Virtual Friendship Part 2

0 14

First of all maraming salamat sa mga nagbasa nung part 1 kahapon. At dahil nainspire ako sa mga comments, heto na po yung part 2.

So yun nga naging sobrang close na kami. To the point na nung nagkaroon ako ng problema siya unang sinabihan ko. And though literal na sobrang layo niya, siya pa yung nakatulong para masolve yung problemang yun. Tawag niya nga sakin detective Piggy kasi nga mahilig akong kumain at daig ko pa daw ang detective nung masolve ko yung problema ko dun sa stalker ko (ganda problems kasi ako eh. hahahaha charot!) Hahaha nakakatawa nga kasi may pa detective piggy na nalalaman eh di rin naman kilala si Conan 🤣 (Oo na walang connect yun mema lang)

Ang isa pang nakaka amaze sa friendship namin dahil literal na nasa magkabilang side kami ng mundo. Sabi nga sa kanta ni Jireh Lim "Aking hapunan ay iyong umagahan", Latino kasi siya, kaya nga Latino Panda ang tawag ko sa kanya kasi mahilig siyang magpuyat kaya kinaumagahan para siyang Panda. (Konting kaalaman lang po na pag sinabing Latino or Latina sila yung mga spanish-speaking people.) So yun nga since Latino siya, nalaman ko na sa country pala nila di masyadong ginagamit yung english kahit sa college o kahit ng mga professional (Kaya pala yung mga Miss Universe candidate mula sa Latin-American countries laging may translator). Kaya siya kahit nag aral ng engineering di rin siya marunong mag english. At ako naman di rin marunong mag spanish. Pero hindi naging hadlang yung language barrier sa amin. Nandyan naman yung bff naming google translator 🤣. Ang galing nga kasi pag magkausap kami di namin nafifeel yung language barrier. Good thing na nakilala ko siya kaai may nag encourage na sakin na ipagpatuloy yung pag aaral ko ng spanish language and siya naman nag start na rin mag aral ng english. So yun habang tumatagal mas nag jive yung personalities namin kahit may differences. Parehas din pala kaming mahilig sa nature at nung nagresearch siya tungkol sa Philippines nakita niya kung gaano daw ito kaganda kaya plano niyang pumunta after ng quarantine. Ang saya na sana, yung hinahanap kong friendship nakita ko sa kanya. Pero wala talagang forever, siguro dahil na rin sa language barrier di kami nagkaintindihan masyado. Akala niya nabubuhay pa rin ako sa past at akala niya di niya pwedeng tawirin yung pader na bi-nuilt ko. So yun, isang araw nabasa ko na lang yung love letter niya daw pa sa akin. Love letter na goodbye letter pala. Masaya daw siya na nakilala ako and dahil sa akin nalaman niya na tulad din pala siya ng ibang human being na kaya din mag flutter ang heart at posible daw pala na mafeel niya yung butterflies sa stomach. Pero according to him if God will permit, at some point we'll come to each other. So yun habang sinusulat ko to, di ko na naman tuloy mapigilang umiyak at alalahanin yung araw na nabasa ko yung sulat niya. Mas masakit pa yung naramdaman ko nang araw na yun kaysa nung nagbreak kami ng ex ko. Di lang ako nawalan ng kaibigan, nawalan din ako ng big bro. Pangarap ko kasi talagang magkaroon ng nakakatandang kapatid na lalaki. Pero sabi niya nga at some point in life, kung ipapahintulot ni God, babalik at babalik pa rin ka sa isa't isa. Sa pamamaalam niya pinakita niya na pa rin na hindi siya katulad ng iba. Kung iba kasi yun for sure bigla na lang mawawala (when ghosting is real haha). Bigla na lang hindi magpaparamdam, at least siya nagpaalam muna bago 'nawala' sa buhay ko.

Sa karanasan kong ito, natutunan ko na habang may oras at pagkakataon pa tayo na pwedeng i spend para sa isang tao igrab na natin para gumawa ng magagandang memories para kung mawala man sila meron tayong memories na babalikan at aalalahanin. Sa ngayon kahit hindi na kami nag uusap patuloy pa rin akong nag aaral ng spanish para kung sakali, in the future pwede na kaming magkwentuhan na walang language barrier 💛

The End.

Sana nagustuhan ninyo. Feeling ko kasi medyo boring na yung part 2. Comment po kayo kung nagustuhan ninyo. Maraming salamat sa pagbabasa.

2
$ 0.00
Sponsors of esciisc
empty
empty
empty

Comments