Biglaang Lakad

0 59
Avatar for h34rt
Written by
3 years ago
Topics: True Story

Fiesta ngayong araw doon sa barangay ng tita ko. Hindi naman siya nag imbita ng iba maliban sa aming mga kamag-anak niya dahil nga sa pandemya ngayon. Kumbaga ay kaunting salu-salo lang ang naganap. So pagdating namin doon, nagkita kita kaming magpipinsan. Kumain kami ng mga putaheng makikita sa mga fiesta katulad ng Kaldereta, Kare-Kare, Sipoegg at marami pang iba. Pagkatapos, kumain kami ng maraming mangga. Ito ay 'apple mango' dahil ayaw namin sa maasim. Pagkatapos naman noon ay pakwan ing minukbang namin haha. Buti na nga lang ay hindi sumakit ang tiyan namin haha.

Nung mga oras na iyon, pinag-uusapan naming magpipinsan ang tungkol sa swimming. Na parang sobrang sarap mag swimming ngayon dahil mainit ang panahon at matagal tagal na din kaming hindi nakakapaglangoy. Wala kaming planong mag swimming kanina, talagang pinag-uusapan lamang. Ngunit sa kabutihang palad, pagpatak ng ala-una, bigla ay nag chat ang bestfriend ng pinsan ko, siya ay nagyayayang mag swimming. Pagbanggit palang ng pinsan ko noon ay hiyawan at puro talon na ang mga ginawa naming lahat. Ang pinsan ko nga ay hindi pa nakapagpaalam ngunit may backpack ng nakasabit sa likod niya HAHAHA. Talagang biglaan ang nangyari at nag desisyon kaming sumama sa bestfriend niya, tutal ay malapit lang sa amin ang resort. Akala pa nga namin ay hindi matutuloy dahil muntik ng hindi payagan ang aming isang pinsan.

Pagdating sa resort, walang katao-tao. As in. Solong solo namin ang buong resort. Sayang saya naman kaming magpipinsan. Wala kaming sinayang na oras. Agad kaming tumalon sa tubig. Ito ay medyo malamig pa. Todo langoy kami. Nag games pa nga kami doon. Puro tawa ang naririnig sa aming mga labi at hindi maipagkakailang sobrang nag enjoy ako, kaming lahat. Ngunit pagsapit ng alas-sais, kinailangan na naming umalis. Bawal kaseng gabihin ang isa mamung pinsan. Gusto nga namin ay maiwan muna doon sa bahay nung isa pa naming pinsan dahil mag o-overnight doon ang mga pinsan namin. Ngunit baka kami ay mapagalitan kaya dali dali kaming umuwi.

Pagdating sa amin, buti nalang ay hindi napagalitan ang pinsan ko. Ako ay umuwi ng sobrang basa at natuyo ng ang tubig dahil nagbiyahe kami gamit ang tricycle. Natuyuan at nalamigan ako kaya ngayon ay sobrang sakit ng ulo ko at medyo sinipon ako. Pero hindi ako nagsisisi, sobrang saya ng nangyari ngayong araw. Ang bonding, ang mga tawa na nangyari ay buong buhay na tatatak sa utak ko.

1
$ 0.00
Avatar for h34rt
Written by
3 years ago
Topics: True Story

Comments