Ang saya ko ng ibinahagi sa akin ng Facebook ang isang memory 5 years ago. Itong alaala ay napakagandang karanasa at isang karangalan din na mapabilang ka sa pag census ng population. Ang sarap ng pakiramdam na makapag serbisyo ka para sa mahal mong bansa, ang Pilipinas.
Hulyo, taong 2015 ay sumali ako sa isang Seminar para maging Enumerator ( collect census data) para sa Census of Population ng Philippine Statistics Authority. Pagkatapos ng dalawang lingo na Seminar ay hindi ko inaasahan na nominated ako para maging isang Team Supervisor.
Ayaw ko sana tanggapin ang posisyon na Team Supervisor, parang hindi ako bilib sa sarili ko na gampanan ang isang mataas na posisyon, natatakot ako sa responsibilidad bilang leader baka kako hindi ko kayanin ang obligasyon ng isang supervisor. Pero pinag-isipan kong mabuti. Sabi ko sa sarali, "kung kaya ng iba bakit naman hindi ko kakayanin?" batay sa natutunan ko sa Seminar ay madali lang naman ang gagawin ng isang supervisor. Ang importante dapat maging mabuti ako sa mga tao ko at gawin lang kung ano ang nararapat na ipagawa sa mga members ko. "kaya ko 'to, kaya Go!Go! to be a Team Supervisor". Isang karangalan din maging isang team supervisor kaya pinanindigan ko na.
Meron akong apat na members at puro babae, ang tawag sa kanila ay Enumerators. Sila iyong mag interview ng tao sa isang household at bawat isa sa kanila ay may kanya kanyang Area na nasasakop ng Barangay. May kalakihan din ang Baramgay na hawak ko, ito ay sa Barangay Lawaan 1 Talisay City sa Cebu. baka taga dito ka sa barangay na ito kaibigan.
Ang trabaho ko bilang isang Team Supervisor ay mag review ng mga forms ng bawat household na tapos na mainterview nila (makikita mo sa larawan ang forms) ang mga forms na ito ay kung saan nakasulat ang info at background ng bawat household members at mga personal na katanungan. Kung meron ito mali ay correct ko ito, kung pangit ang pagkakasulat ng Enumerator ay eedit ko ito, dapat kasi malinis at maganda ang pagkakasulat nito.
Araw-araw ay nagrereport sa akin ang mga members. Bali sa bahay ako nag oopisina at doon sila pumupunta para kumuha ng forms. Bawat araw bibigyan ko sila ng 200 forms o mahigit pa depende sa makaya nilang e census sa loob ng isang araw. Imagine sa isang araw, sabihin na nating bawat isa sa kanila ay may dalang 250 forms ibig sabihin ang total ay 1000 forms sa isang araw. Iyan din ang bilang ng forms na e rereview at e check ko araw-araw.
Pagsapit alas singko ng hapon o depende kung mabilis sila mag interview ay babalik sila sa bahay ko para e submit ang mga ito. At para deretso na sila kinabukasan mag census ay bibigyan ko na lang sila ng panibagong 200 forms para sa sunod na araw. Kanya kanya na sila deskarte, basta ang mahalaga ay bawat araw makatapos sila mag census ng 200 households o mahigit pa.
Minsan sinasamahan ko mag door to door interview ang mga members ko, lalo na kung ang isang household ay may problema gaya halimbawa ayaw magpa interview. Meron kasi ibang household na binabale wala lang nila ang census. Hindi rin biro ang trabaho ng mga members ko bilang Enumerators, ulan at init ay tinitiis nila at minsan ay hinahabol pa sila ng aso at nababastos ng mga tambay lalo na kung nasa masikip na kalye o sitio sila nag si-census.
Ang Census ng population ay nagaganap every 5 years at ginagawa ang pag census sa loob lamang ng 25 days. Nagsimula kami mag census August 10, 2015 to September 6, 2015. Naalaa ko noong nasa kalagitnaan na ng Census, tambak na ang forms at di ko na kinaya mag check, gabi gabi ang overtime at wala ng tulogan, kaya sinabihan ko ang mga Enumerators ko na pagbutihin ang pag interview at pagsulat para mabilis na ang pag check at pag edit ko kung walang gaano mali.
Tatlong araw na lang natitira ay deadline na at kailangan ko na gumawa ng report. Ang kapal pa ng forms na hindi ko pa na check, hindi ko na yata kayang tapusin hanggang sa araw ng deadline, gagawa pa ako ng report para sa total population ng Barangay. Hangang isang umaga ay nagkasakit ako, hindi na ako nakabangon, ang sakit ng likod ko at ang taas ng lagnat ko. Hindi ko na talaga kaya tapusin ang checking at gawin ang report, inatake pa ako ng scoliosis at nagka trangkaso na rin ako..
Wala na akong ibang paraan para matapos ko ang checking, kundi ang nagpatulong na ako sa mga Enumerators ko. Pinapunta ko silang apat sa bahay at inatasan ko na silang apat na mag checking sa mga natirang forms. Mabuti naman at natapos din nila ang pinagawa ko sa loob ng dalawang araw at natapos ko rin ang report kahit nanghihina na ako. Naawa sa akin ang mga members ko, alam nila na hindi ko kaya pumunta sa office kinabukasan para mag submit ng report at mga forms na nakalagay sa mga kahon. Mababait ang mga Enumerators ko kaya nag volunteer silang apat na sila na lang ang mag submit kinabukasan doon sa office ng Philippine Statistics Authority.
Mahigit isang linggo din ako nagkasakit. Siguro kong may covid19 na sa panahong iyon ay mapagkamalan ako positive sa virus. Buti na lang wala pang Covid19 noon, pero naranasan ko na pala dati ang work from home.
Ang paghihirap ay may katumbas na kaligayanahn. Hindi lahat ng panahon ay naghihirap tayo. At dumating na nga ang araw na pinakahihintay namin, ang masayang araw. Ang saya namin lahat sa araw ng sahod na doon ginanap sa office ng PSA ( Philippine Statistics Authority) Walang nakakaalam sa amin kung magkano ang matatanggap namin sahod kasi depende ito sa dami ng population ng isang Barangay.
Isa isa kami tinawag para pumasok sa loob at kunin ang sahod. Ang mga nakatanggap na ay nag kikwentuhan kung magkano ang sahod nila, meron isang Team supervisor narinig ko na 26k ang natanggap nya, meron naman 30k at 18k. Excited na rin ako kung magkano ang sahod ko, at di nagtagal ay tinawag na ang pangalan ko, kaya pumasok na ako sa office ng PSA. At nang inabot sa akin ang payroll para permahan, ay nanlaki ang mata ko sa nakita kong halaga ng sahod ko. Nagbilang na ng tig isang libo ang babae sa harap ko at inabot nya ito sabay sabi "Zoe ito ang 25,000 php." at tinanggap ko ito na may ngiti sabay pasasalamat.
Wow! 25k in 25 days, ibig sabihin isang araw ay isang libo ang kinita ko bilang isang Team Supervisor.
Ang galing naman!
Kung nais nyo po maging isang Enumerator or Team Supervisor sa Census of Population ay maaari kayo mag inquire sa PSA ( Philippine Statisics Authority. Every 5 years ang Census at ang huling Census na naganap ay noon 2020, kaya ibig sabihin ang susunod na census ay sa darating na 2025.
Good luck kaibigan. Sana ma experience nyo rin ang ganitong trabaho at serbisyo sa bansa natin, Pilipinas.
Salamat sa pagbasa ... ikaw kaibigan, naranasan mo na rin ba ang mag Census of Population?
Parang ayaw ko yatang maging team supervisor kung magkasakit man lang. hahaha.
Joking aside, sarap talaga makapagbigay serbisyo sa bayan. At least naka try ka ng ganyan.