CHAPTER 1
"Kuya! HOY KUYA!" tawag ko sa bantay sa front desk na mukhang malalim ang iniisip.
"HOY!!!" sigaw ko ulit dahil wala paring naririnig.
Tinapik sya ng kasamahan nya at nagulat ito.
'Hay salamat naman at nahimasmasan na, kanina pa ako dito sumisigaw eh' isip isip ko.
"Kuya, pwede na po ba akong umorder?" tanong ko ulit.
"Ay sorry po ma'am, ano pong order nila?" balik-tanong nito.
"Ahm, isa po sanang 10pcs chicken nuggets, sweet and sour po na sauce, isang fish fillet na sprite po ang drink, isang quarter pounder meal, coke po ang drink, and isang large fries po," mahabang pahayag ko.
"Ahm, will that be to go or dine in po?" tanong nito.
"Dine in nalang po," sagot ko.
"Sige ma'am, I got 1 10pcs chicken nuggets with sweet and sour sauce, 1 fish fillet with sprite, 1 quarter pounder meal with coke, 1 large fries, is that all po ba ma'am?" tanong ulit nito.
"Yes po" maikling sagot ko.
"Okay, thank you! Your amount is 340pesos po, pakicheck nalang din po sa screen kung tama po lahat ng nakasulat na order nyo, pakidouble check po thank you!" sabi nito.
"Yes po, tama po lahat," sabi ko ng mascan ko lahat ng nasa screen. "Eto po, bayad ko" pag-abot ko sa kanya ng 1,000 pesos.
"Thank you po, I received 1,000 pesos po," sabi nito.
Naghintay ako sa dahil pineprepare nya yung mga order ko habang dinodouble check sa screen. Ilang minuto pa ang dumaan bago nya natapos lahat ilagay sa serving plate yung mga inorder ko.
"Ma'am eto na po lahat ng order nyo, 660 pesos po ang sukli nyo," sabi nito at binilang pa ulit habang inaabot sakin ung sukli ko. 'Good job kuya!' naisip isip ko.
Pagkatapos ay naghanap na ako ng lamesang pwede kong kainan, dahil full pack na sa baba ay pumunta ako sa taas at thankfully may nakita akong malapit sa bintana. Makakapagmuni muni ako kahit ngayon lang. Ibababa ko na sana yung mga order ko sa lamesa ng biglang may nagbaba din ng kanya.
"Uhm, excuse me kuya, pero nauna po ako dito" sabi ko.
"Ah, sorry po miss, eto nalang kasi ang available na seat eh, hindi ba tayo pwede magshare?" tanong nito.
Mukhang maayos naman kausap si Kuya kaya pumayag nadin ako, so much for muni muni mag-isa. "Sige kuya, ayos lang naman po, wala naman din akong kasama" nasabi ko nalang.
"Sige, salamat!" sabi nito.
"Hayyyy" sabi ko, hindi ko nahalatang napalakas pala ang pagsabi ko nun at biglang napatingin sakin si kuya.
"Ahm, hindi naman sa pag-iintrude noh, pero may problema ba?" tanong nito.
"Marami, pero hayaan mo na yun, masasama ka pa sa problema ko, nakakahiya" sabi ko.
"Hmmm, since tayong dalawa lang naman ang nandito sa table, pwede ka namang mag-open up, yun lang ay kung gusto mo" sabi nito.
'Sandale! Wait up! Ano to? Mag-oopen ako bigla bigla sa isang stranger na ngayon ko lang nakausap? NO WAY!' sabi ng isip ko.
"Ahm kuya, wag nalang po, pero thank you for offering!" sabi ko.
"Okay sige, sabi mo eh" sabi nito.
'Ang weird naman nito, nature na ba talaga nyang tanongin ang mga nakakausap nya kung may problema?' naisip isip ko. 'Mukhang decent naman kasi itong kausap pero wag nalang din.'
"Sige kuya, alis na ako ha, thank you!" sabi ko ng natapos ko na palang kainin lahat ng order ko.
"Ah sige, thank you din!" sabi nito.
'Weird talaga!' naisip ko at tumayo na para ilagay sa trash can mga basura ko.
HI! Ako nga pala si Mitsu dela Vega. Twenty-five years old, nakatira sa inuupahan kong apartment hindi kalayuan dito. Hahahahaha! May trabaho part time sa isang kumpanya kung saan ay office work ang ginagawa, meaning taga kopya ng papers, taga sort ng mga needs and taga absorb ng mga problema ng mga kaofficemate ko. I only work based on my school hours meaning kung may pasok ako sa school eh konting oras lang ang kaya kong ibigay sa office. Pero pag weekends pwede akong magfull shift sa office since wala naman akong pasok nun, Mon-Fri depende kung may professor pa, kung wala edi diretso sa office oh db? maganda! Mabait ba ako? Sabi nila but I doubt it, minsan lang. Masungit? Medyo! Mataray? Siguro! Ano pa ba? Kayo nalang magjudge habang binabasa ang story ko! Thankyou! Come again! AHAHAHAHAHA