Malaya kana

0 10
Avatar for h4ckm3plz
4 years ago

Sa totoo lang wala naman tayong dapat gawin para magstay ang isang tao sa buhay natin. Kahit iyakan mo man hanggang maubos ang iyong luha at kahit magluha pa ng dugo ang mga mata; aalis yan sila kung gusto nilang umalis. Kahit kelan kasi hindi ka magiging sapat sa taong hindi karapat-dapat.

Saan ako nagkulang?

Pangit ba ako?

Kapalit-palit ba ako?

Minsan kung sino pa ang seryoso, siya pa ang niloloko.

Kung sino pa ang nagmamahal ng totoo,madalas nadedehado. PAGSERYOSO KA TALO KA!!

Gaya ko, nagmahal lang naman ako. Nagmahal at nagtiwala kahit na sa nakaraan ilang beses nadin nadapa pero bumangon padin at nagsimula. Nagsimula sa taong sa una lang ako mahalaga, Sa taong sumira ng aking tiwala. Sa taong inisip ko na ako lang. Ako lang... Ako lang pala ang nagmamahal at nangangarap na dumating ang araw kami ay magiging isa.

Sa biglaan mong pagkawala, di ko alam saan ako magsisimula. Dumaan ang bawat araw na ako ay umaasang babalik ka dahil sa alam mong minahal kita higit pa sa pagmamahal niya. Ngunit wala na palang pag-asa. Hanggang sa nagising na lang ako isang araw na pagod na akong mag-antay at tama na ang pagiging tanga.

Binuo ko ulit ang sarili ko, ineenjoy na lang ang sakit at binura lahat ng ating mga alaala. Kasi hindi na pwedi, wala ka na. Nasa kandungan ka na ng iba. Sa pinili mong magiging asawa.

Mag-iisang taon na din ang hinintay bago dumating ang taong magbibigay ulit ng saya at kulay sa buhay kong puno ng pag-asa. Hindi ako susuko sa ngalan ng pag-ibig.

Para sa taong sinaktan at pinagpalit ako,

sa taong iniwan ako sa ere.

sa taong iniwanan ako ng maraming

tanong na "BAKIT?"

Salamat, malaya ka na at papalayain ko na din ang sarili ko.

1
$ 0.00

Comments