dragon kung maganda ang takbo ng sales sa office. Kung hindi ito stressed ay mas lalong hindi kami stressed, hahaha! Kaya we work hard para hindi maging stress ang aming dragon na boss! She can be MEAN, I mean super kung gugustohin nya and pag super stressed sya. Hindi mo sya makakausap ng maayos, hindi ka nya papakinggan, wala syang pakealam kung mahurt nya ang feelings mo pag nasa ganung state sya. So to be clear, kelangan munang pakalmahin sya bago nyo ulit bigyan ng nakakastress na report or balita. Pero iwasang bigyan ng ganung balita si Ma'am dahil pagsisisihan mo talagang ikaw ang nagbalita ng ganun sa kanya.

2
$ 0.00
Avatar for honeybhabe02
3 years ago

Comments