Pou-verty

0 3
Avatar for hann23lhee
4 years ago

Malaki, naging tanyag at pumatok sa taong bayan. Ang larong Pou, marahil ay nalaro mo na ito o 'di kaya'y ang mga nakababata mong kapatid, pinsan, pamangkin, kaibigan at kung sinu-sino pa. Kada pakakainin si Pou sa laro, lumalaki ito, gaya narin ng kahirapan. Lalong lumalaki sa tuwing ipinapakain sa sistema natin na hindi na ito mareresolba.

Nakakatuwang isipin na sa larong iyon ay maihahalintulad mo pala ang kahirapan. Malaki, dahil madami ang nagugutom, nag hihirap at namamatay dahil dito. Naging tanyag, dahil isa ito sa kung tawagin ay "major problem/issue" na kinakaharap ng ating bansa. Pumatok sa taong bayan, dahil katulad nga ng larong ito sumikat sa social media at nag karoon ng mga opinyon at hinaing ang mga taong bayan patungkol dito. Marahil ay wala ng mga pulitiko ang nag uulat ukol dito pero, tayong mga manunulat ang siyang nagpapamulat sa ating mga kapwa Filipino.

Trilyon-trilyong mga utang na ang ating utang sa World Bank. Covid-19 na lalong nag pahirap sa mga taong mahihirap. Kawalang trabaho ng mga mamamayan dahil sa naluluging sistema ng mga kumpanya, at Gobyernong nag bubulag-bulagan at nag lilinis kamay sa harap ng media. Parang tayo lang si Pou, at kinokontrol tayo ng mga nakaupo sa pamahalaan. Paulit-ulit tayong pinapakain ng mga salita at kapag nag sawa ay pag lalaruan naman ang mga utak ng mga taong walang kamalay-malay sa nangyayari sa paligid.

Ano na ba ang mangyayari sa hinaharap? Talaga bang katulad na tayo ni Pou, na lagi na lamang tinatanggap ang nakakasukang sistema ng ating gobyerno? Mga pulitikong handang mag waldas ng pera sa kawalan ngunit sa kalamidad ay mapag damot? Ito na ba ang tatapos sa isyung hindi na malutas lutas?

0
$ 0.00

Comments