M O M 💖

0 5
Avatar for faith
Written by
3 years ago

Pag tulog ang baby natin, cute na cute tayo panay tayo gigil at halik!

Pero pag gising, inis na inis sa sobrang kulit. Takbo dito talon jan. Iyak dito iyak don. Kalat dito kalat dyan.. hahah

tapos sabay sunod ng linis ng mga pinagkakalatan nila. Nakakapagod pero kayanin dapat! Pinasok naten to eh walang atrasan ! haha

minsan nga parang gusto mo ng ibalik sa fallopian tube mo 🤣

Hayyy! But at the end of the day super duper love natin sila!

Naiisip natin minsan na ang hirap pala maging isang ina. Pero sa akin hindi yun mahirap basta alam mo sa sarili mo kung ano ang dapat at tama sa anak mo. Just do your best of being a mom. Kasi kung sa tingin mo na hindi ikaw ang pinaka dabest sa iba pero sa mata ng mga anak mo ikaw ang pinaka DABEST nanay ! lagi lang natin sila alagaan mahalin at palalakihin ng may takot sa diyos at respeto sa kapwa. Kasi ang pagiging isang ina ay lifetime job natin yan. Pagbali baliktarin man ang mundo nanay kana meron ka ng isang malaking responsibilidad dito sa mundo at isang pinakamalaking blessing iyon na ipinagkaloob sa atin ng mahal na panginoon. Kasi hinde lahat ng babae ay nagiging ina at mas maswerte tayo sa kanila .

Basta lagi nating tatandaan na sa bawat araw na nabubuhay tayo sa mundong ibabaw ay kailangan natin maging matatag. Maging matatag at matapang na haharapin ang bawat unos na dumadating sa ating buhay para sa ating pamilya! Godbless us all ! 💗💗

1
$ 0.00

Comments