Magandang umaga mas maganda ka pa sa umaga hahahaha So ayan panibagong araw na naman, hindi pa nga tumitilaok ang mga manok nagsisimula na namang mag ingay si mama. Minsan di ko alam kung anong pinaglalaban niya. Eh naka quarantine naman at walang pupuntahan kaya di ko maintindihan kung bakit kaylangang gisingin niya kami ng napaka aga araw araw. Para bang ang sakit sa mata niya na tingnan kaming naka hilata pa ng ala sais. Kapag nagsipag gisingan naman kami magagalit kasi maiingay. Ano ba talaga ma? Ang gulo mo kausap.
So ayan na nga alas singko pa lang naririnig ko nang may maingay sa kusina. Nag papakulo na ng tubig si mudra para paggising namin magkakape na kami. Ay choosy nga pala yung iba dito, kaya mag ma milo sila haha
Alam ko puro walang katututan itong sinusulat ko. Wala lang kaylangan lang kasing may maisulat para dumami yung points hahaha
Kagabi ala una na ko natulog para lang makapagsulat ng kung ano ano dito haha sorry na pers timer eh. Pero sa totoo lang talaga umaasa ako na makaka pay out din ako mula sa website na ito. Sabi nila legit naman daw talaga dito kaylangan lang sumunod sa rules, habaan yung isinusulat at maging original. Original naman yung sinusulat ko. Mula mismo at fresh na fresh pa mula sa isipan ko, kasing fresh ng inaning patola at petchay ni mama sa bakuran kanina. At kung usapang gulay naman, ayan na naman yung mga tsismosang kapitbahay namin. Nung nagtatanim pa lang tawa ng tawa, kung makatawa akala mo wala nang umaga. Tapos nung namunga na yung tanim mas nauna pang umani kaysa sa amin. At ang masama pa inaalok pa sa iba hindi naman sakanya nakakatawa lang hahahaha Pero buti na lang at mabait kami okay lang mang hingi ang mga kapitbahay basta tirahan naman kami. Mas okay nga yun kasi kahit halos lahat ng tsismosang kapitbahay nanghihingi araw araw, di naman nauubusan ng bunga ang mga tanim at masaya din naman na nakakapagbigay kami ng tulong kahit papaano lalo na sa mahirap na panahong ito.
Mahaba na din pala to di ko napansin. Pag kasi nagsusulat ako minsan nakakalimutan ko ang oras. Kaya nga nakakatuwa na mayroong website na katulad nito at para kahit papaano yung hilig ko sa pagsusulat ng kung ano ano ay mapagkakitaan naman. Matagal na kong naghahanap ng legit na website na mababayaran talaga ako pero karamihan kasi may mga task na dapat gawin ang tagal bago makapay out. May tiyaga naman ako kaso nakiki connect lang sa wifi ng kapitbahay dahil nga mahirap lang hehe kaya minsan wala din, di makaconnect dahil mahina ang signal. Pero napapagtiyagaan naman. Kaya heto ko ngayon umaasa na sana totoo na to.
Oh siya tama na muna to. Tara kape tayo!
If I knew in which language you wrote, I could read your article through Google Translate. However, what he wrote seems to have been written well