Sa gustong maging tech guy

0 6

Anu ba ang mga dapat gawin o tandaan para maging technician ng mga computer.. ito ay ayun lamang sa aking karanasan bilang technician since 2001..

Kailangan mo ng mga tools para dito.. tulad ng mga basic tools.. screw driver etc..

1. Una.. dapat matoto kang gumamit ng computer at alamin ang mga bahagi neto.. tulad ng mouse.. keyboard.. monitor.. cpu.. power supply.. basic muna..

2. Pangalawa.. kailangang matoto ding gumamit ng computer.. tulad ng pag buhay at ang proper na pag patay neto..

3. Pangatlo.. kelangang matotong gumamit ng mga software oh program neto.. unang una na ang windows.. kung eto ang inyong operating system.. alamin ang function ng start menu.. pag paalit ng oras.. kung anung silbi ng storage or hardrive or hdd.. at ang bago ngaun ang ssd o solid state drive.. para makita ang capacity ng inyong drive kung eto ay puno na or hindi.. kasi dito napupunta lahat ng inyong mga files.. data.. at mga installed program or software.. at mga anti virus.. na kakailanganin para ma protektahan ang ating mga data.. ang desktop mismo kung saan makikita ang mga icons ng mga naka install sa inyong computer..

4. Pang apat.. ang solidong kaalaman sa mga importanteng software ng isang computer.. tulad ng microsoft office.. photo editor tulad ng photoshop.. mga installed music player.. video editor.. at kung ano ano pang mga program na kakailanganin sa inyong mga pangangailangan sa pag gamit ng computer..

5. Pang lima.. kailangang meron kang skill sa typing.. google.. ang typing ay makakatulong mapabilis ang inyong pag se search sa google or pag eencode kung kayo ay isa ding encoder.. dapat proper ka mag type para hindi ka maliyo kakatingin mo sa tina type mo at sa monitor.. at sa pag go google naman dapat may skills ka sa pag hahanap ng iyong mga kailangan.. tulad ng research paper.. at importante ay mga latest drivers ng inyong gagawing computer..

6. Pang anim.. dapat meron kang magandang connection ng internet.. tulad ng pldt.. smart bro.. at globe.. kayo na bahala mamili sa gusto nyo.. kasi kadalasan hindi available ang magandang connection sa inyong lugar lalo na kung ikaw ay nasa probinsya..

7. Pang pito.. ngaun kung napag aralan nyo na ang aking mga nabanggit sa taas mula una hanggang anim.. pwede na tayo dumako sa mga hardware.. tandaan na kelangang ma master nyo ang bawat parte ng computer labas at loob neto at mga software na kakailanganin..

* OS or operating system - eto ang windows ng computer.. dito mo makikita ang desktop windows.. mga icons.. eto ang inyong GUI.. o graphical user interface.. dapat matoto kayong mag install neto at mag reinstall.. para sa mga sira ang windows mapa windows 7 man or windows 10.. bagamat may mga paraan pa para ma repair ang isang windows.. kadalasang solosyon ng mga tech guy ay reinstall windows..

* HDD or hard disk drive - eto ang isang parte ng computer na kung saan mapupunta ang inyong mga ilalagay tulad ng Windows.. microsoft office.. mga program.. kung bago ang inyong hdd kelangan mong natoto mag repartition neto.. saka ka mag install ng windows.. ang repartition ng hdd ay ang pag hati neto sa dalawang parte.. halimbawa meron kang hdd na may capacity na 500 gigibytes.. hatiin mo eto sa dalawa at gawing tig 250gb per drive.. para in case na bumigay ang windows mo.. at sa primary drive naman lagi naka save lahat lahat including windows mo.. ay yung mga important files mo hindi maaapektuhan sa kabilang drive.. malaking tulong eto para laging baka backup ang files mo at hindi masira..

* Mobo or motherboard - dito nakasaksak lahat ng mga pyesa ng computer.. et ang daan para mabuhay sila.. tulad ng processor or cpu.. hdd.. memory.. at mga cards tulad ng video card.. dito rin naka saksak ang mouse.. keyboard.. printer at kung anu anu pa..

* Memory or RAM - eto ang isa sa mga importanteng pyesa ng computer.. eto ang nag bibigay daan para gumana ang motherboard.. kung wala neto ay hindi mabubuhay ang computer nyo.. dito sa RAM or random access memory na se save panandalian ang mga data na ginagawa nyo sa computer nyo.. kaya mas marami kang ginagawa kailangan ng memory nato para ma process eto..

* CPU or central processing unit - eto ang pinaka utak ng computer..eto ang nag dadala ng mga instruction ng computer.. eto ay nag pe perform ng arithmetical at logical ng computer.. input and output neto... kailangang malaman din ang mga type ng cpu at mga board na compatible sa isang cpu.. ginagamitan ko eto ng thermal paste para hindi gaanong uminit habang ginagamit ang inyong computer..

* Cards - eto ay ang mga adons cards para isalpak sa mobo or motherboard.. number one na kilala ay ang video card.. kadalasan lalo na sa mga bagong motherboard ngaun ay may built-in video card na.. pero pwede etong gamitin para mas mabilis ang ating computer lalo na kung ikaw ay isang gamer..

* PSU or power supply unit - eto ang bumubuhay naman or nag bibigay kuryente sa bawat pyesa ng computer.. eto rin ang protekta para hindi ma over load ang mobo or motherboard..

* AVR or automatic voltage regulator - eto ang pinaka unang dinadaanan ng kuryente papunta sa PSU at motherboard natin.. kailangan eto para ma protektahan ang ating psu at mobo sa mataas or mababang kuryente.. hindi advisable ang hindi gumamit ng AVR sa computer.. mas ligtas kahit paano sa kuryente ang ating mga computer..

Sa susunod ko idedetalye ang iba pang parts ng computer.. sa ngayon eto po muna.. at tandaan mag ingat po tayo pag nag to troubleshoot ng computer.. laging alerto.. kung may mga hindi pako nabanggit.. its for you to discover... Godbless us all..

3
$ 0.00
Sponsors of epicroxas
empty
empty
empty

Comments