Advance "Maligayang Pasko"!

4 17
Avatar for gerl
Written by
3 years ago

TAGALOG MUNA TAYO 😁

Totoo yung sinabi ng isang "USER" dito na ang pasko daw ay isang miserable para sa iba. Bkit? Kasi imbes na walang problema nagkakaroon kasi napipilitan gumastos yung mga tao. Pero magiging miserable lang naman kung pipilitin mong gumastos kahit hindi naman talaga kaya ng bulsa mo. UULITIN KO, MAGIGING MISERABLE LANG KAPAG PINILIT MONG GUMASTOS KAHIT WALA KA NAMANG PANGGASTOS, yung tipong mangungutang ka sa iba para lang may panggastos sa pagdiriwang ng pasko. Simplehan lang po natin para naman talagang totoong masaya ang Pasko natin. ISA NA AKO SA MGA NANAY NA TIPID AT PRAKTIKAL PERO SISIGURUHIN KONG MASAYA ANG MGA ANAK KO.

Maraming paraan para maging masaya ang ating pasko, at ang pagiging masaya sa pagdiriwang ng pasko ay likas na saating mga Pilipino. Ang pasko ay isa sa mga pinakamahalagang okasyon na pinaghahandaan natin.

Bilang isang Pilipino, isa ako sa mamamayan na kabilang sa mahirap ang estado ng buhay. Pero kahit ganon, bakit kaya sabik na sabik ako kapag nalalapit na ang Pasko? Unang una hindi talaga natin makakalimutan ang kaarawan ng ating Panginoong Hesus kaya tayo ay nagdiriwang ng Pasko. Pangalawa, ang sarap sa pakiramdam na may mga maliliit pang anak na tinuturuan mo kung ano talaga ang kahulugan ng Pasko pero katulad ng nakararami parang mga batang paslit kapag narinig ang Pasko ang nasa isip nila ay regalo😁.

Sinulat ko ang artikulong ito dahil nais ko talagang ibahagi sainyo ang karanasan k sa pagtuturo ng Pasko sa mga anak ko. Hindi pala madali ang magturo sa mga bata lalo na kapag tungkol sa Pasko😊. Kami ay Pamilyang medyo hirap sa buhay pero nakagawa ako ng paraan para maramdaman ng mga anak ko ang Pasko. Nakakatawa, nakakaawa, at nakakasabik.

Sa pamamagitan ng mga Small Earnings ko Online, nakaipon ako ng pambili kong regalo sa tatlo kong anak. Hindi ko na kinailangan na humingi sa asawa ko. Binalot ko ang mga regalo ko sa kanila katulad ng iba't ibang educational toys, school supplies, mga superhero toys, damit at iba pa. Sobrang tuwang tuwa sila. Syempre natutuwa din ako na nakabili kaming maraming pangregalo na hindi namin kinailangan na mangutang ng pambili. Higit sa lahat ay hindi kami kakapusin sa mga susunod na gastusin sa loob ng bahay.

Tinanong ko ang anak ko kung anong nararamdaman niya na malapit na ang Pasko, ang sagot niya ay "masaya ako mama". Masaya daw siya kasi maraming regalo πŸ˜…. Oh, diba ang honest niya sumagot. Pero kailangan may konting consequences kasi hindi pwedeng basta lang sila bibigyan ng regalo dahil Pasko. Kailangan parin ipaliwanag sa kanila kung bakit nagbibigayan ng presents.

Sa totoo lang maraming tanong ang mga bata, katulad nalang ng, " bakit yung mga usa nasa kalawakan kapag Pasko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila ang mga iyon. Saan daw ba nakatira si Santa? At anong kwento ng Christmas Socks? Isa pang nakapagpasaya sa mga anak ko nang binilihan ko silanv Christmas Sock at hindi nila alam na kami din lang ng asawa ko ang Santa πŸŽ…. Super priceless po ang pakiramdam kapag nakikita mong masaya ang anak mo.

Sana po lahat tayo ag masaya lang at malusog, at keep safe, yun ang mahalaga.

MALIGAYANG PASKO!

3
$ 0.65
$ 0.34 from @TheRandomRewarder
$ 0.21 from @rosienne
$ 0.10 from @tired_momma
Sponsors of gerl
empty
empty
empty
Avatar for gerl
Written by
3 years ago

Comments

Nakakatuwa naman. Merry Christmas sa inyo at sa mga bata. God bless you more. πŸ₯°

$ 0.00
3 years ago

Salamat po, lahat po yan galing readcash hehe

$ 0.00
3 years ago

Buti pa sila andaming regalo.πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

$ 0.00
3 years ago

Galing lahat readcash yan

$ 0.00
3 years ago