Pamilyar ka ba sa salitang iyan? Binigyan ito ng isang diksyonaryong ingles ng kahulugan na ang kakayahang makapagsalita ng iba't ibang lengwahe. Ang Pilipinas ay maituturing na isang polyglot na rehiyon sapagkat maraming wika at dayalekto ang ginagamit ng mga tao dito. Ayon sa istatistika, tinatayang nasa mahigit 170 wika at lokal na dayalekto ang meron dito at walo sa mga ito ay ang pangunahing mga wika na sinasalita ng karamihan. May mga rehiyon pa nga na pumunta ka lang sa kabilang bayan iba na ang wika. Kaya naman karamihan sa mga Pilipino ay matatas magsalita ng mahigit sa isang wika. Bilang isang Pilipino ganun din ako. Habang lumalaki, tumira ako sa iba't ibang lugar kaya naman natutunan ko ang mga dayalekto sa mga lugar kung saan ako tumira. Sa kabuuan nakakapagsalita at nakikipag communicate ako ng apat na lenggwahe, ito ay ang Ingles, Filipino o Tagalog, Bicolano at Filipino Sign Language at apat na dayalekto rin. Noon, iniisip kp kung ano kaya ang talento o kakayahan ko pero ayon sa natutunan ko sa teorya ni Dr. Howars Gardner tungkol sa Multiple Intelligence na mayroon ang bawat tao, meron ako ng Linguistic Intelligence o Katalinuhan sa wika. Noong naging adik ako sa mga korean drama at kpop o musikang Koreano, nahing inspirasyon ko ito para pag aralan ang wikang Koreano pati na rin ang kailang paraan ng pagsulat na tinatawag na 'Hangeul'. Sa ngayon, hindi ko ito ginagamit sapagkat wala naman akong taong pwedeng kausapin gamit ang wikang ito. Sa pagsasalita kasi ng wika, para maging bihasa ka dito dapat ginagamit mo ito sa pang araw araw na pakikipagtalastasan dahil kung hindi maaring makakimutan mo ito. Matagal tagal na rin mula ng makilala ko ang ilang kaibigan mula sa Latin Amerika at dahil sa karamihan ng mga taga doon ay hindi o kaya kakaunti lang ang alam sa pagsasalita ng ingles, naging inspirasyon ko ito upang ipagpatuloy ang naudlot kong pag aaral ng salitang espaƱol. Hindi ko din alam kung bakit gustong-gusto kong matuto ng iba't ibang wika pero masaya ako sa tuwing natututo ako ng bago.
0
1693
Written by
esciisc
esciisc
4 years ago
Written by
esciisc
esciisc
4 years ago
Madaming advantage pag marunong kang magsalita ng ibat ibang wika..para magkaintindihan kayo ng kausap mo kung ito man ay may ibang wika.