Tao..

0 18
Avatar for epicroxas
3 years ago

On my previous blog, naibahagi ko na may work na ako this 2021. Gusto ko i share ang aking karanasan.

Ang gawa ko sa shop ay mag xerox, scan, print, id pictures, editing documents and photos. Sideline ko ay repairing PC and CP.

At sa mga sumunon na mga araw, kung sinu sinu ng nakasalamuha kung costumer, bata, matanda.

Ang pumukaw ng aking atensyon ay ang mga taong nasa linang o bundok. Sila ay nag pa xerox ng mga papeles nila para maka kuha ng mga tulong ng gobyerno, tulad ng sa calamity at SAP.

Iba iba ang kwento ng buhay nila, at lahat halos dun ay nalaman ko kasi mahilig ako makinig sa mga kinukwento nila sa akin.

Naaawa ako sa kanilang sitwsyon, na literal na isang kahig isang tuka. At kapag walang trabaho, asin at asukal ulam nila o mga gulay gulay sa paligid.

Masisipag namam sila, pero napansin ko pa ang isang bagay sa kanila, karamihan sa kanila mag iinom, mapa babae man o lalaki, hindi naman siguro dahil sa bisyo ng iba kaya sila nag hihirap, pero para sa akin, nakakatulong ang bisyo nila para manatili sila sa kanilang pamumuhay, at hindi na umangat pa.

At sa mga araw araw na ibat ibang tao nakaharap ko meron namang may mga kaya rin na nag papagawa sakin ng mga papers, pictures etc. Pero sa totoo lang sila ang mahirap kausapin basta basta, hindi katulad ng mga katulad kong mahirap, madaling makakwentuhan.

to be comtinued nlng guys..

2
$ 0.00
Sponsors of epicroxas
empty
empty
empty

Comments