Kapag sinabi ng isang nanay na pagod siya, yun lang ang ibig niyang sabihin. Hindi niya sinasabing gusto niyang kalimutan na mayroon siyang anak.
Kapag sinabi ng isang nanay na gusto niya ng oras para sa sarili, yun lang ang ibig niyang sabihin. Hindi niya sinasabing nagsisisi siya na maging isang ina at hindi rin niya sinasabing isa yung kamalian sa buhay niya.
Kapag sinabi ng isang ina na kailangan niya ng tulong para matapos ang mga kailangang gawin, yun lang ang ibig niyang sabihin. Hindi niya sinasabing hindi niya kaya.
Kapag ang isang nanay ay nagluto ng noodles sa hapunan, hindi ibig sabihin na noodles lang ang niluluto niya araw araw at hindi ito nangangahuluhang hindi alam ng anak niya ang gulay at karne.
Kapag pumunta ka sa bahay ng isang ina at nadatnan mong hindi maayos ang bahay, hindi ibig sabihin na magulo ito araw araw.
Kapag sinabi ng isang nanay na gusto niyang lumabas kasama ng mga kaibigan niya, yun lang ang ibig niyang sabihin. Ayaw niyang bumalik sa pagiging "single/ hindi isang ina" na para bang gustong gusto niyang wala siyang responsibilidad.
Kapag sinabi ng isang nanay na nag-aalala siya at natatakot, yun lang ang ibig niyang sabihin. Hindi niya sinasabing susuko siya o kaya ay duwag siya.
Kapag narinig mo ang isang nanay na sumisigaw, hindi ibig sabihin na basta lang siya sumisigaw. Marahil ay nagsalita na siya nang malumanay ng maka-tatlong daang ulit.
Kapag nakakita ka ng ninenerbyos o nag-aalalang nanay na tipong papunta na sa kabaliwan, hindi ibig sabihin na ganun siya araw-araw.
Mayroong isang buong konteksto, isang buong sitwasyon.
Huwag tayong magtatahi ng kwento o mag-iimbento ng kasinungalingan para lang manghusga ng kapwa lalo na sa isang ina na araw araw at oras oras ay isinasantabi ang pansariling buhay at kaligayahan para sa isang tao na alam niyang mas mahalaga kaysa sa kanya --- ANG KANYANG ANAK.
Sa mundo, walang sinuman ang kayang gawin yun maliban sa isang ina. Mga ina na nararapat lamang intindihin at pakamahalin. ✍️💖
Translated by:
Van Mallorca
- Mommy Van , "Breastfeeding Mommy Blogger"
***
Kapag nanay ka, minsan talaga mami-misinterpret ka ng iba pero kebs nalang sa sasabihin nila basta ang alam mo, mahal mo ang mga anak mo at 'yun ang pinakamahalaga ❤
From the original post of:
Charity Beth
Ctto