MGA PILIPINO: WALANG RESPETO!
Grabe. Ngayon lang ako magsasalita dahil sobra-sobra na.
Maling-mali na ibinalita sa mainstream media ang pagka-bendisyon ni blessed Carlo Acutis dito sa Pilipinas.
Bumanda-banda ang ugali at pagkaignorante ng mga keyboard warrior sa social media.
Inulan lang ng katatawanan at kalapastangan ang mabuting bata at masikap na taong namuhay para kay Kristo. Only in the Philippines!
Sige isa-isahin natin mga katang*han niyo:
Una... Pero bago po iyon sino ba itong pinagtitripan niyo?
Sino ba itong Millenial Blessed Carlo Acutis? Ano ba 'yan? Gamer ba ito ng playstation? Ano ba ambag niyan sa lipunan?- DDS
Ikaw ba anong ambag mo?
Tipong santo ba na kapag hiningan mo ng panalangin lalakas ang signal ng palpak na Globe at PLDT subscription niyo?
Si Carlo Acutis po ay ang First Blessed millenial sa buong mundo.
Paglilinaw: Hindi pa po siya Santo. Dahil may 4 na hakbang bago macanonized sa Vatican bago maging Santo.
Una, Servant of God. Pangalawa, Venerable. Pangatlo, pagiging Blessed at siyempre ang huli ang pagiging ganap nang Santo.
Ang kinukutya niyo ay isa lang rin namang ordinaryong bata, simple, masayahin, mapagmahal sa hayop at mahilig maglaro ng football.
Ang malaking pinagkaiba lang naman natin ay buong-buo ang pagmamahal nito sa Panginoon. Naisasabuhay ang Kaniyang salita at makatao.
Bakit mabibigyan bansag bilang Patron Saint of Internet?
- Dahil walang alinlangang napakagaling niya gumamit ng teknolohiyang computer,
pero hindi natin siya tulad na ginamit ito para lang maging social media climber,
makipagchat sa maling tao o ubusin ang oras para lang sa sariling kasiyahan.
Ginamit niya ito sa makabuluhang bagay. Nagpakabanal siya sa pamamagitan ng modernong teknolohiya. Inihayag niya ang Ebanghelyo at iniangat ang pangalan ng Panginoon sa pamamgaitn nito. Halimbawa na lamang ay ang paggawa
niya ng website na naglalaman ng iba't ibang milagro ng Banal na Eukaristiya at pagpapakita o aparisyon ng Mahal na Birhen. Bukod pa rito'y naging lundayan ito ng maka Kristiyanong mga sulatin.
Kilalang kilala si Acutis sa kanilang komunidad dahil sa pagiging matulungin nito sa nangangailangan. Hinahangaan siya ng mga Muslim at Hindu sa kanilang lugar.
Madalas na inilalaan niya ang tinitipid niyang baon na pera para bumili ng mahihigaan, makakain at maiinom ng mga pulubi sa kanilang lugar. Binibilhan niya ang mga ito ng mainit na inumin kapag alam niyang nilalamig sila sa gabi.
Napakaraming humahanga sa tao na ito dahil sa pagkakaroon ng dalisay na puso at ngiti.
Namatay siya sa edad na labing lima dahil sa Leukemia. Maraming naulila dahil sa kaniyang pagkawala lalo na ang kaniyang kaibigang-kasambahay na Hindu (Brahmin) na si Rajesh na kaniyang naconvert sa Simbahang Katolika.
Kinwento niyang sa tuwing si Carlo ay nagbibisekleta hindi mapigilan na tumigil nito sa mga pinto para kumatok sa mga tao para magpakilala, magbigay tulong at ihayag ang nalalaman niya sa Salita ng Diyos.
Hayaan niyo ako ilahad ang mga bagay na dapat mong malaman:
1. HINDI KA TANGA PARA MANALANGIN SA ISANG SANTO DAHIL HINDI 'YAN DIYOS.
- Kahit kailan ay hindi itinuro ng Simbahang Katolika na direktang manalangin sa mga Santo, tayo lamang ay humihingi ng panalangin sa kanila dahil matindi ang koneksyon ng taong matuwid sa Diyos. Ang tawag dito ay intercession - paghingi ng panalangin sa kapwa mo sa tuwing nangangailangan ka.
Para bang ganito lang 'yan, *may kilala kang kaibigan na nagkaron ng COVID-19 ipinagdasal mo ang kaniyang kalagayan. Ang tawag don- nagintercede ka. Pero hindi ikaw mismo ang dinadasalan ng kaibigan mo. Nagbigay ka lang ng tulong.
Tulong sa pamamagitan ng panalangin sa kaniya. Ganun rin kay Blessed Carlo, kapag nangangailangan tayo, ramdam natin na toxic sa social media tayo humingi ng panalangin mula sa kaniya. Pero hindi tayo MISMONG MANANALANGIN SA KANIYA. That's why we express it as "pray for us" not "I'm praying to you"
.(Rev. 8:3–4). (Matt. 18:10).(Jas. 5:16).
2. HINDI PORKET MAY IMAHE NA O REBULTO AY IDOLATRIYA NA.
- Hindi matapos-tapos na issue ito. Kung may mga bayani ang Bayan may mga bayani rin ang Simbahan. Bakit kapag sina Gat Rizal, Bonifacio, etc. ang may rebulto ay ayos lang sa inyo? Bakit kapag imahen na ng bayani sa Simbahan ay galit na galit kayo?
3. SI BLESSED CARLO ACUTIS AY DAPAT TULARAN.
- Ang pinakapuno't dahilan kung bakit nilalakad bilang santo si Blessed Carlo ay dahil sa kaniyang angking pagmamamahal. Siya ay nagsikap maging mabuti na dahilan kung bakit iba siya sa atin bagama't lahat tayo ay makakasalanan. Sinikap niya maging banal isang obligasyon ng isang Kristiyano o lahat ng tao na sobrang hirap gawin.
Nakakalungkot dahil inulan ng panguusig ang isang bata na walang ginawa sa buong buhay kundi ang magsikap para maging mabuti. Ang toxic niyo.
Mas ginagalang at kinaliligaya niyo pa angm may nakikitang malaswa, fake news, at iba pang makasanlibutan sa modernong panahon.
Rumespeto kayo mga kapatid. P'wede niyo ako kutsain dahil marami kang maipipintas sa akin. Huwag lamang sa napakabuting tao tulad ng kapatid namin na si Bro. Carlo Acutis.
Blessed Carlo Acutis, ipanalangin mo kami...