Endless Gratitude
Nag-umpisa sa wala hanggang sa nagkaroon at nawala ulit. Wala na pero bakit nandito parin ako? Syempre nag iwan ka ng magandang alaala saakin. Kahit kayo, aminin niyo na labis na tumatatak sainyo lalo na kapag naging maganda ang impluwensiya sainyo. Kapag ba nasaktan kayo ng isang tao mag-stay parin kayo? Kapag may naka-perwisyo sainyo okay lang sainyo? Hindi natin makakalimutan pero kapag hindi maganda ang naging karanasan maaaring di na natin balikan.
Paano naman kung malaki at maganda ang naging karanasan natin? Syempre habambuhay yun nakatatak saatin. Ganyan tayong mga totoong tao na marunong lumingon sa pinanggalingan o kaya ay marunong tumanaw ng utang na loob. Kahit di natin araw araw iniisip, kusang papasok yan sa ating isip. Naalala ko ang sinabi ng nanay ko na kahit anong mangyari, palaging iisipin yung mga magagandang naidulot, hindi yung puro negatibo lang. Sa totoo lang, sa mga earning site na nasubukan ko, ito nalang talaga ang meron ako. Ang readcash at noise cash na parehong wala ng bayad ang mga account ko pero nabibisita ko padin. Syempre nalungkot ako dahil wala ng bayad, pero nakatulong din naman para maka-relieve ng boredom, stress at kung ano ano pa.
Totoo yun, hindi lang talaga pera ang kailangan natin, kundi yung bagay na makakapag-relieve ng stress natin sa buhay. Nawala man yung bayad saakin pero heto, nandito padin ako. Naging hingahan ko na ang dalawang site na to. Dito ang minsan nahingi ng advice, o kaya naman binubuhos ko ang mga saloobin ko. Mabuti naman at may mga users talaga na handang makipag-usap kahit na di kayo magkakilala. Katulad nalang nitong mga nakaraang araw, sobrang exhausted talaga ako pero ang naging hingahan ko talaga si Readcash padin at si Noise cash.
Malaking pasasalamat ko sa dalawang site na to, 2 years na din akong member dito. At sa na nga sa mga naging impluwensiya saakin ay kung paano pakalmahin ang sarili kapag may problema ako. Silent reader din kasi ako dito ng mga articles lalong lalo na sa comment section. Sa comment section nakakabasa ako ng mga reaction about sa article at dun ako minsan nakakakuha ng aral dahil marami silang advices. Siya nga pala, mahilig talaga ako magbasa ng about life kahit na crypto blogging site ito. Kapag ganitong free time ko, nandito lang ako magbasa ng mga articles kahit na di ako nagbibigay ng reaksyon.
Yan lang, kahit na anong mangyari nandito padin talaga ako. Sa katunayan nga, baka lalo pa akong naging active dito kapag nagsimula na ang physical class ng mga kids ko dahil maghapon din akong mag-i-stay sa school araw araw. Ito siguro ang magiging libangan ko kapag nasa school ako habang naghihintay sa mga estudyante ko. Malaking tulong na din, makakapag-publish ako sa isang simple at free site lang.
Kapag Tagalog ang gawa ko ay inaabot lang ng 1-2 hours, pero kapag English inaabot ako ng 1-2 days, kaloka!