Tunay na Pagmamahal

0 229
Avatar for grena724
3 years ago

Lahat nang tao ay marunong magmahal. Maging ang pinakamasamang tao sa mundong ito ay marunong din magmahal. Ano nga ba ang tunay na pagmamahal? Ito ba ay ang kasiyahang nadarama mo kapag kasama mo ang isang tao? Ito ba iyong pakiramdam na gusto mong ingatan ang isang tao at pahalagahan ito o ito ba ang pagmamahal para sa sarili lamang?

Ang tunay na pagmamahal ay walang pinipili. Maganda ka man o pangit, kapag mahal ka ng isang tao ay tanggap ka niya walang pinipiling pisikal na kaanyuan. Hindi tinitingnan ang estado o katayuan sa buhay, mayaman man o mahirap. Nagsasakripisyo para sa minamahal. Yung tipong siya ay handang gawin ang lahat para mapasaya ka sa abot ng kanyang makakaya.

Tama, ang pagmamahal ay dapat tunay. Sapagkat ito ay walang kapantay at nagpapahaba pa ng buhay. Mahalin ang kapwa mo ng tunay, pahalagahan mo sila gaya nang pagmamahal at pagpapahalaga mo sa iyong sarili.

2
$ 0.00

Comments