Mga ala-alang lumipas
Hi magandang umaga sainyong lahat dito sa read.cash family this is my first time here sana may magbasa ng isusulat ko matagal ko ng gusto magsulat pero ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob katakot magsulat ng english pero sabi nila pwede naman tagalog kaya ito sa tagalog akong salita magsusulat nahihirapan ako masyado magsulat ng english pasensya na.
Marami sainyo ang may mga ala alang lumipas lalo na noong kabataan natin kaya ito ang naisip kong isulat dahil masarap balik balikan ang mga ala alang napaglipasan na ng panahon
Ano-ano nga ba ang mga ala alang iyon?
Base sa karanasan ko ito ang mga uri ng ala-alang gustong gusto kong balikan magka hanggang ngayon
Ang paglalaro kasama ang mga kaibigan yung tipong aalis sa bahay ng maaga tapos uuwi ka ng tanghalian aalis ka ulit at ang uwi mo ay gabi na at kakain na lang haha
Masarap balik balikan ang ala alang ito yung wala kang iniisip na problema masaya ka lang kasama mga kaibigan mo maglalaro kayo hanggang sa magsawa at minsan ay mag awayan pero hindi matatapos ang araw na hindi kayo nagkakabati. Naalala ko dati yung mga nilalaro namin ng mga kaibigan ko ay tumbang preso, tagu-taguan, habulan, batuhang bola, at madami pang iba
Pagtatanim ng mga bulaklak at mga gulay sa aming bakuran ito ay isa sa ala alang hindi ko makakalimutan ito ay ginagawa naming magkasama ng aking mama noong ito ay nabubuhay pa.
Sa aming probinsya buhay namin ay simple pero masaya hindi namin problema ang ulam dahil pupunta lang kami sa bakuran ay may pang ulam na maganda din ang aming hardin kung saan punong puno ito ng magaganda at makukulay na halaman na tanim namin ni mama sariwang hangin tuwing umaga ay kay sarap ala alahanin.
Pagligo sa ilog/ ulan sino ba naman ang hindi nakaranas maligo sa ilog o sa ulan kung lumaki ka sa probinsya panigurado maaalala mo ito.
Masayang ala ala ang makaligo sa ilog kasama ang mga kababa natin pero hindi doon sa malalim sa mababaw lang hehe minsan naglalaro din kami ng habol bahulan kapag naliligo kami sa ilog o sa ulan kapag sa ilog ginagaya namin yung kunwari sirena kami haha yung palabas na marina dati ginagawa namin yun natatawa ako kapag naaalala ko si dugong haha kapag sa ulan naman habulan hanggang sa magsawa kami.
Magkwentuhan ng katatakutan sa ilalim ng bilog na buwan relate din ba kayo dito? sa probinsya nakaugalian na namin kapag kabilugan ng buwan magtitipon tipon kaming magkababata tapos kanya kanya kaming dalang pagkain.
Naranasan na din ba ninyo ang magkwentuhan ng nakakatakot sa araw ng kabilugan ng buwan? ako oo at hinding hindi ko makakalimutan kapag araw ng kabilugan ng buwan araw ng kwentong kababalaghan at minsan naman ay tagu-taguan haha yung kwentuhan kami kanya kanyang imbento ng nakakatakot na kwento tapos sisigawan kami sabay tawanan gumagawa din pala kami ng siga sa kahoy para hindi kami lamigin sa probinsya kasi malamig ang hangin at sariwa kay ganda bumalik sa aming sinilangan kaya lang ang lupa namin doon ay nakasangla at pinag iipunan naming magkakapatid na ito ay matubos.
Marami pa sana akong gustong ibahagi sainyo kaya lang baka tamarin kayo sa sobrang haba sa mga bihasa sa paggawa ng article dito pa comment naman kung paano at ano ang tamang gawin para sa susunod ay may idea na ako maraming salamat ulit.