Dear : DepEd
HOY kayo!
Pwede bang makuha saglit ang atensyon nyo?
Maglaan kayo kahit na ilang minuto
Gusto ko lang ipaalam ang hirap ng mga istudyanteng gaya ko.
Bakit ang hilig nyong mag bulag-bulagan?
Hilig nyong mag bingi-bingihan
“Academic freeze” ang sigaw ng karamihan
“Sayang ng taon” yan ang palagi nyong dinadahilan.
Gaano ba kahirap intindihin na istado natin sa buhay ay hindi pare-pareho?
Hindi lahat ma pera gaya nyo!
Hindi lahat matatalino gaya ng iniisip nyo!
Aware ba kayo sa ilang istudyanteng nagpakamatay?
Hoy! hindi ho biro ang isugal ang buhay!
Ilan pa ba ang paglalamayan?
Para itigil nyo ang pansarili nyong kagustuhan?
Hangarin nyong mabigyan kami ng edukasyon?
Okay Sige iintindihin namin ‘yon
Pero kingina? Sa gitna talaga ng pandemya?
Hindi pa nga tapos ang isang problema
Dumadagdag na kayo ng isa pa?
Hindi birong ma depress
Mga men! seryoso...subrang nakaka stress
Minsan isipin nyo rin kung—kaya ba talaga namin?
PRESSURE ho ang nararamdaman namin
Nag-aaral kami hindi na para matuto
Kundi para maipasa sa tamang oras ang mga pinapagawa nyo.
————————