Habang tayo ay umi edad tayo ay nag ma matured na.. lalong lumalawak ang ating pang unawa at pag intindi sa mga bagay bagay na hindi natin naiintindihan noong tayo ay bata pa.. natototo tayong magpatawad.. humingi ng tawad.. lumugar ng ating mga ugali.. at mag mahal ng kapwa tao.. hindi lahat ng oras tayo ang pag bibigyan tayo ang iintindihin.. darating din talaga ang panahon na tayo naman ang uunawa.. may mga nakikita na tayong angulo ng buhay na hindi natin tinitingnan noon.. eto ang mga bagay na alam ko na sinyales ng pagiging matured.
1. Pag unawa - minsan tayo ay nahuhusgahan ng iba.. kilala ka man or hindi ng isang tao.. at syempre eto ay ating ikagagalit at ikakasama ng loob. Pero look at the bright side.. tayo nga ba ang luge o ang mga taong mapanghusga.. sila ang napapagod kakahusga sayo.. sila ang nababaon sa kasalanan kakahusga sayo.. sila ang nakakaawa.. sila dapat ang intindihin imbis na tayo ay magalit.. kapag ang tao ay punong puno ng inggit sa katawan ay saka ka lamang nila makikitaan ng sa tingin nila ay mali.. sila ang nangangailangan ng matinding pang unawa.. kapag tayo ay nasa tamang edad na at tayo ay nakakaunawa na.. pinalalampas nalang natin madalas ang mga bagay na ganyan at mas magandang intindihin na lamang ang ating sariling problema kesa intindihin natin ang iniisip ng iba..
2. Mapagbigay - habang tayo ay tumatanda.. tayo ay natototong magparaya.. magbigay.. isa sa mga natotonan ko sa buhay ang pagiging mapag bigay sa lahat ng bagay.. pero syempre may limitasyon at depende sa sitwasyon.. halimbawa.. sa isang relasyon.. mag asawa man or mag jowa.. importante ang matotong mag bigay.. kung ang babae ay nagagalit sa inyo sa kung ano mang bagay yan.. matoto tayong umintindi o pagbigyan natin sila.. wag nating mga lalaki basta basta papatulan ang mga babae.. at syempre sa mga babae ganun din sana.. at kung kayo ay niloloko.. babae man or lalaki.. tulad ng sabi ko.. pag bigyan nyo na at hayaan mo na sya kung dun sya masaya.. ibig sabihin nyan hindi sya para sa inyo.. tandaan nyo na kapag nag loko ang isang tao ay ipagpasalamat nyo pa.. kasi mawawalan kayo ng taong nag papabigat sa puso at isipan nyo.. ang pag bibigay ay hindi masama.. para kang masaya kapag nagbibigay ka.. pangako lagi ka nakangiti kapag mapag bigay ka sa iyong kapwa.. at balang araw may magandang kapalit yan na para sayo.. hilingin mo man sa Dyos o hindi.. laging may para sa inyo..
3. Pag titipid - sa buhay natin kapag tayo at tumatanda na.. lalo tayong natototong mag tipid.. lalo na kung tayo ay may pamilya na.. natototo tayong tipirin ang isang bagay para sa ikakapakinabang ng ating mga mahal sa buhay.. hindi lang sa pag titipid tayo ng pera.. pag titipid rin ng mga kinukunsomo sa ating mga bahay.. at pag titipid sa salita.. halimbawa may mga bagay na hindi na dapat palakihin.. tulad ng away mag asawa or isang mag ka relasyon.. hindi na kailangang mag daldalan pa.. kung hindi naman nag lokoko ang isa sa inyo.. magkapatawaran nalang at ng maayos na agad lahat.. hindi na kayo mag sasayang ng laway pa at ng hindi na ninyo mabanggit ang mga masasamang salita sa isat isa na pwedeng mauwi sa sakitan o hiwalayan..
4. Pagiging tapat - Tayo rin ay matototong maging tapat sa ano mang bagay.. tapat sa asawa o karelasyon.. at lalong lalong maging tapat sa iyong sarili.. ang pagiging tapat sa inyong sarili ang magbubuhat sa inyo sa pagiging tapat nyo sa inyong kapwa.. maging tapat tayo sa lahat ng bagay.. kung tayo ay may kasalanan o nagawang hindi maganda sa inyong kapwa ay ating aminin at maging matured ka at harapin mo ang iyong pagkakasala.. ng sa ganun ay hindi na eto tumagal pa o marinig pa sa ibang tao.. harapin.. panindigan at wag tatalikuran o tatakasan.. hindi ang pagtakas ang sagot sa lahat ng ating dinadala o nararanasan sa buhay.. bagkos eto ay ating harapin at panindigan! Kung ikaw ay tapat sa kapwa tao mo ay mabilis mong ma reresolna ang problema.. at hindi eto tatagal kasi mabigat sa kalooban ang hindi pagiging tapat..
5. Pagpapahalaga - Pahalahagahan mo ang lahat ng bagay na dumarating sa buhay mo.. wag nating hayaan maging huli na ang lahat para satin kung hindi natin papahalagahan ang mga magagandang bagay o pangyayari na dumarating sa ating buhay.. halimbawa.. magandang trabaho.. mapagmahal na asawa.. oportunidad.. mga anak.. mapagmahal na mga magulang.. at mga kaibigan o tropa.. kapag hindi natin pinahalagahan lahat yan ay maaari sating mawala at pagsisihan kung kelan huli na ang lahat.. be matured enough...
===============================
REYALIDAD: (reality check)
Ang katotohanan ay hindi lahat ng mga nabanggit ko ay ginagawa ng bawat isa satin.. bagkos eto ay kabaliktaran ng lahat.. sa edad kong eto ay nakita ko na na may mga taong walang ugali.. tamang asal.. at bastos sa kapwa.. kahit nasa tamang edad na ay wala paring pahalaga o respeto man lang sa ibang tao..
PAG-UNAWA? ang katotohanan ay may mga taong hindi marunong umunawa at at mas iniisip nila na sila ang tama at hindi marunong tumingin sa sarili nilang pagkakamali.. mga taong mababaw ang pang unawa na kung saan ay mas gusto pa na sila ang unawain kesa sila ang umunawa.. mga taong sila na ang mali o may kasalanan.. pero sila pa ang pa biktima.. hindi ko pong sinasabing lahat.. pero karamihan po ganyan.. at alam kong alam nyo rin yan..
MAPAGBIGAY - Its a big NO! Kadalasan sa mga tao ngayon lalo na ang mga nasa tamang edad ay hindi marunong magbigay o hindi mapag bigay.. mas iniisip nila ang sarili nilang kapakanan kesa sa iba.. hahayaan kang mapahamak kesa madamay sila.. sa mga mag kakapamilya nangyayari yan.. kadalasan mas makakatulong pa sayo ang ibang tao kesa sa kapamilya mo na sarili mong dugo.. tama po ba ako? Sa mag kakaibigan nangyayari rin yan.. ang bibilis nila lumapit sa iyo kapag may kailanan sila lalo na sa pera.. kapag naibigay mo kailangan nila.. hindi kana nila kailangan.. subukan mong ikaw naman ang humingi ng favor.. tatanggihan ka nila at magagalit pa sayo kapag siningil mo sa hiniram nila.. uulitin ko po.. hindi naman po lahat...
PAGTITIPID? Tandaan po natin.. na mas madaling tipirin ang konting pera kesa sa malalaking pera.. bakit? Sa lifestyle ng buhay natin.. masyado tayong magastos ngayong panahon.. masyado tayong pasikat sa iba.. ayaw mag pahuli sa uso.. maging sa gadgets.. pagkain.. at kung ano ano pa.. kung ano ang meron sa iba gusto natin meron din tayo.. kahit alam nating mahirap ang buhay lalo na ngayong pandemic.. order online.. lazada.. shopee at sa mga online seller.. ni hindi naman talaga natin kelangan yung ibang binibili online.. mas nag mukha pang ma pepera ang mga tao ngayong pandemic kesa wala o normal na panahon.. pansin nyo ba.. kasi nakikisabay sa uso.. nawala na pag titipid.. at kapag konti nalang tira nating pera.. ayun saka napasok ang salitang pag titipid.. sabi nga.. mas madaling tipirin ang 500 pesos kesa sa 10k pesos.. totoo ba? Hindi naman po lahat ganito.. pero marami sila.. realtalk!!!
PAGIGING TAPAT? Kasinungalingan!! Alam nating lahat na konti lang ang tapat sa panahon ngayon.. sa relasyon.. pera... pag ibig... at sa kapwa tao.. wag tayo plastic.. sa relasyon? Babae man o lalake kadalasan mga nag lolokohan.. hindi dahil mabait ka.. hindi sapat yan.. kelangan pogi o maganda ka.. lalong lalo na kung ma pera ka.. iiwanan ka kapag nasilaw na.. minsan nga kahit may pera ka itatapat ka sa gwapo o maganda kaya pang mawala sya sayo.. but syempre you deserve better.. may point is.. mas tumitingin ang mga tao ngayon sa pisikal na kaanyuan.. kesa sa tunay na nararamdaman.. hindi naman po lahat ganun.. pero karamihan.. d po ba?
PAGPAPAHALAGA? Kadalasan binabaliwala na ng mga tao ang mga bagay na dapat iniingatan.. sa sobrang kawalan ng respeto at pag papahalaga ay nawawala ang mga bagay o tao na dapat binigyan mo ng halaga noon pa.. wala kang kwentang tao kung hindi ka marunong magpahalaga.. minahal ka.. binaliwala mo... may mga gamit kang mamahalin sa una mo lng iniingatan.. pag dating ng oras binabaliwala mo na.. may opportunity na magandang dumating sa buhay mo binaliwala mo kesyo marami pang darating.. hindi po maganda ang ganung ugali.. at pagsisisihan natin eto sa bandang huli..
Eto pong aking mga nabanggit at sarili ko pong opinyon.. eto po ay ayun lang sa aking mga nakikita at nararanasan.. hindi ko po nilalahat.. alam ko pong may mga taong mabubuti pa sa panahon ngayon.. Godbless us all!!! Salamat po..
Please like and comment kung naka relate po..
sucribed at: epicroxas
Upvote me☺
maging totoo sa sarili yan ang totoong reyalidad tanggapin kung anu meron sa buhay huwag mghangad nang anu pa man