Maganda nga ba talaga ang mga ANIME??
Matagal kona gustong i topic ito pero dahil busy nalilimutan ko hehehe.
So ngayon base sa opinyon ko maganda ngaba talaga ang mga ANIME SERIES o ANIME MOVIES?
kung ikaw ay hindi pa nakaka nood ng mga Anime tulad ng Dragonball Z, Pokemon, Ghost Fighter, Hunter x Hunter, at Naruto Mahihirapan ka intindihin ang mga susunod kong ipapaliwanag.
Btw mula noong elementary ako gustong gusto kong itong mga anime series maganda sila para sa mga bata at matanda 22yrs old nako. Napakaraming ibat ibang genre sa anime.... ang Anime ay nag mula sa Manga na binigyang buhay sa pamamagitan ng pag papagalaw dito sa mga Japanese nag mula ang Manga at sila rin ang may gawa ng anime na kasalukuyang pinapanood natin sa mga araw na ito.
ika nga nila malayo na ang narating ng anime dahil mula sa Japan umabot na sa Buong mundo ang mga sumusubaybay sa mga gawa nilang anime at manga sikat na sikat na pero ano nga ba ang dahilan kung bakit maganda ito? eh Puro kathang isip lang ang lahat ng mga nangyayari? Magagamit ba natin ito sa reyalidad?
guys hindi lang po sya bastang kathang isip napakatalino ng mga gumawa dito talagang pinag isipan pinag gugulan ng mahabang oras at panahon para mabuo..
Sa ngayon kung bibilangin ang sumatutal ng mga pinanood kona at na tapos na ANIME SERIES at ANIME MOVIES ang kabuoan ay aabot na sa 324+ or 326+ sobrang dami na lalo ngayong nag karon ng pandemic namamayagpag ang mga anime series for entertainment sobrang dami konang napanood mga luma at bagong anime.
SOBRANG GANDA NG ANIME LALO KUNG NA IINTIDIHAN MO ANG KWENTO NA KINAKAHARAP NG BIDA, SOBRANG GANDA NA MAIISPIRE KA NA WAG SUMUKO SA MGA PROBLEMA GAYA NG KINAKAHARAP NG BIDA SA ANIME PWEDE KANG KILIGIN, MATAWA, MATAKOT, MA EXCITE, MAMANGHA, MAGULAT, ANG MAGANDANG KWENTO AT PINAG HIRAPANG IGUHIT NA MGA LITRATO NAYUN AY HABANG BUHAY KO PAPANOORIN. (habang buhay namin papanoorin)
ipapasa ko sa mga anak ko at susunod na henerasyon ang isang palabas na kuntawagin ay ANIME na nag ligtas sa lungkot na pinag dadaanan ko <3