After Two Years...natapos na din

0 33
Avatar for gerl
Written by
2 years ago

Tagalog muna ang gagamitin ko ngayon since biglaan lang itong paggawa ko ng article ngayon. Maiksi lang naman ito, higit sa lahat ay excitement itong nararamdaman ko ngayon dahil sa wakas, natapos na ang modular classes ng aking mga anak ko. Gustong gusto ko na silang papasukin sa school lalo na at wala naman ng Covid cases na naitala dito sa lugar namin. Mahalaga ito para saakin lalo na para sa mga anak ko, marami silang makikita at mararanasan na bago para sa kanila.

Sobrang unfortunate itong nangyari sa mga anak ko dahil simula noong mga bata pa talaga sila, hanggang ngayon ay nakakulong padin sila. Nagkamali kami ng pagpili ng tirahan kaya hanggang ngayon ay ganito parin ang nararanasan ng mga anak ko. Kasalanan namin yun, walang ibang pwedeng sisihin kundi kami ng asawa ko. Dito sa tinitirhan naming apartment ay bawal talaga ang maingay kahit mild lang, ganito kahigpit dito. Pero ngayon na papasok na sila mismo sa paaralan, marami na silang makikita, makakasalamuha at makakapaglaro sila ng malaya.

Bakit sobrang na-excite ako? Unang una sa lahat, ang mga bata ay mabibigyan ng tamang Edukasyon. Nag modular class ang mga anak ko pero alam ko sa sarili ko na limited lang talaga ang natutunan nila katulad ng pagsulat at pagbasa. Pumayag naman ang kanilang mga teacher pero syempre hindi tayo kontento na yung lang ang alam ng mga bata. Sa wakas, makakatagpo na sila ng tunay na magtuturo sa manila, mga kalaro at makakamit na nila ang kanilang karapatan bilang bata. Pangalawa kung bakit nai-excite ako, yung responsibilidad ko bilang taong bahay magagawa ko na katulad ng pagpapanatali sa kalinisan ng bahay. Itong modular class talagang nagpahirap sa sitwasyon ko dahil tatlong bata na nasa iba't ibang Grade level ang tinuturuan ko kaya halos di ko na magawa lahat ng gawaing bahay.

Bukas, nakatakda ang pagsasauli ng lahat na hiniram sa school. Ibig sabihin ay maghihintay nalang kami sa announcement kung kailan magsisimula ang physical class ng mga bata. Mag uumpisa na din akong gumawa ng daily schedules namin para maiwasan ang mga unfinished works. Naalala ko dati, palagi akong puyat dahil sa araw nakalaan ang oras ko sa tatlong estudyante, sa gabi naman ako gumagawa ng mga gawaing bahay. Minsan natutulog ako ng 4 am to 6am, minsan naman hindi na ako natutulog. Ang laki ng pinagbago saakin pati na sa mga anak ko physically. Expected na din yun lalo na at di kami nakakalabas ng bahay.

Sa mga nabanggit ko,malaking aral din ang natutunan ko. Hindi hadlang ang malaking crisis para hindi makapag-aral. Kailangan lang natin unahin ang mga nararapat, hindi man buo pero at least naglaan tayo ng oras para sa mga importanteng bagay. Hindi porke't may pandemic, di nalang tayo gagalaw, kailangan din natin tulungan ang sarili natin. Huwag tayong palaging aasa kung kanino man. Unang una na makakatulong ang mga sarili natin at kung kinakailangan hihingi tayo ng tulong sa iba kapag hindi natin kayang solusyunan ang problema.

2
$ 4.15
$ 4.15 from @TheRandomRewarder
Sponsors of gerl
empty
empty
empty
Avatar for gerl
Written by
2 years ago

Comments