Pag nai share ang sakit, halahati ang mawawala at pag nai share ang kasiyahan, madodoble yan...

0 14
Avatar for h4ckm3plz
4 years ago

May mga bahagi sa ating buhay na kaysarap ibahagi, mga kaganapan na pumupukaw sa ating mga problema sa buhay, kahit isang saglit lang na kasiyahan ang nakamtan, habang buhay naman na nagbibigay nitong ngiti sa ating mga labiā€¦
Ngunit may mga bahagi din naman sa ating buhay na pilit nating iwinawaglit sa ating isipan, mga kaganapan na nagdulot ng habang buhay na pagdaramdam, sakit at luha.. may pagkakataon ayaw natin maungkat ang mga bagay na ito sa ating buhay, ngunit kung minsan kailangan natin ibahagi, upang ang aral na dulot na ito ay kapulutan ng iba, maging inspirasyon sa mga taong patuloy na nakakaranas ng buhay na pinagdaanan natin.
Maliit pa lang ako alam ko na salat kami sa yaman, pito kaming mgakakapatid at ako ay pang-lima.. isang guro ang aking ina at ang ama ko ay pasimple simple lang sa trabaho ,di permanente, kayat madalas pag walang kita ang aking ama, pasan-pasan kaming mag-aama ng aking ina.
Isang matapang na ina ang aking nakagisnan, di mababakas sa kanyang mukha ang pagod na kanyang nararamdaman, walang hinaing, walang reklamo, puro pagmamahal ang ipinapadama sa amin..di sumusuko, di nagpapadaig sa mga pasakit ng kahirapan.
Wala akong maipagmamayabang na alin mang material na bagay, isa lang ang labis labis kong ipinagmamalaki sa aking buhay, ang aking huwarang ina.
Nawalay ako sa aking pamilya nang mag-aral ako sa manila, sa kahirapan ng buhay, iginapang ako ng aking ina umang makamtan ko ang pangarap ko sa buhay, malaki ang tiwala ng aking ina sa akin, kayat kahit salat kami sa yaman pinayagan nya akong mag-aral sa siyudad.
Di biro ang buhay na dinatnan ko sa manila, may mga panahon na tinitiis ko ang gutom dahil wala na akong pera, pumasok na boy sa isang may kayang pamilya at makibagay sa iba't-ibang klase ng tao sa lipunan..kahit ganun pa man di ako nagpabaya sa aking pag-aaral.
Sa wakas natapus ko ang aking pag-aaral at ang diploma ko ay iniaalay ko sa aking mga mahal na magulang. Pinalad naman ako na pumasa ng board exam at sa taong din yon, nakapag-saudi agad ako. maraming pasko ang lumipas na mga pangrap at luha ko ang aking kasalo, madalas pinipikit ko na lamang ang aking mata at dala ang dasal na sanay maging mabuti ang pamilyang naiwan sa pilipinas at guminhawa ang buhay sa bagong taon n parating.

1
$ 0.00
Avatar for h4ckm3plz
4 years ago

Comments

Wag kang mawawalan ng pag asa. At palaging magdasal. Giginhawa rin ang ating buhay.

$ 0.00
4 years ago