Tara kape tayo! Isa ka rin ba sa mahilig magkape? Yung tipong kahit sobrang init ng panahon at feeling nasa sauna ka kahit nasa sala naman talaga pero magkakape pa rin. Kape is life kasi haha. Ano nga ba ang kape. Ang kape ay isang likidong tinitimpla. Kaylangan siguraduhin mo munang may mainit na tubig bago ka magtimpla ng kape. Ang sakit kasi kapag yung kapeng kape ka na tapos pagkuha mo ng thermos ang gaan pala. Mas masakit pa sa pang go-ghost niya sayo hahaha. Pero okay lang naman yun kung may electric heater kayo sa bahay. Feeling rich kid ka kasi. Tapos siguraduhin mo rin na may kape at asukal kayo siyempre. Pwede na yung nescafe pero kung medyo choosy ka dun ka na sa 3 in 1. Masarap yung kopiko blanca meron din namang nescafe creamy white at mapapatanong ka na lang sa sarili mo kung para kanino ka bumabangon. Para kanino nga ba? Sa panahon ngayon ako di ko na alam kung para kanino ako bumabangon, sa loob ng tatlong buwan na lumipas pare pareho lang naman ang ginagawa ko sa araw araw kaya minsan naiisip ko bumabangon na lang ako para magkape. Kung di siya nang ghost eh di sana para sa kanya ako bumabangon hahaha
Heto ko ngayon nagsusulat ng walang ka kwenta kwentang bagay habang nagkakape. Ang importante kasi makapagsulat ng mahaba kahit walang katuturan yung kwento mo. Nanood rin ako ng balita habang nagkakape. Tinatanong nila kung dapat na nga bang luwagan sa GCQ o dapat ibalik sa ECQ. Okay lang naman kahit anong maging desisyon nila kasi kahit naman matapos ang quarantine iku-quarantine pa rin naman ako ni mama dito sa bahay. Kahit nga nung wala pang quarantine parang naka quarantine na din ako dahil di pinapalabas kaya wala rin namang pinagbago. Basta ang importante nakakapagkape pa rin.
Eto pa esciisc hahaha. Tara kape π