BestFrienemy Prolouge

0 7
Avatar for honeybhabe02
3 years ago

BESTFRIENEMY: HoneyBhabe

Oct 26,2020: 9:51am:

DISCLAIMER:

Ang sumusunod na mga pangyayari o pangalan ng mga characters na ito ay kathang-isip lamang. Hindi po ito nakuha sa kung saan. Kung may pangyayari mang kapareha ng nasa storya na ito ay wala na po akong kinalaman. Basta po naisalaysay ko lamang po ang mga nandito base sa nasa isip ko po. Salamat po at may mga words po dito na medyo hindi po maganda sa pandinig. Basahin nalang po at your own risk. Salamat po ulit sa pagbabasa at patuloy na pagbabasa ulit, Thank you so much po! Yun lamang po ata at kung may nakaligtaan man ako ay SORRY nalang po! =D Ciao! Aloha! Babush!

PROLOUGE:

"Akala ko pa naman bestfriend kita, bakit ka ganyan?" sabi nitong umiiyak.

"Bakit kaba nandito? Sinusundan mo ba ako?" nagtatakang tanong ko habang pinupunasan ko ang mga luha kong walang sawa kung pumatak.

"Syempre, hindi ko alam kung bakit mo ako iniiwasan eh. BAKIT BA KASI?" pasigaw nitong tanong.

"Dahil hindi na ikaw yung nakilala kong bestfriend, hindi na ikaw yung hindi marunong lumaban, hindi na ikaw yung taong sinasandalan ako, hindi mo na ako kailangan" mahabang pahayag ko.

"Nagtatampo kaba BESTFRIEND?" tanong nito.

"Ano sa tingin mo BESTFRIEND?" balik tanong ko at diniinan pa ang salitang bestfriend.

"Sa tingin ko oo" sabi nito.

"Bwisit ka!" sabi ko at tinalikuran na sya.

"Bakit nanaman?" tanong nito habang sinusundan ako.

"Bakit mo ba ako laging tinatalikuran? Tinatanong kita ng maayos, hindi mo ako sinasagot" sabi nito.

"Nagtatampo na kasi ako sayo!!! Nagbago kana!" sabi ko.

"Nagbago ako dahil sayo! Naging palaban ako dahil sinabi mo! Naging open ako sa lahat dahil ganun ka din, ano bang problema?" tanong nito.

"Ha? Wala!" sagot ko.

"Wala? Pero hindi parin tayo bati? Anong klase yun MITSU DELA VEGA??" tanong nito.

"Excuse me ANTHONY FERNANDO, kung makafull name ka ha" inis kong sabi.

"Naiinis nadin kasi ako sayo!" sabi nya.

"Ok!" sabi ko at naglakad ulit ako palayo sa kanya na sinundan nanaman ako ng damuho.

'Bwisit talaga' naisip ko nalang.

❤️❤️

2
$ 0.00
Avatar for honeybhabe02
3 years ago

Comments