Realtalk naman tayo. Ito ay talagang nangyayari sa tunay na buhay, mga kaibigan. Madami tayong nalibre, napakain, at napasaya noong tayo ay may pera pa. Pag meron silang pangangailangan, sige lang, bigay dito, bigay doon. Kadalasan wala ng balikan o bayaran. Pero okay lang sa atin kasi meron tayong pera. Pero noong nagkasakit tayo, ni isa sa kanila walang nangumusta o bumisita man lang. Lalo silang umiiwas sa atin. Lesson learned: Kilala ka lang ng mga tao sa panahon na kailangan ka nila, pero limot ka nila kung ikaw naman ang nangailangan. Kaya let's invest more time sa ating pamilya. Sila ang tunay na dadamay sayo sa oras ng pangangailangan. Do not waste your time, money and effort na mapasaya ang ibang tao. Kilala ka lang nila sa panahon na may mapapala sila sayo. But you cannot find them when you need them. Unahin mo ang pamilya mo at ang sarili mo, hinding hindi ka nila iiwan sa oras ng kagipitan.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet