Liqour ban no more

0 18

Umiinom ka rin ba? Ng tubig for sure oo. Pero ng inuming may alcohol? Hindi yung alcohol na pinanghuhugas ng kamay ah. Kundi yung alcohol na pwede ipanghugas ng bituka 😂 Kung oo eh di siguradong isa ka din sa mga natuwa at nabuhayan ng loob ng alisin ang liquor ban. Ngayong liquor ban no more na baka gusto mong itry itong bahong imbensyon ng kaibigan ko, oo ng kaibigan ko, nakakahiya naman kasing kunin yung credits na para sa kanya. So ganito yun, ang tawag dito ay Vodka ala Parchita. Ang bongga ng pangalan diba? hahaha charot lang yan. Sa artikulong ito tuturuan ko kayo kung paano gawin ang Vodka ala Parchita. Ang pinakaunang step ay siguraduhing wala na talagang liqour ban sa lugar ninyo kasi kung magtitimpla ka at may liquor ban pa patay kang bata ka. Ngayon kung nasiguro mo na yan pwede ka ng kumuha ng vodka, pasosyal lang yan Gin na lang dahil nagtitipid tayo dahil walang masyadong datung sa ngayon. Tapos kaylangan din ng isang medium sized na parchita. Kung hindi mo alam kung ano ag parchita yan po yung kulay yellow na prutas na tinatawag dito sa atin na 'orange' (minsan nakakabuang din kasi orange ang tawag pero kulay yellow), matamis siya at medyo may kaasiman na parang mangga at maraming buto haha bahala ka na mag imagine kung di mo maintindihan yung description ko basta yun na yun. Tapos kaylangan mo din ng tamarind jelly. Kung hindi mo alam yun, minatamis na sampalok na lang 😂 Kaylangan mo din ng konting tubig kung ayaw mong magpakalasing. Pero kung broken ka at gusto mong magpaka emo ipure mo na lang yung gin para masaya. Ngayon kung kumpleto na yung mga ingredients mo kumuha ka na ng katamtamang laking baso at ilagay ang vodka or gin at haluan ng mga ingredients. Dahan dahan lang sa paghalo para mas masarap. Kaya ka nasasaktan kasi gusto mo mabilisan lahat. Kung gaano kayo kabilis na nag usap at naging close ganun din kabilis siyang nawala sayo. Pag nahalo na lahat ng ingridients tada! pwede mo nang tikman at inumin ang iyong masarap na Vodka ala Parchita. Pwede mo ring alukin yung kasama mo sa bahay para di ka solong nag eemo. Minsan kaylangan mo rin ishare at sabihin sa iba yung bigat ng nararamdaman mo para mabawasan yang sakit sa dibdib mo. Oh siya, sana nag enjoy ka sa pagbabasa kahit alam kong ang labo ng pagkakasulat ko nito. Sa totoo lang mema lang naman ako, kalahating totoo yung laman, kalahating walang katuturan. Alam ko medyo malabo ding intindihin katulad ng relasyon nyong malabo din at kasing labo niyang kausap. Umaasa ako na kahit malabo itong intindihin kahit paano naaliw ka rin. Ciao!

2
$ 0.00
Sponsors of esciisc
empty
empty
empty

Comments