Filipino Language: Mga malalalim na Salita, nagagamit mo ba bilang isang Pilipino?

5 85
Avatar for gerl
Written by
4 years ago

Ako man ay Hindi nakakapagsalita ng purong Tagalog na lenguwahe, dahil ang aking "Mother Tongue" ay Bikol. Paano nalang kung ang salita ay malalim?

Sa kasaysayan ng ating kultura, ang wika ay isa sa pinaka malaking aspeto ng ating pagkasarinlan na na impluwensyahan ng mga banyaga. Pero bago pa man nangyari ang pagsakop saatin ng mga banyaga, mayroon na talaga tayong malalalim na salitang Filipino.

Bago paman ang Pilipinas nasakop ng mga Kastila, may kultura na at lenguwahe ang mga sinaunang Pilipino. Tatalakayin natin sa paksang ito ang malalalim na salitang Filipino at mga halimbawa nito.

Mga Halimbawa ng Salitang Filipino:

Nagkukumahog- Nagmamadali

Hurry or Rush

  • Nagkukumahog ang lahat para makasali sa pila ng rasyon ng bigas.

  • Nagkukumahog ang lahat na makapasok sa loob ng sinehan.

  • Ang lahat ay nagkukumahog makapagligpit ng mga gamit dahil sa bagyong paparating.

Anluwage-Karpinter

Carpenter

  • Naghahanap ako ng mga anluwage para sa pagpapaayos ng aking bagyo.

  • Maraming anluwage ang nawalan ng hanap-buhay ng bumugso ang COVID-19.

  • Nagpapasalamat ako sa mga anluwage na walang sawa sa pagtatrabaho para makatulong sa mamamayan.

Dalubhayupan-Tagalog ng zoology

Zoology

  • Hindi ko pinangarap ang mag aral nag dalubhayupan.

  • Nagustuhan ko ang pelikula tungkol sa dalubhayupan.

  • Papayagan kong mag aral ang anak ko tungkol sa dalubhayupan.

Hatinig-Telepono

Telephone

  • Si Alexander Graham Bell ang imbentor ng hatinig.

  • Malaking tulong ang hatinig para sa mga taong malayo sa isa't isa.

  • Ang hatinig ay nagagamit para sa komunikasyon.

  • Si Charles Bursel ang unang gumamit ng hatinig na inimbento ni Alexander Graham Bell.

Batlag-Kotse

Car

  • Ang batlag ay kayang umandar sa sarili na ginagamit para sa transportasyon.

  • Ang modernong batlag ay itinala ang unang produksiyon noong taong 1886.

  • Ang mga batlag ay ginawa at dinesenyo para tumakbo sa mga kalsada.

Sapantaha-Hinala

Suspicion

  • Kung minsan, ang mga magulang natin ay tamang sapantaha lamang ang kanilang mga ibinibintang sa kanilang anak.

  • Kung minsan, ang sapantaha ay nakakapagdulot ng masama sa kapwa.

  • Huwag tayong basta bastang maniniwala sa mga sapantaha.

Kumakandili-Nagmamalasakit

Sense of concern

  • Si Pangulong Duterte ay kumakandili sa mga mamamayang Pilipino.

  • Ang mga nanay natin ay kumakandili lamang saatin.

  • Kumakandili ka ba sa kapwa mo?

Balintataw-Guni guni

Imagination

  • Naniniwala ka ba na ang multo ay isang balintataw lamang?

  • Sa pamamagitan ng aking balintataw, nakikita ko ang aking pagkabata sa bahay na ito.

  • Magbuo ng isang kwento gamit ang iyong balintataw.

Dumatal-Dumating

Arrive

  • Dumatal na ang panahon para magtulungan ang mga tao.

  • Maraming dumatal na tulong mula sa isang organisasyon para sa mga sinalanta ng bagyo.

  • Isang delubyo ang dumatal sa ating mundo.

Balintuna-Kabaliktaran

The opposite, opposite

  • Ang balintuna ng pagtagumpay ay ang pagkasawi.

  • Maraming salita na ang balintuna ay mahirap intindihin.

  • Ang balintuna ba ng iyong pag uugali ay positibo o nigatibo?

Bilang isang mamamayang Pilipino, mahalagang maipalaganap ang ating sariling wika. Magandang mapaunlad ang ating wika sa pamamagitan ng pagbahagi nito. Ang wika ay isang instrumento na ginagamit ng bawat isa para magkaintindihan tayo sa nais nating ipabatid.

Sana ay may bago kayong natutunan, at para sa katulad kong ilang taon na ang nakalipas pagkatapos ng aking pag aaral, sana matandaan natin o maalala ulit natin ang mga salitang ito.

Para sa mga kabataang Pilipino, sana huwag natin kalilimutan na tayo ay mga Pilipino. Marunong man tayo gumamit ng ibang lenguwahe, huwag natin kalilimutan ang ating sariling wika. At higit sa lahat, huwag natin kalimutan ang magagandang asal na itinuro saatin ng ating mga ninuno.

Are you a Filipino? Comment down your best sentence using the words above, in the Tagalog Language. Learn and have fun!

For other users who are not Filipino, you can try to comment on your best sentence too!

6
$ 2.97
$ 2.97 from @TheRandomRewarder
Sponsors of gerl
empty
empty
empty
Avatar for gerl
Written by
4 years ago

Comments

Sa sunod magbikol na din tayo.hahaha

$ 0.00
4 years ago

Sana nga ang salitang Bikol ay puwedeng i- translate din sa English. Mas magaling akong gumamit ng salitang Bikol kaysa sa Tagalog at English. Bakit nga ba English language ang inaaral natin? Pero ang hirap din kaya ng salitang tagalog o bikol kapag ang subject ay Mathematics. Katulad nalang ng nasa module ng anak kong kindergarten at grade 1, medyo nahihirapan ako magturo dahil pure tagalog yung mathematics.

$ 0.00
4 years ago

Tagalog ko pang kalye lang talaga, english is what we used at home so i struggle with my tagalog most of the time, sorry ;;-;;

$ 0.00
4 years ago

Wow, mukhang mga sosyal ang gumagamit ng English. Pero parang normal na saatin talaga ang gumamit ng salitang English. At malaking advantage din yun kapag nag aaral na lalo na sa mga batang nagsisimula pa lamang mag aral o tumuntong sa paaralan. Pero sa totoo lang, lahat ng nasa article ko ay nakalimutan ko na ang mga kahulugan, ngayon ko lang ulit inaral.

$ 0.00
4 years ago

Di naman sosyal kaso iba na din ngayon, mas inclined na tayo sa english since it's promoted na din in schools and all and wala namang tagalog kiddy series kaya sa english serues din tayo natututo kumbaga. It's not that bad to do a refresher course on tagalog minsan kaso not everyone yses it much nowadays. Kung gamitin man, colloquial level na lang

$ 0.00
4 years ago